CHAPTER 5
Trip
“Bibigyan mo pa sila ng isang araw na magsaya?” Pagtatanong ng babae sa lalaki, tumango ang binata kaya napahawak sa ulo ang dalaga tila ba na-stress siya sa plano nito. “Bakit kailangan mo pa silang bigyan ng araw na magsaya? They are all happy and successful with their own life, can’t you see it?”
“Of course, I can see how happy they were! Even if they were an awful person they’d still manage to be happy and continue their life just like they didn’t kill anyone! Just like they didn’t try to kill anyone! They killed her dreams, they killed her!” Punong-puno ng galit ang boses ng lalaki habang sinasabi niya iyon.
“Then, what is the purpose of giving them a day to be happy?!” Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit kailangan niya pang pagbigyan ang mga demonyong iyon na maging masaya. “They are all demons disguising themselves as an achiever or heroes for everyone but the truth is they are all murderers!”
“At least, bago sila mapunta at mabulok sa kulungan ay masaya sila. Para hindi sila makahalata sa plano.” Pagpapaliwanag niya. “Panigurado ay nakita naman nila ang mga pinadala nating ID sa kanila hindi ba? Hayaan natin silang magtaka muna kung kanino galing iyon at panoorin natin kung paano sila magturuan kung sino ang may gawa ng lahat ng ito.” Kumalma ang dalaga dahil sa sinabi ng binata. Mabuti nang maintindihan niyang mabuti ang kanilang plano dahil ayaw niyang pumalpak sila.
“Siguraduhin mong magtatagumpay ang plano natin. Ayaw kong mapunta lahat sa basura ang lahat ng pinaghirapan natin sa loob ng ilang taon.” Pagbabanta ng dalaga sa binata.
“Matagal ko ng sinisigurado na magdudusa silang sabay-sabay sa kulungan.” Ngumisi ang binata pagkatapos niyang sabihin iyon. “Hindi ba pagkakaguluhan sila ng media sa oras na malaman nila ang baho ng bawat-isa?” Dagdag pa nito. “Sigurado ka naman bang walang makakatakas sa kanila kung sakali?”
“Sigurado ako. Pinalagyan na ng kuryente ang pader na nakapalibot doon kaya hindi sila mangangahas na tumakas.” Sambit ng dalaga. “Pwera nalang kung mas gugustuhin nilang mamatay kaysa harapin ang katotohanan na makukulong silang lahat.”
“Ready na ba ang lahat?” Pagtatanong ni Michael. Apat HiAce van ang kanilang inarkila para makapunta na sila sa Batangas.
Napagkasunduan nila na huwag nang magdala ng sasakyan. Ang isang van ay maiiwan kung sakali man na magkaroon ng emergency ang isa sa kanila. Gusto kasi nila na takasan ang mundo dahil napagod na sila sa buhay. Mas gugustuhin pa nilang bumalik sa pagiging estudyante kaysa makipagsapalaran sa buhay.
“Yes!” Sabay-sabay na sigaw nila. Bakas ang kasiyahan at excitement sa kanilang mga boses. Ilang oras lang naman ang biyahe nila mula Manila papunta sa Batangas.
“Tama ba ang daan?” Pagtatanong ni Madelyn nang wala nang masagap na signal ang kanyang cellphone. Totoo ngang walang signal doon dahil wala na kahit isang bar man lang ang kanyang cellphone.
“Oo, sinusundan lang natin sina Cassandra.” Sagot ni Clarence na nasa front seat. Nag-arkila sila ng mga driver para hindi na sila mapagod. Hindi naman problema sa kanila ang pera kaya mas pinili na lang nila kung saan sila kumportableng lahat.
“Paano pala kapag nagkaroon ng emergency?” Hindi mapigilan ni Madelyn ang mamroblema habang nakatingin sa cellphone niya na alam niyang hindi na makaka-receive ng messages o kaya ay call. Wala na rin ang data niya.
“Madz, alam naman ng mga kasamahan natin na naka leave tayo, hindi ba? Kaya hindi naman sila tatawag.” Wika ni Joanne dahil alam niyang hindi titigil sa tantrums niya si Madelyn.
“E malay nga natin may emergency ‘diba?” Pagpapaintindi ni Madelyn dahil medyo nainis siya sa tono ni Joanne. Alam niyang maikli ang pasensya ng kaibigan niyang si Joanne kaya hindi pa rin siya makapaniwala na naging teacher ito.
“Wala naman siguro,” Sagot ni Joanne dahil ayaw niya talaga kapag nag-iinarte si Madelyn kahit noong senior high school pa lang sila.
