CHAPTER 7
Roommate
Habang nag-aaway ang mga lalaki dahil sa alak ay hindi man iyon napansin ng mga babae dahil abala sila sa pagkuha ng mga litrato na ipopost nila sa kanilang mga social media account kapag nakabalik na sila sa Manila dahil error talaga ang lumalabas sa kanilang signal sa kanilang mga cellphone.
“You didn’t even warn us that this place doesn’t have a signal at all.” Si Sacha habang sinusubukan pa rin na makakuha ng sinal dahil inangat niya ang kanyang kamay na may hawak na cellphone.
“Madelyn told us that the signal was weak, not completely zero bar signal.” Sambit ni Sheena tiyaka siya napanguso dahil halos kalahati na rin ng buhay niya ang social media.
“Oh? You’ll blame me?” Natatawang tanong ni Madelyn, hindi naman niya sineryoso iyon dahil baka mag-away lang ulit sila. “Cassandra can reply to my messages before.” Pagtatanggol ni Madelyn sa kanyang sarili.
“Meron naman!” Agap ni Cassandra dahil baka sa kanya mabuntong ang inis nilang lahat. “Sa bayan nga lang! Nasa bayan kami kapag nakakapag-reply ako sa inyo.” Agap niya, mukhang hindi niya iyon nasabi kaya nag-assume ang mga kaibigan niya na mayroong signal sa resthouse nina Helen kahit na wala talagang ka-signal signal doon dahil hindi umabot ang linya ng kahit ano mang telecommunication company.
“At least you should inform us beforehand.” Sambit ni Sacha na medyo naiinis ang kanyang boses tiyaka niya muling nilagay ang kanyang cellphone sa kanyang gucci na bag. Hindi kasi siya makapag-response kung may email man ang kanyang secretary, hindi siya sanay na walang ginagawa na related sa kanyang trabaho. Feeling niy ay may kulang sa kanya t’wing wala siyang ginagawa sa kanilang kumpanya.
“Easy guys,” Singit ni Zyrene bago pa man humantong sa hindi pagkakaintindihan ang kanyang mga kaibigan. “Let’s treat this just like the ninety’s?” Pag-suggest niya. “Noon pa naman hindi naman tayo masyadong focus sa mga gadgets natin, hindi ba? Kaya nga close na close tayo.” Pagpapaalala pa niya dahil hindi pa naman ganon ka-usbong ang mga teknolohiya fourteen years ago.
“Tama! Tiyaka para completely stress-free na tayo no!” Sambit ni Christy dahil sa lahat ay siya lang ang masaya talaga na walang signal ang kanilang pupuntahan.
“Just like the old times.” Nakangiting sabi ni Cathlyn para pagaanin ang atmospera. Sina Sheena at Sacha kasi ang pinaka high maintenance sa kanilang mga magkakaibigan. “We surely missed each other's life, even if we’re seeing each other once a month, that’s not enough for a catch up, right?”
“And just like the old times, we can share our problems!” Singit ni Hahn sa masayang tono. Pero lahat sila ay humihindi sa kanilang mga isipan dahil may mga bagay na mas gusto nilang panatilihin na sikreto kaysa sabihin pa nila sa isa’t-isa. Ngunit ang kanilang mga labi ay nakakurba ng ngiti na para bang nag-agree silang lahat sa sinabi ni Hahn.
“Truely! Tiyaka isa pa,” Natigil si Cathlyn sa pagsasalita. “Wala namang tinatagong sikreto panigurado ang isa’t-isa, hindi ba?” Pagtatanong pa niya at sabay-sabay silang nagtanguan.
“Tingnan mo ang mga tangang ito.” Sambit ng isa habang nakikinig sa mga dalaga na halata namang nagpa-plastik-an lang dahil pare-pareho nilang hindi gusto na malaman ang kanilang baho kung paano sila nakarating sa tuktok—kung gaano sila kadesperada para matawag lang na successful na ang iba sa kanila ay kayang itaya ang dignidad para lang ipakita sa lahat na nagawa niyang maging successful na siya lang mag-isa.
