CHAPTER 30 (Part 2)
Approved
“She’s part of us now,”
“She’s part of us now,”
“She’s part of us now,”
“She’s part of us now,”
“She’s part of us now,”
Parang sirang plakang nagpaulit-ulit ang limang salitang iyon sa isipan ni Nydia. Hindi lang limang beses kung hindi maraming beses umuulit ang boses ni Antonniette sa kanyang isipan dahil para bang hindi siya makapaniwala na lumabas nga ang mga salitang ‘yon sa kanyang kaklase.
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya, kung dapat ba siya na magsaya dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman niyang parte na siya ng kanilang section, na sa mga nakalipas na linggo na hindi siya pinapansin o tinatarayan siya ng lahat ng mga kaklase niya. O dapat ba siyang kabahan dahil para bang napaka out of nowhere ni Antonniette, hindi niya maiwasan na kabahan dahil naramdaman na rin naman niya kung paano siya pag-tripan ng mga ito.
“What?” hindi makapaniwalang tanong ni Cristy, ngayon pa lang din nag-process sa kanya ang sinabi ng kanyang kaibigan. Tila ba isa itong bagay na napaka-imposibleng paniwalaan.
“What the hell?” si Cathlyn naman ngayon ang nagsalita dahil hindi lang naman si Nydia ang ginulantang ni Antonniette kung hindi silang lahat.
“What’s happening here?” pagpasok ni Sacha ay iyon ang binungad niya dahil halos lahat ng babae ay nakapabilog at hindi lang iyon, kasama pa nila si Nydia sa pagkabilog nila at isa pa, ang mga kamay ni Antonniette sa mga balikat ni Nydia ang kumuha ng kanyang atensyon kaya hindi niya maiwasan na ikunot ang kanyang noo.
“Antonniette?” maging si Sheena ay nagtaka kung bakit masyadong malapit si Nydia at Antonniette, hindi lang iyon dahil nakahawak pa ang kanilang kaibigan sa balikat ni Nydia.
“Well, your friend says that Nydia is part of us now,” umikot ang mata ni Hahn pagkatapos niyang sabihin iyon dahil hindi niya na rin maintindihan kung ano ang pumasok sa kokote ng kanilang kaibigan.
“What the hell are you all talking about?” inis na tanong Sacha na tila ba pinagbibiruan siya ng mga ito.
“What’s happening here?” pagtatanong ni Noah at isa-isa nang nagsilapitan ang mga lalaki dahil mukhang mainit-init ang pinag-uusapan nila at halos lahat sila ay nakabusangot ang mukha maliban lang kay Nydia na kumikinang ang kanyang mga mata.
Hindi na napansin ni Nydia ang pag-aaway nila o ang mga busangot na itsura ng iba nilang mga kaklase dahil sa sobrang saya na nararamdaman niya. Ayaw na niyang pansinin ang kanyang kaba dahil pakiramdam niya ay totoo naman ang pinapakita sa kanya ni Antonniette. Hinahaplos-haplos pa nga nito ang kanyang balikat na siyang nagpapakalma sa kanya kahit na halos masunog na siya sa mga tingin ng iba nilang mga kaklase.
“Bakit naman napaka-init ng mga mata niyo at ramdam ko ang sama ng tingin niyo hanggang sa likod?” pagbibiro ni Hermes tiyaka niya pinatong ang kanyang siko kay Cassandra na agad naman tinanggal ng dalaga.
“Ano ba! Ang bigat ng siko mo!” inis na sambit pa nito. Nakatingin lang sina Isiah kung anong nangyayari at mukha silang may biglaang meeting dahil sobrang intense ng hangin na nilalanghap nila.
“Ano ba kasing nangyayari at bakit hindi kayo nagsasalita lahat?” pagtatanong din ni Jefree dahil biglaang tahimik sila nang dumating na sila at para bang nag-uusap sila gamit ang kanilang mata at patago pa silang nagsesenyasan.
Napatingin sina Clarence, Calyx, Michael at Aaron kay Nydia na masayang-masaya kahit na mukhang hindi nagugustuhan ng mga nakapaligid sa kanya kung ano man ang nangyayari ngayon. Dahil don, mukhang nakuha na ni Aaron at Michael kung ano ang nangyayari.
“Can you guys tell us what’s happening?” pagtatanong ni Clarence dahil litong-lito pa rin siya at tila ba may ibang lenggwahe ang mga kaibigan nilang babae dahil sa mga senyasan ng mga ito gamit ang kanilang mga mata.
“It was just a crazy idea,” sambit ni Sacha. Wala na siyang pakialam kung marinig man iyon ni Nydia pero dahil sa sobrang saya ni Nydia ay hindi niya narinig iyon at ang mga salitang binitawan kanina ni Antonniette ang sumasakop sa kanyang isipan at sumasakop na rin sa kanyang tenga na kahit ano mang pangit na marinig niya ay iyong magandang linya pa rin ang tatak at tatak sa kanyang isipan.
“A crazy idea approved by, yours truly, Madelyn.” Inikutan ng mata ni Christy si Madelyn pagkatapos niyang sabihin iyon tiyaka niya fincus ang kanyang tingin sa kanyang notebook dahil nakalimutan niyang gawin ang kanyang assignment kagabi.
May oras naman siyang gawin iyon at alam naman niya kung paano gawin iyon ang kaso nga lang ay halos takpan na lang niya ang kanyang tenga kung ano man ang naririnig niya sa kanyang ina kaya naman mas pinili na lang niyang uminom ng sleeping pills nang sa gayon ay makatulog na siya at hindi niya marinig kung ano man ang meron sa kanilang bahay.