“What if something happens to us? Like, accident? You know our boys, they were playful.” Hindi maiiwasan na mag-aalala ni Madelyn dahil mukhang kahit anong gawin niya ay wala na talagang signal. At halos nasa liblib na lugar pa man din naman sila.
“Kayaa nga iiwan ang isang van, in case of accident diba?” Hindi alam ni Joanne kung bakit naging successful na business owner si Madelyn gayong ang hina niyang mag-analyze.
“At least, we need to call an ambulance!” Umirap si Joanne dahil signal pa lang ay hindi na mapakali ang kanyang kaibigan paano pa kaya kapag nasa resthouse na sila? Paano sila makakapag pahinga kung puro reklamo ang maririnig niya kay Madelyn.
“Why are you so worried ba? We have a nurse and a doctor. Aaron is a doctor. Christy is a nurse. You don’t trust our classmates ba?” Pagtatanong ni Joanne. Umirap si Madelyn dahil silang dalawa talaga ang hindi pwedeng magsama sa iisang kwarto dahil mareklamo si Madelyn habang walang pasensya si Joanne.
Kung noong homecoming at meeting ay okay-okay pa sila ngayon ay siguro naapektuhan na rin ng pagod ang kanilang ugali.
“Babe, stop it.” Bulong ni Brandon sa kanyang kasintahan dahil mukhang hindi siya papatalo.
“What if they were the one who’ll get hurt?” Muling pagtatanong ni Madelyn.
“God, Madelyn! Your imagination is running wild. Nothing will happen to us, okay? Tiyaka isa pa, one of us will surely know how to do first aid.” Pagod na si Joanne na makipag-usap kanina sa kanyang mga magulang na kahit may edad na siya ay kinokontrol pa rin siya ng mga ito.
“Joanne, Madelyn was just concerned about us.” Umirap si Joanne nang magsalita si Isiah mula sa kanilang likuran.
“Here comes the superhero.” Tamad na wika ni Joanne dahil hindi naman lingid sa kanyang kaalaman ang nararamdaman ng binata para kay Madelyn.
“Hay nako, baka kung saan pa mapunta iyan. Tumahimik na lang tayong pare-pareho.” Pagbabawal sa kanila ni Hahn dahil masyado na silang maingay sa van.
“Malamang wala talagang signal dito, halos wala ngang kabahay-bahay eh.” Bulong-bulong ni Joanne pero hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Madelyn. “Ikaw pa nga nag-suggest na dito na lang tayo tapos ikaw ang unang magrereklamo?”
“What’s wrong with you today, Joanne?” Hindi mapigilan na tanong ni Madelyn. Alam niya na maikli lang ang pasensya ng kaibigan pero alam din niya na kapag ganito na umakto si Joanne ay may iba na siyang problema.
“Wala.” Tipid na sagot ni Joanne tiyaka niya na lang pinikit ang kanyang mga mata. Napatingin si Michael mula sa rear mirror para tingnan ang kanyang mga kaklase.
“Marunong akong mag first-aid.” Sambit ni Clarence para matapos na ang usapan nila. “Don’t worry, Madelyn.” Sambit pa niya kaya huminga na lang ng malalim si Madelyn. Guess she doesn’t have a choice.
“It’s okay, babe.” Bulong ni Brandon sa kanyang kasintahan.
“Maybe we’re all tired since some of us really submit all our requirements first before going on a one week vacation.” Sambit nito na sakto lang para marinig ng lahat. “I am asking for all your patience so this trip will be memorable for us.” Wika pa niya. “And this will be our rest for all the hard work we did.” Dagdag pa ni Brandon. Umigting ang panga ni Isiah dahil hindi niya maiwasan na magselos sa binata.
“I agree with Brandon, this is our vacation.” Sagot ni Hahn. “We should be stress free!” Dagdag pa nito dahil mukhang hindi na maganda ang timpla ng dalawa.
“I guess we need to understand each other.” Singit ni Calyx na nasa gitna nina Isiah at Hahn. “Huwag tayong gumawa ng stress ng isa’t-isa.” Dagdag pa niya.
Tumango si Michael dahil mukhang magkakaayos na sila.
“Damn it, dude! Walang signal!” Reklamo rin ni Ranz sa kabilang sasakyan. As usual, magkakasama silang tatlong magkakaibigan habang kasama nila ulit si Cassandra, Zyrene, Noah at pati narin si Jefree.
Hindi maiwasan na magmasid ni Zyrene sa kanyang mga kasamahan lalo na’t sila lang din ang kasama niya noong nag grocery. Hindi niya maisip kung sino ang naglagay ng ID na iyon sa cart ni Cassandra. Wala rin naman nakakaalam sa kanyang sikreto na maging ang kanyang kaibigan na si Cassandra ay hindi alam iyon, kaya papaanong nalaman ng taong iyon ang sikreto niya? Sino nga ba sa kasama niya ang naglagay at may alam ng sikreto niya?
