CHAPTER 6
ID
"Hay sa wakas nakarating na rin tayo!” Nag-unat ng kamay si Clarence nang makababa siya sa van. Sunod-sunod naman nagbabaan ang mga magba-barkada.
Tumingin sila sa may kalumaan ng mansyon pero napanatili pa rin itong maganda. Naglalakihang mga pader ang nakapalibot dito na walang magta-tangkang mag akyat-bahay kung sakali man. May mga iilang halaman din na nasa maliit na garden sa may kanang bahagi ng bahay. May malaki ring hagdan papasok sa bahay, tamang disenyo lang ng sinaunang panahon.
“Wow! Buhay ka pa pala!” Pagbibiro ni Joanne kay Clarence, kasama kasi nila ito kanina sa van pero tulog lang ito magdamag sa byahe.
“Nako! Hulaan ko, tulog na naman iyang si Clarence no?” Sigaw ni Cassandra dahil narinig niya si Joanne. Hindi na iyon lingid sa kanilang kaalaman dahil simula noong senior years pa naman nila ay palaging tulog itong si Clarence.
“Nako! Sinabi mo pa!” Sagot ni Joanne habang ang ibang mga lalaki ay kinuha na ang mga gamit nilang lahat para ibaba. Ang ilang mga babae naman ay kumuha na ng nga picture dahil iyon na lang ang magiging pakinabang ng kanilang cellphone.
“Hindi naman,” Sagot ni Clarence bago siya pumunta sa mga boys para tumulong sa paghahakot ng mga gamit. “Medyo nagising pa nga ako noong nag-aaway kayo ni Madelyn tungkol sa signal.” Nagkibit-balikat siya tiyaka ngumisi dahil sa pang-aasar.
“Ano pa nga bang bago? Away-bati naman palagi sila.” Sambit ni Cathlyn na nasanay na sa kanyang mga kaibigan. Minsan kasi kahit na hindi sinasadyang sabihin ng isa ay nasasabi pa rin nila lalo na kapag pagod sila.
“Oy! Hindi ah! Bati na kaya kami!” Binitawan ni Madelyn si Brandon, lumapit siya kay Joanne tiyaka niya kinalingkis ang kanilang mga braso. Lalo naman pinag-abalahan ni Brandon ang pagtulong sa kanyang mga kaibigan na lalaki at makasama na rin sa kwentuhan nila.
Totoong away-bati sina Joanne tiyaka si Madelyn. Halos lahat naman ng nasa section nila ay away-bati lalo na kapag natatambakan na sila ng gawain ay hindi na nila gaanong nacocontrol pare-pareho ang kanilang mga emosyon kaya kung madalas ay humahantong sa pagka-kasagutan. Pero hindi man sila kailanman nagtanim ng sama ng loob sa isa't-isa at hindi nagtatagal ang kanilang away dahil pare-pareho nilang inaamin ang kanilang mga pagkakamali.
Iyon ang kagandahan ng kanilang section, kaya rin siguro matatag at kumpleto pa rin silang sama-sama dahil kailanman ay hindi nila pinapabayaan ang isa't-isa. Na kahit nasa magkabilang unibersidad man sila nag-aral noong kolehiyo o kahit iba-iba man sila propesyon ay ‘one call away’ lang palagi sila kapag may problema ang isa.
“Malinis ba iyong pool?” Pagtatanong ni Vanz habang nagbaba pa rin sila ng mga bagahe. Hindi kasi tumulong ang mga babae dahil ayaw din nilang pagbuhatin ang mga ito, alam naman nilang hindi sanay ang mga kaibigan nilang babae sa mabibigat na buhatin kahit na akala mo ay may kompetisyon sa kanila na pabigatan ng maleta.
“Baka puro dumi ang sisirin natin don!” Sigaw ni Ranz habang natawa-tawa dahil gusto lang nilang asarin si Cassandra para malaman nila kung may gusto nga ba ang kaibigan nilang si Kyle sa dalaga.
“Mga gago! Sumisisid nga kayo ng mga mapapangheng—” Hindi natuloy ni Cassandra ang kanyang sasabihin nang sumabat si Kyle para patigilin ang kanyang bunganga.
“Cassandra!” Nag make-face si Cassandra. Nagtawanan sina Ranz at Vanz tiyaka sila nag-apir-an dahil nakuha nila ang gusto nilang reaksyon. Alam naman niya na balahura ang kanyang bibig kumpara sa mga kaibigan niyang babae na nandito. Siguro ay dahil lahat sila ay laki sa yaman habang siya ay inampon lang ng nagpa-aral sa kanya na si Helen.
“But it's clean, right?” Pagtatanong ni Sheena kay Cassandra. Si Sheena ang pinakabata at pinakamaarte sa kanila, kaya na rin siguro siya naging beauty queen dahil sobra ang pag-aalaga niya sa kanyang kutis at ang kanyang katawan.