Pero amoy na amoy niya ang baho ng bawat isa sa kanila. Kung gaano sila kasahol na tao.
“Tara ma, pumasok na tayo.” Anyaya ni Cassandra dahil naiinitan na rin siya. Sinabi na ni helen sa kanya na malinis at handa na ang mga kwarto na gagamitin.
Tinawag nila ang mga boys kaya naman sabay-sabay na silang umakyat sa malaking hagdan na may anim na baitang lamang bago sila makapasok sa mansyon, binuksan na ni Cassandra ang pintuan at tama ngang pinalinis nang mabuti ni Helen ang mansyon. Sulit naman pala ang ibinayad niya para hindi mapahiya sa kanyang mga kaibigan.
“Wow. You still maintain the house clean.” Puri ni Calyx habang iniikot ang kanyang mga mata sa malawak na sala. Kahit na medyo may kalumaan sa labas ang mansyon ay modern ang nasa loob nito kaya hindi nila maiwasan na mamangha.
Malaki ang sofa na para bang sa isang malaking pamilya at sa malaking barkada, walang masyadong mga gamit kung hindi ang mamahalin na mga vase para mapanatili ang lawak ng sala. May mga picture frame at ilang mga painting ng mga kilalang pintor na nagkakahalaga ng milyon ang nakasabit sa dingding ng mansyon. May isang arko din na papunta sa kusina na kaagad namang pumunta si Clarence dahil pwede niyang makuha ang disenyo ng mansyon na ito sa susunod niyang mga kliyente.
Isang malaking table at mga cabinet ang nandoon na mayroong mga plato, baso, kutsara, tinidor, mangkok, at kung ano-ano pang kasangkapan. Kung gaano ka-moderno ang sala ay ganun ang kalumaan ng kusina dahil halos puro gawa sa puno ng narra ang mga lamesa, upuan, pati na rin ang mga cabinet. May isa pa ulit arko para sa dirty kitchen kung saan nagluluto at naghuhugas ng mga plato. May isang malaking ref din doon tiyaka old oven na kung magpapakabit ng ganoon sa panahon ngayon ay sadyang napakamahal.
Pumasok na rin doon sina Jefree, Brandon, Hermes, at maging si Noah dahil aayusin na nila ang mga pagkain nila sa pantry pati na rin sa ref. Para kang nasa ibang bahay dahil moderno nga ang sala pero para kang nasa sinaunang panahon nang nasa dining area at kusina na.
“Ang ganda naman pala ng rest house niyo? Pinapaupahan niyo ito?” Manghang tanong ni Cathlyn habang nililibot ang kanyang paningin tiyaka niya kinukuhanan ng litrato ang bawat sulok. “Pwede kong magamit ito sa setting ng aking story!” Excited na sambit pa nito. “Para akong prinsesa sa sinaunang panahon.” Dagdag pa nito.
“Minsan pero sa mga relatives lang.” Sambit ni Cassandra kahit na pinapaupahan nila iyon kahit kanino. “Ayaw kasi ni auntie na mayroong ibang tao na makakapasok dito.” Dagdag pa niya.
“Hmm. That explains why there is an electric wire on your wall outside.” Kumunot ang noo ni Cassandra dahil sa sinabi ni Calyx pero bahagya lang itong tumango. “Walang mag tatangkang mag akyat-bahay dito kung hindi ay mamatay kaagad sila.” Dagdag pa niya tiyaka siya bahagyang natawa.
“You have a great taste in arts.” Puri ni Sacha habang tinitingnan niya ang mga nakasabit sa pader. May iilan pa roon na pamilyar sa kanya dahil minsan na siyang naki-bid sa art gallery pero hindi niya pa rin ito nakuha dahil mas na nag-offer.
“Ah yes, my auntie loves art so much.” Si Cassandra kahit na hindi niya alam kung bakit ang daming mga painting ang nakasabit sa kanilang mansyon. Mukhang ito ang pinagka-abalahan na bilhin ni Helen.