“Patay kay Misis.” Lalo pang pang-aasar ni Vanz sa kanyang kaibigan na ngayon ay halos sirain na niya ang kanyang cellphone dahil ayaw ng masend ang kanyang huling message para sa kanyang kasintahan.
“Akala ko ba sabi ni Madelyn mahina lang ang signal?” Muling pagtatanong ni Ranz dahil iyon ang sinabi niya sa kanyang kasintahan kung hindi na siya makaka-send ng message ay baka wala na siyang balikan na magiging asawa niya sa Manila.
“Wala talagang signal dito. Kahit na ano pang gawin mo sa cellphone mo, wala kang makukuhang signal.” Pagpapaliwanag ni Cassandra dahil minsan na siyang pumunta noon dito, noong senior high school pa lang sila para maglinis ng buong bahay. At kahit isang bar lang ng signal ay wala siyang nasasagap. Kung pupunta lang sila sa bayan tiyaka siya nakapag reply kina Madelyn noon.
“Bakit hindi mo agad sinabi?” Pagtatanong ni Ranz dahil katulad ng sinabi ni Vanz ay patay talaga siya sa kanyang kasintahan lalo na’t hindi man lang siya nakapag sabi na mawawalan na siya ng signal.
“You shouldn’t be worried, dude!” Tawang sabi ni Vanz tiyaka niya tinapik ang balikat ng kanyang kaibigan na ngayon ay problemadong nakatingin sa kanyang cellphone. “This is fun! Since we really don’t have connection sa outside world.” Muli siyang tumawa.
Samantala ay tahimik lang din si Jefree dahil iniisip niya ang ID na napulot niya kanina. Hindi niya alam kung kanino iyon, pinulot niya lang iyon nagbabakasakali na sa kanyang mga kaibigan ang kaso nga lang ay kumunot ang kanyang noo nang makita niya ang kanyang pangalan pati na rin ang kanyang litrato.
Licensed for Failure
Jefree Carpio - Priest
At halos mapapikit siya nang mabasa niya kung anong nakasulat sa baba ng kanyang pangalan. Walang sino man ang may alam sa buhay niyang iyon kaya hindi niya lubusan maisip kung kanino nanggaling ang ID na iyon at kung paano niya nalaman ang bagay na pilit niyang tinatago kahit kanino.
Samantala ay ganun din ang tumatakbo sa isip ni Hermes ng makita niya sa kanyang wallet ang isang hindi pamilyar na ID sa kanya. Hindi niya alam kung paano napunta iyon doon, ang tanging alam niya lang kanina ay hinulog nilang lahat ang kanilang mga wallet sa dala-dala ni Cassandra at magbubunutan kung sinong magbabayad sa kanilang breakfast.
Hindi ang wallet niya ang nabunot ang kaso nga lang ay pagbalik sa kanya ay nandoon na ang ID na iyon. Sa kanya iyon, dahil may pangalan at picture niya ang hindi nga lang niya maintindihan ay kung bakit ganun ang nakasulat at lalong-lalo na ang nakasulat sa ibaba ng kanyang pangalan.
Licensed fo Failure
Captain Hermes Ibanez
“Oh my God!” Singhal ni Sacha kaya napatingin si Hermes doon, baka may natanggap din ang babae kagaya na lamang ng natanggap niya.
“OMG!” Nasa gitna nilang dalawa si Sheena na ngayon ay sumigaw rin pagkatapos ni Sacha na nasa kabilang banda.
“Why?” Pagtatanong ni Hermes sa dalawang maarteng magkaibigan. Baka hindi ID sa kanila kung hindi sinend sa kanilang email? Dahil wala siyang nakikitang ID na hawak ng dalawa.
“Walang signal!” Sabay na wika nila kaya napapikit na lang si Hermes, ang akala niya ay mayroon din ang dalawa pero mukhang siya lang ang mayroon non. Hindi niya alam kung sino ang naglagay ng ID na iyon sa kanyang wallet.
“Argh!” Inis na sambit naman ni Antoniette dahil mukhang sabay-sabay na nawalan ng signal ang tatlo.
“This is peaceful.” Komento ni Christy na siya lang ang nasiyahan dahil wala na siyang matatanggap na messages o di kaya naman ay call. Pagbalik na lang niya sa Manila, doon niya aasikasuhin ang magiging problema niya.
“Yeah, this area is secluded and doesn’t have a signal.” Komento ni Aaron na para bang hindi big deal ang pagkawala ng signal sa kanya, hindi tulad ng dalawang magkaibigan na nasa likuran.