“Sheena, that's not appropriate question when you're visiting someone's house.” Panermon sa kanya ni Sacha. Magpinsan din kasi sila ni Sheena, accelerated student siya kaya kahit na ilang taon ang bata niya ay naging kaklase pa rin nila ito.
“I'm just asking?” Maarteng pagtatanong nito kaya tinapik ni Cassandra sa balikat si Sacha tiyaka ito tumango sa kanya, wanay na sila sa ugali ng isa't-isa. Para saan pa at nagtagal ang pagkakaibigan nila kung hindi nila iintindihin at pagtiyatiyagaan ang ugali ng isa't-isa?
“It's clean, Sheena. You don't have to worry.” Ngiti ni Cassandra dahil kahit na mukhang creepy at luma ang mansyon na ito ay araw-araw naman itong nalilinisan kapag walang tao. Sa dami ng perang napupunta kay Helen, ginagamit niya halos iyon sa kanyang mga properties.
“Kanina ka pa Father ah? Lalim ng iniisip mo?” Pagtatanong ni Noah nang mapansin niyang mukhang wala sa sarili si Jefree habang nagbaba sila ng mga grocery. Umiling si Jefree tiyaka nahihiyang ngumiti sa kanyang kaibigan.
“Ah wala, napagod lang siguro sa biyahe.” Pagdadahilan nito pero ang totoo ay hindi mawala sa kanyang isip kung kanino galing ang ID na napulot niya kanina. Siya lang ba ang mayroong ganon? At ano namang napapala ng taong gumagawa non?
“Nako, Father! Mag-relax ka muna.” Asar ni Noah tiyaka niya bahagyang binangga ang balikat ni Jefree.
“Huwag mo nga akong tawaging Father ngayon. Parang ang layo ng agwat ko sa inyo gayong kasing-edad ko lang naman kayo.” Umiiling na sambit ni Jefree habang nakangiti.
“Ang lalim kasi ng iniisip eh.” Tawa ni Noah. “Pareho kayo ni Hermes, tingnan mo siya.” Sambit niya bago niya binaba ang isang box na puno ng pagkain nila tiyaka niya kinuha si Hermes na nakakunot ang noong nagbaba ng galon na may lamang tubig na iinumin nila sa loob ng isang linggo.
“Tapos na dito?” Pagtatanong ni Brandon nang makalapit siya sa kanila. Tumango ang dalawa dahil ang ibang kaklase nilang lalaki ay nakakumpulan na at mukhang may tinatago sila sa mga babae, maingay pa silang nagtatawanan.
“Welcome back pala, pare. Ang tagal mo na pala sa Pilipinas?” Pagtatanong ni Noah. Bagyang natawa si Brandon tiyaka tumango.
“Hindi naman. Minsan may inaasikaso sa ibang bansa. Business.” Kibit-balikat na sagot ni Brandon. “Ayaw ng LDR ni Madelyn, minsan tinotoyo.” Natawa silang pare-pareho dahil hindi na tago kung gaano katopakin si Madelyn pati na rin si Joanne. Sila ang nag-aagawan ng pwesto sa mga moody sa classroom nila noon.
“Hay nako, ganyan na nga ba ang nagagawa ng pag-ibig.” Natatawang sambit ni Noah tiyaka niya tinapik-tapik ang balikat ni Brandon.
“Bakit? Ikaw? Hindi na tayo bumabata ah?” Pagbibiro ni Brandon sa kanyang kaibigan. Biglang finlex ni Noah ang kanyang biceps kaya napailing sina Jefree at Brandon.
“Busy, wala na akong time para sa girlfriend.” Sambit nito. “Busy sa training at gym.” Dagdag pa nito dahil kailangan niya palaging maging MVP para hindi siya disappointment sa kanyang mga magulang dahil siya lang ang nag-iba ng propesyon sa kanilang pamilya.
“Baka si Father Jefree.” Natatawang wika ni Noah kaya natawa na lang din si Jefree tiyaka siya napailing.
“Sa Diyos na ako nakatali. Hindi na ako pwedeng matali sa iba.” Umiiling na sambit ni Jefree. Bakas sa kanyang tono na kailanman ay hindi siya lalabag kung ano man ang utos ng simbahan.
“Grabe, buti may kaibigan akong pari. May makakapagpabawas ng kasalanan ko.” Pagbibiro ni Noah. Natawa si Brandon tiyaka niya sinakyan ang kalokohan ng kaibigan.
“Father Jefree.” Tawag Brandon sa kanyang kaibigan tiyaka niya pinagdikit ang kanyang dalawang palad habang nakangiti siya. “Please, pray for us and for our sins.” Wika pa nito na animo'y santo ang nasa harapan niya.