“But this is a good investment.” Papuri ni Madelyn tiyaka siya lumapit kina Sacha para matingnan din ang mga painting na nandoon. “You can sell it larger than the amount you bought it.” Tumatangong wika pa nito.
“I doubt my auntie will sell that.” Nahihiyang kunwaring tumawa si Cassandra dahil alam niyang hindi naman ibebenta ni Helen iyon pwera na lang kung gipit na gipit na ito sa buhay.
“Ilan kwarto sa taas?” Tanong ni Vanz habang tulak-tulak ang iilang mga maleta. Sabay-sabay silang napatingin sa malaking hagdan na papunta sa second floor. “Dapat pala ay ang-assign na tayo ng room mate.” Tawa niya.
“Ah. Sampu ang kwarto sa taas.” Sambit nito, hindi naman sila namangha dahil hindi na bago sa kanila ang sampung kwarto sa isang mansyon.
“Ilan ba tayo? Twenty-two?” Tanong ni Joanne. “Ako na lang kaya ang mag-assign ng room mate?” Pagtatanong pa nito na para bang mag-assign lang siya ng seating arrangement sa classroom.
“Ayan!” Sigaw ni Ranz habang nakangiti. “Ayan ang gusto namin sayo ma’am Joanne!” Pagbibiro pa niya, umirap lang naman si Joanne sa kalokohan ng kanyang mga kaibigan.
“What if random bunot na lang?” Si Christy dahil baka makialam pa ang mga maloko na sina Vanz sa arrangement at maapektuhan ang desisyon ni Joanne.
“Oh bakit? Wala ka bang tiwala sa gagawin ni Joanne?” Pagtatanong ni Kyle habang natatawa dahil mas na-excite sila sa gagawin na arrangement ni Joanne keysa mag random na bunot.
“Oh baka takot na makasama si Aaron sa isang kwarto?” Humiyaw halos lahat maging ang ibang mga babae ay naki-asar din kina Christy dahil malakas ang chemistry nila simula noong senior high school pa lamang sila.
“ChristRon!” Sigaw ni Clarence para asarin din ang mga kaibigan. Nakangisi lang umiling si Aaron lalo na noong tinatapik-tapik pa ang kanyang balikat ng mga kaibigan niyang lalaki.
“Ah basta, babae at lalaki ang dapat magsama!” Wika ni Vanz na may ngisi sa kanyang labi.
“Yown!” Sigawan ng mga lalaki.
“Tumigil nga kayo! Huwag ganyan.” Bawal ni Joanne pero maraming umangal na lalaki sa kanya. Napailing na lang din ang mga babae dahil sa trip ng mga kaibigan nila.
“Bakit? Natatakot ba kayo? Wala naman kayong dapat katakutan sa amin.” Ngumisi si Clarence.
“Isa pa, pamilya tayo rito, guys.” Pagpapaalala ni Calyx.
“Oo nga! Tiyaka kala niyo naman hindi niyo pa kami nayakap noon? Wala naman malisya.” Sambit ni Kyle.
“Ayaw niyo bang magkaroon na ng baby ang sectio natin?” Natatawang tanong ni Vanz. “Napapag-iwanan na tayo sa ibang section. Kita niyo noong homecoming? Ang dami na palang may anak at ang iba ay hindi na nakadalo dahil busy na sila sa pag-aalaga ng baby.” Dagdag pa nito.
Tahimik lang si Isiah, kung magiging bunutan man ang mangyari ay hinihiling niya na sana silang dalawa ni Madelyn ang nasa isang kwarto kahit na alam pa niyang may boyfriend na ang dalaga.
“Ah basta ako si Brandon na ang kasama ko.” Agap ni Madelyn na agad naman nasira ang hiling ni Isiah pagkarinig na pagkarinig niya sa dalaga.
“What’s that babe?” Pagtatanong ni Brandon na ngayon ay iniwan muna ang ginagawa nila sa may kusina dahil narinig nilang nagsisigawan ang kanilang mga kaklase.