“My readers will probably miss me.” Ngiti ni Cathlyn bago na niya nilagay ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag dahil wala na siyang alam na gawin sa kanyang cellphone.
“You have an ongoing story, right?” Pagtatanong ni Antoniette sa kanyang kaibigan. Nakikita niya kasi sa twitter account ng kanyang kaibigan t'wing nag-update siya tiyaka isa pa, palaging trending ang kanyang story sa twitter.
“Yes.” Cathlyn proudly said. “It's hard being a writer since some of my readers treat me like a celebrity or something.” She added and chuckled.
“How could you update your story while we're on vacation?” Takang tanong ni Antoniete, sandaling napatigil si Cathlyn sa tanong ng kaibigan pero kaagad siyang ngumiti.
“My readers will prolly understand my absence since I already posted on my different social media accounts that I'll be having a vacation.” Masayang pagkukwento nito. Tumango si Antoniete tiyaka ngumiti dahil masaya para sa kanyang kaibigan.
“Mukhang naaliw ka na sa mga fictional characters, paano naman ang true love story mo?” Asar nito dahil wala pang nagkukwento sa kanya si Cathlyn kaya bahagyang natawa si Cathlyn.
“Porket may special someone ka na, ha?” Balik na pagtatanong ni Cathlyn sa kaibigan. “Ayan oh si Christy ang tanungin mo, ako pwede pa ako makalandi. Si Christy nakatali na sa hospital.” Pasimpleng inikutan ni Christy tingin ang kanyang kaibigan.
“What's that? Love life story?” Singit ni Sheena dahil gusto niyang makarinig ng mga ganoong istorya. Pinagbawalan din kasi siya ng manager niya na magkaroon ng boyfriend dahil baka maging distraction pa ito sa kanyang practice bilang Miss Universe.
“Who? Christy?” Pagtatanong ni Sacha pagkatapos niyang itago ang kanyang cellphone dahil mukhang wala na siyang magagawa kung hindi tanggapin na kahit isang bar lang ng signal ay walang masasagap ang kanyang cellphone sa lugar na ito.
“Seriously guys?” Pagtatanong ni Christy sa kanila. Pagod na siyang marinig ang tanong na iyon. “Even all of you are asking me that? It is so tiring answering that question.” Sagot nito sa pagod na boses.
Ayaw niyang sagutin ang tanong na iyon dahil sawang-sawa na siya kapag tinatanong siya ng kanyang mga kamag-anak.
“I can live on my own.” Sagot niya habang bahagyang nakatiim ang kanyang bagang.
Tiningnan siya ni Aaron na nasa tabi niya. Naintindihan niya ang dalaga dahil katulad ni Christy, ganon din ang natatanggap niyang tanong sa kanyang mga kamag-anak.
“True, she already had her dream and profession. She doesn't need to marry anyone to prove something.” Pagtatanggol ni Aaron kay Christy. Kaagad naman silang inasar ng mga babaeng kaibigan pwera lang kay Sacha na nakangisi lang habang pinagmamasdan ang kanyang mga kaklase.
“Bakit hindi na lang maging kayo?” Pagtatanong ni Sheena dahil sa kanilang lahat na nandito sa van ay siya ang pinaka-hopeless romantic. Siguro ay dahil wala pa siyang nagiging boyfriend.
Hindi lang ang manager at coach niya ang strict kung hindi pati ang kanyang ina na singtaas ng langit ang standard para sa mapapangasawa ng kanyang anak.
“Baka anatomy ang unang word ng magiging anak nila.” Pagbibiro ni Antoniete pero pagod lang na umiling si Christy tiyaka na lang niya pinikit ang kanyang mga mata. Ayaw niya talagang pag-usapan ang tungkol sa relasyon niya.
Samantala ay kanina pa sila pinagmamasdan ni Hermes, tinitingnan niya kung sino ang may kakaibang kilos sa kanyang mga kaibigan. Tama ba na pagdudahan niya ang kanyang mga kaibigan? Pero alam niya na mas mahigpit pa sa lubid ang samahal nila. Ride or Die ika nga nila. Alam niyang walang magtataksil sa kanila. Alam niyang wala naman kung sino sa kanila ang magka-kalkal ng isang bagay na tinatago niya.
Aksidente siyang napatingin sa rear mirror kung saan nagtama ang tingin nilang dalawa ni Michael. Bahagyang kumunot ang kanyang noo dahil sa malamig na tingin ng binata.
"Is that you?" Tanging naitanong ni Hermes sa kanyang utak habang nakatingin sa rear mirror.