“Oy ano iyan?” Lumapit sa kanila si Calyx dahil siya ang nautusan nina Vanz na tumawag sa tatlo dahil sila na lang ang kulang sa mga lalaki. “Bakit ginaganyan niyo ang future saint?” Pagtatanong pa niya tiyaka niya bahagyang hinaplos si Jefree kaya kaagad siyang umiwas sa kabaliwan ng kanyang mga kaibigan.
Bago pumunta si Calyx doon ay nakapulong sila. Nakapabilog sila dahil tinatago nila ang mga alak sa mga babae, alam nila na habang hindi pa nakakaalis ang mag inarkila nilang driver ay papaalis nila ang mga alak.
“Vanz, alam mo naman allergic na ang mga girls sa alak diba?” Pagtatanong ni Aaron. Hindi niya maiwasan na kabahan dahil baka mag away-away lang sila.
“Relax… relax…” Sambit ni Vanz habang sinesenyas niya ang dalawa niyang kamay para kumalma ang kasama niya. Hindi lang kasi si Aaron ang hindi pabor sa kanyang pinuslit. Kita niya ang pag-angal sa ibang mga lalaki kasama na ang dalawa niyang kaibigan dahil hindi nila alam ang planong ito ni Vanz.
“Vanz…” Pagtawag ni Kyle dahil para bang may pumuslit na memorya sa kanya pero kaagad niya nalang iyon inalis. Hindi iyon nangyari. Hindi.
“Guys, chill! Tayo-tayo lang naman.” Tawa ni Vanz dahil hindi niya maintindihan ang kanyang kaibigan. “We did clubbing before, we drunk our ass off so what's the difference?” Pagtatanong niya dahil hindi niya maintindihan ang kanyang mga kaibigan.
Napabuntong hininga na lamang sila dahil mukhang wala na silang magagawa at isa pa, ayaw naman nilang maging plastic kung sasabihin nilang ayaw nilang uminom ng alak. Halos naging coping mechanism na nilang lahat ang pag-inom ng alak sa t'wing pagod sila o 'di kaya ay stress sa trabaho.
“Y'all didn't learn from what happen in the past, aren't you?” Bigla silang napatigil dahil sa pagsingit ni Michael lalo na't napaka seryoso pa ng boses nito.
Ang ilan ay nagtiim ang bagang habang ang iilan ay nakakuyom ang kamao. Pero ang magka-kaibigan na sina Vanz ay parehong nagtiim ang bagang at kumuyom ang kamao dahil sa narinig. Tiningnan niya ng buong loob si Michael.
“Why? What happened back then?” Hamon ni Vanz. Suminghap ang iilan sa kanila dahil ayaw na nilang alalahanin ang gabing iyon.
“Nothing happened that night.” Singit ni Clarence.
“What are you talking about?” Pagtatanong ni Kyle na tila hindi na maalala kung ano man ang nangyari noong gabing iyon.
“Come on, we're not her to bring up the past that didn't happen.” Sa wakas ay nakapagsalita na si Hermes habang mariin niyang pinagmamasdan si Michael na ngayon ay umiigting ang panga dahil tila ba napapagkaisahan siya.
“That's enough,” Pigil ni Isiah tiyaka siya tumingin sa mga babae na walang kaalam-alam sa nangyayari at napag-usapan nila ngayon. “We are all tired at work, aren't we? This is the one week vacation we deserve.” Sambit pa niya.
“Tawagin ko na lang muna iyong tatlo.” Si Calyx dahil ayaw na niyang mapunta pa sa mabigat na hangin na nilalanghap nila dahil kay Michael.
Ang tagal na non. Binaon na nila sa limot iyon. Wala silang kasalanan. Mga bata pa sula non. Isa lang iyong bangungot para sa kanila.
“Ay! Oo nga pala.” Sambit ni Noah nang makapunta na sila sa mga boys. “Attorney, hindi ko alam kung saan kukuha ng Philippine ID, alam mo ba kung saan kukuha?” Pagtatanong ni Noah kay Michael nang makatabi niya ito.
Parang nagung cue iyong ID kina Hermes at Jefree para tingnan nila si Michael. Pinakalma muna ni Michael ang kanyang sarili tiyaka siya huminga ng malalim.
“Municipal Hall.” Sagot niya dahil doon naman kumukuha.
“Tiyaka paano nga pala, legal bang magpagawa ng ID sa mga pagawaan ng ID sa tabi-tabi?” Muli niyang pagtatanong dahil marami siyang nakikitang mga estudyante sa club na sa tingin niya ay wala pa sa legal na edad pero nakakapasok na. Naaalala niya lang since abogado naman ang kaibigan niya tiyaka isa pa, naalala niya lang din dahil naitanong niya ang ID.
”It depends, if they have letter from their principal or boss. It's legal. But if they were trying to forge a document then it's not.” Napatango-tango si Noah tiyaka siya napatingin sa alak, kaagad kumunot ang noo niya dahil naalala niya ang rules ng mga babae sa GC nila.