“Anong meron?” Pagtatanong din ni Jefree dahil mukhang nagbobotohan ang kanyang mga kaibigan. Tahimik lang nagmamasid si Hermes dahil hindi siya mapakali sa nakita niyang ID alam niyang pwede siyang makulong doon.
Pasimple niyang tiningnan si Michael na ngayon ay nakangiting nakatingin at nakikinig sa kanilang mga kaibigan. Dahil sa tingin ni Hermes ay napatingin si Michael sa kanya, hindi nawala ang ngiti sa labi ni Michael habang tinaasan niya ng kilay si Hermes dahil sa pagtitig nito pero tinanguan lang siya ni Hermes tiyaka muling binaling ang kanyang atensyon sa mga kaibigan.
“Nag-assign kasi ng room, napagkasunduan namin na babae at lalaki ang sa isang room tutal ay sampu naman ang mga kwarto at may isang kwarto dito sa baba.” Paliwanag ni Vanz sa kanila kahit na wala pa naman silang napagkasunduan na ganon.
“Random na lang! Random!” Sigaw ni Calyx dahil may thrill kapag ganon. Umirap si Joanne dahil mabuti pang hindi na lang siya nag prisinta dahil mukhang may plano naman na ang mga lalaki niyang kaibigan.
“Random na lang para matahimik na tayong lahat!” Inis na sambit ni Joanne dahil wala siyang pasensya para makipagkulitan pa sa kanyang mga kaibigan. “May sticky notes akong dala.” Tiyaka niya kinuha ang pink na sticky notes pagkatapos ay binato niya sa mga kasamahan kaya nag-unahan sila na para bang excited na sila.
Kumuha na si Joanne nang isa roon kaya sinulat na niya ang kanyang pangalan. Halos mag-agawan ang mga lalaki kaya pinabayaan muna sila ng mga babae.
“Safe na kami, hindi ba?” Pagtatanong ni Madelyn tiyaka niya kinalingkis ang braso niya kay Brandon.
“Yeah, we should stay in one room.” Wika ni Brandon. Pumayag din naman ang mga kaklase nila dahil sila lang namna ang may official na relasyon sa kanilang lahat.
“Sa baba na lang ako.” Wika ni Jefree para pagbigyan ang kanyang mga kasama.
“Dalawa ang kama sa baba, single bed nga lang.” Agap ni Cassandra dahil baka umasa sila na katulad ng nasa itaas ay king size bed ang mga kama.
“Don na lang din ako.” Wika ni Hermes dahil hindi siya kumportable ngayon sa kanyang mga kaibigan. Hindi tulad noon na kumportableng-kumportable siya pero ngayon na alam niyang isa sa kanila ang may alam sa tinatago niyang sikreto ay dapat niya lang layuan ang mga ito. Kailangan niya na lang pagmasdan ang mga kilos nila mula sa malayo.
“Okay! Okay!” Sigaw ni Joanne nang matapos na ang kanyang mga kaibigan na magsulat ng kanilang pangalan pwera lang sina Madelyn, Brandon, Hermes at Jefree dahil nakapag desisyon na sila na sila-sila ang magsasama sa isang kwarto.
“Ako na ang kukuha!” Presinta ni Madelyn pagkatapos ay pinagdikit niya ang gilid ng kanyang dalawang palad para doon ilagay ng kanilang mga kaibigan ang mga sticky notes na sinulat nila ng kanilang mga pangalan.
“Ako na sa mga girls,” Presenta ni Brandon tiyaka niya nilapitan ang kanyang mga kaibigan na lalaki na lahat sila ay may ngisi sa kanilang mga labi.
Excited pa siya habang isa-isa niya itong nilapitan at ilagay sa kanyang palad ang mga sticky notes. Nang nasa tapat siya ni Isiah ay narinig niya ang pag buntong hininga ng binata pero ngumiti lang si Madelyn tiyaka niya ito kinindatan. Nanghihinayang lang si Isiah na hindi niya nakasama sa isang kwarto si Madelyn.
“Si Ma’am Joanne na ang bubunot.” Si Zyrene pagkatapos niyang ilagay sa palad ni Brandon ang kanyang sticky noted na mayroong pangalan niya.
