CHAPTER 31 (Part 3)
Mood
“Do you want to come?” pagtatanong ni Antonniete pagkatapos niyang maglipit ng kanyang gamit kay Nydia. Namilog ang mata ni Nydia sa gulat dahil hindi siya sanay na kinakausap na siya ng kanyang mga kaklase.
Inaanyayahan ni Antonniette si Nydia dahil t’wing Friday ay sanay silang kumakain sa mga restaurant. Iyon na kasi ang ankaugalian nila bilang reward nila s akanilang sarili at para na rin makapag-bonding sila. Minsan nga ay sila-sila lang ang laman ng restaurant na animo’y inarkilahan nila ito.
“Antonniette is out of her mind,” umikot ang mata ni Sacha tiyaka niya kinuha ang bag niya at sinakbit sa kanyang balikat. Nauna na siyang lumabas sa classroom dahil hindi niya talaga makita kung ano ang point ng pakikipag-close nila kay Nydia.
Hindi kaagad nakasunod si Sheena dahil inaayos niya pa ang kanyang mga gamit dahil halos kakatapos lang ng subject nila. Nakita ni Vanz ang paglabas ng dalaga habang nag-aayos pa ang iba nilang kaibigan at ang iba ay nakatingin kina Antonniette at sa masayang si Nydia. Kaagad na sinukbit ni Vanz ang kanyang bag sa kanyang balikat tiyaka siya nagmadaling lumabas para masundan ang dalaga.
Sa buong maghapon kasi ay hindi sila nag-uusap, galit pa rin si Sacha sa kanya dahil sa nangyari sa foundation niya. Hindi naman kasalanan ni Vanz iyon dahil aksidente lang naman ang pagkakasiko niya pero para hindi na sila mag-away pa ni Sacha ay aakuhin na lang niya ang kasalanan na aksidente lang naman nangyari.
“Sacha, wait!” wika ni Vanz dahil hindi niya inakala na baba na sa hagdan ang dalaga. Ang buong akala niya ay hihintayin niya lang ang kanilang mga kaibigan sa labas pero nagtuloy-tuloy siya sa pagbaba.
“Ano na namang problema mo?” tumigil si Sacha sa hagdan dahil baka kapag tumuloy siya sa baba ay maraming estudyante ang makakita sa kanila at panigurado ay maging usap-usapan sila na nag-aaway sa campus.
“Hindi mo ba sila hihintayin?” pagtatanong ni Vanz tiyaka niya tinuro gamit ang kanyang hinlalaki ang likuran niya kung saan nakatapat iyon sa gilid ng kanilang classroom. Umirap si Sacha dahil mukhang hindi pa nakukuha ni Vanz kung ano ang gusto niayngn ipahiwatig.
“Hindi ako sasama sa food trip ngayon, happy?” kumunot ang noo ni Vanz dahil sa sinabi ng dalaga. Hindi naman nila pinalalagpas ang bonding ng kanilang section maliban na lang kung may importante pa silang gagawin.
“Why?” pagtatanong ni Vanz dahil hindi niya alam kung ano ang dahilan ng dalaga hanggang sa naalala niya ang paborito niyang foundation na nasira kanina. Pero wala pa rin lumiliban sa Friday bond nila kahit na wala pa sa mood ang isa.
“Wala ako sa mood, ayos na?” inis na tanong ni Sacha dahil lalo lang siyang napipikon sa sunod-sunod na tanong ng lalaki. Halo-halo ang nararamdaman niya ngayon at mukhang kailangan na niya ulit magpakonsulta.
“Dahil ba nabasag ko iyong favorite mo na foundation?” inosenteng tanong ni Vanz pero dahil don ay muling nag-init ang dugo ni Sacha dahil muli niyang naalala ang tungkol sa kanyang foundation. Nakita ni Vanz na nagbago ang emosyon ni Sacha at mas iritado na siya ngayon keysa kanina kaya naman nakumpirma niya na dahil nga sa aksidenteng nangyari kanina nag dahilan kung bakit wala sa mood ang dalaga.
“I’m sorry,” sambit ni Vanz dahil alam niyang hindi siya kakausapin ng dalaga kung magtataas lang din naman siya ng pride. Walang mas tataas ng pride kay Sacha. Si Sacha ang unang-unang ma-pride sa mga babae na kapag binabaan niya iyon ay mapapatanong ka na lang kung magugunaw na ba ang mundo.
“Hindi ko talaga sinasadya, swear.” baka kasi isipin ni Sacha na sinasadya niya talaga ang aksidente niyang pagsiko kanina dahil sa biglaan niyang paghingi ng tawad kaya naman kaagad na siyang nagpaliwanag na hindi naman niya talaga sinasadya.
“Don’t worry, I will call the secretary of my dad and I will replace that one,” agap niya. Kahit na wala sa Pilipinas non ay agad naman siyang makakuha dahil maraming koneksyon ang kanyang ama. Naalala niya rin kasi na sinabi kanina ni Sacha na iyon na ang huling stocks niya at next month pa ang susunod niyang stock dahil may meeting ang kanyang ina sa America.
“I need it tomorrow,” pagmamatigas ni Sacha. Alam niyang dapat niyang babaan ang kanyang pride para may magamit pa siya sa buwan na ito. Alam niyang maganda at makinis na ang kanyang mukha ang kaso nga lang ay hindi siya kuntento na ganon lang kaya mas pinipili niyang alagaan ang kanyang sairli. Tiyaka mas lumalakas ang loob niya kapag may ayos siya. Kung may oras naman siyang mag-ayos, bakit hindi?
Kahit na maganda na siya ay gusto niya iyong mas maganda at mas presentable pa ring tingnan sa mga mata ng ibang tao. Lalo na sa mga estudyante sa ibang section. Tila binabantayan nila ang kilos ng kanilang klase at naghihintay sila na mayroong magkamali para sa ilang lang oras pagkatapos magkamali ng isa sa kanila ay magiging talk of the campus na siya agad. Pero syempre hindi naman nila hahayaan na may mang-away na isa sa kanilang kaibigan kaya kapag inaway mo ang isa ay hindi lang isa susugod sa’yo pabalik kung hindi ang buong section nila.
“Tomorrow then,” pagsuko ni Vanz. Alam niyang wala pa siyang nakikita pero alam din naman niya na isang message niya lang sa secretary ng kanyang ama ay mayroon na itong bitbit kaagad kung ano man ang gusto ng dalaga. Hindi na nga niya kailangan pang itanong kung anong brand o kaya naman ay ang shade nito sa tagal na niyang kakilala at kasintahan ang dalaga.
“Make sure you’ll give it tomorrow,” pag-uulit ng dalaga dahil umaasa na siya na mayroon na ang favorite niyang foundation bukas. Siguro ay gagamitin niya muna ang isa niyang foundation, extra niya lang kasi iyon kagaya ngayon na nagkaubusan ng stocks.
“I will,” para bang nakahinga ng maluwag si Vanz nang makita niyang maaliwalas na muli ang mukha ng dalaga. Kung alam niya lang na iyon lang pala ang way para makausap niya ang dalaga ay sana kanina niya pa ito kinauspa tungkol don. “So, sama na tayo sa Friday bond?” pagtatanong niya sa dalaga na nakangiti.
“I won’t,” sambit ni Sacha kaya naman kumunota ang noo ni Vanz sa pagtataka.
“But why?” akala niya ay ayos na nag dalaga kaya bakit naman ayaw niya pa rin sumama?
“I just don’t like hanging around with Nydia,”