“Hindi ba bawal ang alak?” Pagtatanong ni Noah. Though, gusto naman niya iyon dahil halos sunugin na rin niya ang kanyang baga sa kakainom lalo na kapag tuloy-tuloy ang kanilang panalo at tuloy-tuloy ang pag-celebrate nila ng buong team kasama ang kanilang coach.
“Aangal ka rin?” Tanong ni Vanz dahil kung siya ang tatanungin ay ayaw niya nang mag away-away pa sila sa simpleng alak lang. Gusto niyang mag-enjoy bago magsimula ang campaign ng kanyang ama at panigurado ay mapapagod siya.
“No.” Agad na umiling si Noah tiyaka ngumisi. “You know how much I love alcohol.” Nakangisi pa nitong sambit kaya nag-apir-an sila nina Vanz habang natatawa.
“That's the real man.” Sambit ni Vanz tiyaka niya lalong hinipitan ang kamay nilang magka-apir dahil pinaparinggan niya si Michael.
Samantala, hindi maiwasan na obserbahan nina Jefree at Hermes si Michael. ID… posible kaya siya ang nagbigay ng ID sa kanila? Paano niya nalaman ang sikreto nila? Sabagay, hindi naman imposible na marami siyang kakilalang detective para pasundan o kalkalin ang ano mang mangyayari sa kanilang buhay na hindi nila sinasabi sa kanilang section.
Pero iisa lang ang tumatakbong tanong sa isipan nilang dalawa kung tama nga na si Michael ang may kagagawan sa ID na pareho nilang nakita kanina. Bakit? Bakit niya kailangan ungkatin ang buhay nila? Bakit niya kailangan pasundan sa detective na kakilala niya? Bakit? Ano bang binabalak ni Michael? May hinabalak nga ba talaga siya?
“Michael,” Pagtawag ni Jefree sa kanilang kaibigan dahil hindi na niya kaya pang dagdagan ang mga tanong sa kanyang isipan.
“May mabigat ba sa loob mo?” Kumunot ang noo ni Michael sa biglaang tanong ni Jefree. “Pwede mo akong kausapin, kahit na wala ako sa trabaho ngayon ay pwede mo pa rin akong asahan.” Sambit niya dahil umaasa siya na aamin si Michael sa kanya kung bakit kailangan niya itong bigyan ng ganoon.
“Ha?” Gulat na tanong ni Michael dahil hindi niya inaasahan ang tanong ni Jefree. Pinagmamasdan lang sila ni Hermes o pinagmamasdan niya ang kilos ni Michael kung may makita man siyang kakaiba. “Syempre, palagi talagang mabigay ang loob ko.” Bahagya siyang tumawa dahil iyon ang totoo. Pasimpleng umayos ng tayo si Hermes dahil mukhang ganon kadali lang siyang aamin.
“I'm a lawyer, what could you expect?” Natatawang tanong niya. “Pasan-pasan ko ang legal na problema ng ibang tao at kung paano ko ito masosolusyonan. Lalo na ang mga kasong domestic abuse, murder, rape at iba pang mabibigat na kasalanan. Bibigat ang loob ko habang nakatingin sa mga biktima o 'di kaya ay sa pamilya ng biktima.” Mahabang sagot nito. Hindi niya maiwasan na maawa kapag may umiiyak sa kanyang harapan pero kailangan niyang magmukhang matatag dahil siya na lang ang kinakapitan ng kanyang kliyente.
“Sana hindi umabot sa kasamaan kung ano man ang bigat na dinadala ng iyong puso dahil hindi iyon makakabuti sa iyo lalo na sa iyong kaluluwa.” Kumunot lalo ang noo ni Michael dahil don pero pinilit niyang ngumiti.
Pansin kaagad ni Hermes na napilitan lang ngumiti si Michael kaya pinagmamasdan niya itong mabuti. Baka sakali na makahanap siya ng clue at ebisenya na sa kanya galing ang ID.
Napatingin din siya kay Jefree, hindi niya maiwasan na magtaka kung bakit ganon bigla ang tinatanong niya kay Michael. Muli siyang nagulat sa tumakbong kasagutan sa kanyang isipan.
Posible rin kayang nakatanggap si Jefree ng ID na katulad ng kanya?
“Boys!” Sigaw ng mga babae kaya naagaw nila ang atensyon nila. “Pasok na tayo!” Tinapik ni Michael si Jefree tiyaka niya kinuha ang mga dadalhin nila papasok ng mansyon.
Umawang ang labi ni Hermes nang makita niya kung ano ang nasa bulsa ni Michael sa likod ng kanyang pantalon dahil siya ang nauna ngayon sa paglalakad habang may buhat-buhat silang mga gamit.
Licensed for Failure