Pagkatapos na kuhanin ng magkasintahan ang mga sticky notes at lumapit sila kay Joanne. Napabuntong-hininga na lang si Joanne tiyaka niya nilagay ang kanyang sticky notes sa palad ni Brandon dahil hindi naman pabor din sa kanya itong random. Shinake nina Brandon at Madelyn ang mga sticky notes gamit ang kanilang palad.
“This is exciting!” Sambit ni Madelyn habang shineshake niya pa rin ang mga sticky notes sa kanyang palad.
“Oh, tandaan dalawa kayong pumasok sa kwarto kaya dalawa kayong lalabas!” Pang-aasar ni Vanz kaya nagtawanan naman halos lahat ng mga lalaki, sinaway kaagad naman siya ng iilang mga babae.
“Oh tama na iyan,” Suway sa kanila ni Jefree kaya kaagad naman pinagdikit nina Vanz ang kanyang mga kamay tiyaka bahagyang yumuko.
“Sorry po, father.” Napailing na lang si Jefree dahil hindi pa rin nagbabago si Vanz. Kung ano siya noong hig school ay ganon pa din siya.
Napailing din siya dahil don. Mukhang wala man lang pagbabago sa ugali ni Vanz. Kung gaano siya kahayop noon ay ganoon pa rin siya kahayop ngayon. At lalong kinaiinisan niya na mukhang hindi man lang siya nagsisi o ‘di kaya ay nakonsensya man lang. Ang tigas ng mukha, buhay pa siya pero sunog na sunog na siya sa impyerno.
“Room sa baba: Jefree and Hermes.” Pag-inform ni Joanna.
“Room number one: Madelyn and Brandon.” Bumunot na si Joanne para makita niya kung sino ang susunod kaya may mga hiyawan na galing sa mga lalaki.
“Room number two: Sacha…” Pagbasa niya pagkatapos ay bumunot siya kay Madelyn. “And Vanz.” Kaagad na inasar ang dalawa. Tinutulak na nina Kyle at Ranz ang kanilang kaibigan na naiiling pero gusto naman iyon ni Vanz.
“Room number three: Michael… and Cassandra?” Patanong na announce niya pero nang makita na sulat nga ni Cassandra iyon ay tumango siya. “Michael and Cassandra.” Hindi maiwasan na pagmasdan muli ni Hermes si Michael.
Cassandra…. Si Cassandra lang ang humawak sa wallet niya. At tingnan mo naman ang tadhana para magsama pa sila sa iisang kwarto.
Tuksuhan muli ang nangyari pero napailing lang si Michael tiyaka tipid na ngumiti si Cassandra, bahagyang nawalan ng enerhiya si Kyle dahil sa sinambit na mga pangalan ni Joanne.
“Room number four: Isiah and…. Sheena.”
“Room number five: Kyle and….” Napaikot ang mata ni Joanne nang makita niya ang kanyang pangalan. “Me.” Bago pa siya asarin ay kaagad na siyang bumunot kay Brandon.
“Room number six: Antoniette…. And Noah.”
“Room number seven: Ranz and... Zyrene.”
“Room number eight: Hahn and… Calyx.”
“Room number nine: Clarence and… Cathlyn.” Kaagad na naghiyawan ang mga lalaki nang marealize nila kung sino na lang ang panghuling kwarto at hindi pa natatawag.
“Room number ten: Aaron and Christy.” Lalong nag-ingay ang boys pati na rin ang girls tiyaka nila tinulak ang dalawa palapit sa isa’t-isa. Napailing na lang si Christy at dapat na lang siyang magpasensya sa mga kaibigan na mukhang sila ang ginagawa nilang coping mechanism dahil sa stress nila sa buhay.
Parang napipintig ang tenga niya sa t’wing naririnig niya silang naghihiyawan o ‘di kaya ay nagtatawanan. Anong karapatan nilang maging masaya? Kung hanggang ngayon ay baon-baon pa rin nila ang trahedya ng kahapon na sila ang may kagagawan?