Agad na napatingin si Isiah kay Madelyn na bakas ang pag-aalala dahil baka pagtulungan siya ng mga kaibigan nilang babae, alam naman niya na matatapang silang lahat at kaya naman ni Madelyn, ang kaso nga lang ay hindi niya pa rin maiwasan na mag-aalala dahil ayaw niyang nakabusangot ang dalaga at ma-stress dahil lang din sa hindi nila pagkakaunawahan at baka siya pa ang idiin ng mga kaibigan nila.
“How come it is because of me?” hindi makapaniwalang tanong ni Madelyn tiyaka niya pa tinuro ang kanyang sarili dahil hindi niya maintindihan kung bakit napasa sa kanya ang pinagdesisyunan nina Antonniette, kaya ayaw niyang um-agree kanina dahil alam niya na ganito ang magiging reaksyon ng kanyang mga kaibigan.
“The idea was originally came from Cassandra,” sambit niya tiyaka niya tinuro ang kaibigan dahil nasa kanya lahat ng masasamang tingin. “I didn’t approve this, be careful of your words, Christy.” hindi mapigilan na mainis ni Madelyn dahil nabwisit siya na siya ang pinagbibintangan ng dalaga.
“Madelyn,” pagtawan ni Aaron sa kanya para bawalan niya ang dalaga bago pa sila mag-away ni Christy.
“What? Pagtatanggol mo siya?” inis na tanong ni Madelyn.
“She was just asking you,” pagpapaintindi ni Aaron pero bago pa makasagot si Madelyn ay nakasagot na si Isiah.
“She’s accusing her,” prenteng sagot nito kay Aaron dahil para bang pinagkakaisahan nila si Madelyn kahit na mukhang wala naman ginawa ang dalaga. Bakas nga sa mukha nito na hindi niya nagugustuhan kung ano man ang nangyayari.
“Anyway,” nangibabaw ang boses ni Antonniette tiyaka niya pinanlakihan ng mata ang kanyang mga kaibigan habang si Nydia ay ngiting-ngiti pa rin, hindi na niya napapansin ang nangyayari sa paligid niya, masyado na siyang binubulag ng kasiyahan na nararamdaman niya.
“As a celebration of Nydia becoming part of us,” ngumisi si Antonniette pero nakabusangot lang lahat ng mga kaibigan niyang babae na nakatingin sa kanya habang ang mga lalaki naman ay walang emosyon na nakatingin at naghihintay kung ano man ang sasabihin niya.
Wala namang problema sa mga lalaki, ayaw lang naman nila ng drama, kung saan ang mapagdesisyunan ng mga babae at hindi naman ganon na nakaka-apekto sa kanila ay doon na lang din sila. Keysa sa makigulo pa sila e mukhang hindi na nga nagkakasundo ang mga babae.
“Nydia will buy us food!” masayang sambit ni Antonniette, siya lang ang mag-isang masaya. “Right, Nydia? You will buy us food!” masiglang sambit pa niya kaya naman nagpanic sa pagtango si Nydia dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa sobrang gulat. Napatayo rin siya kaya nawala na ang hawak ni Antonniette sa kanyang balikat.
“Yes, of course! I would love to buy you food!” mabilis na sang-ayon ni Nydia kaya naman lumawak ang ngiti ni Antonniette dahil madali lang talagang utuin ang dalaga. Tiningnan ni Nydia ang kanyang orasan sa kanyang kanang kamay. “It’s almost lunch time! I can buy you food outside the campus!” sambit niya, tinutukoy niya ang malapit na fast food chain sa kanilang paaralan.
“That’s so sweet of you!” plastik na sambit ni Antonniette pero hindi na napansin ni Nydia iyon dahil excited na siyang ilibre ang kanyang mga kaibigan.
Binigyan siya ng kanyang kapatid na card kung saan pwede niyang pagkagastusan. Noon ay ayaw niyang gamitin ito dahil nakakahiya sa kanyang kapatid pero ngayon ay ipapaliwanag na lang niya siguro sa kanyang kapatid kung bakit nakagastos siya ng ganoong kalaking pera sa loob lang ng isang araw at hindi sa loob lang ng ilang minuto.
“Papaalam na ako!” masayang sambit niya tiyaka niya kinuha ang kanyang bag para makaalis na siya. “Bibilhan ko na lang kayo ng pagkain, ano bang gusto niyo?” pagtatanong niya. Kumikintab ang mga mata niya sa saya at bakas sa boses niya ang kagalakan.
“I will forward it to you,” sambit ni Antonniette dahil may mga notes na sila kung ano ang paborito nilang order-in sa fast food na iyon kapag may isa sa kanila ang pupunta ay bibilhan na niya ang lahat.
“Magiging friend na tayo sa f*******:?” hindi makapaniwalang tanong ni Nydia habang nakatingin sa kanyang cellphone.
Napangiti si Antonniette dahil ang bilis talagang utuin ni Nydia kaya kinuha niya ang kanyang cellphone, mabilis niyang in-scroll ito tiyaka niya in-add sa f*******: si Nydia. Tumunog ang cellphone ni Nydia dahil sa notification at ganon na lang ang pamimilog ng kanyang mata dahil sa gulat na naramdaman. Hindi niya inaasahan na si Antonniette ang mag-add sa kanya. Ang buong akala niya ay siya pa ang mag-add pero nagkamali siya kaya naman hindi niya maiwasan na mapangiti ng sobrang lapad, daig pa niya ang naka-receive ng message sa taong gusto niya sa sobrang saya nito.
“Wow,” hindi niya mapigilan na i-voice out ang kanyang nararamdaman. Nakatingin pa rin siya sa kanyang cellphone dahil hindi pa rin siya makapaniwala. “I-I will buy a food na,” sambit niya at nauutal pa siya sa sobrang saya.
“Go,” pagbigay ng signal ni Antonniette para makapag-usap na silang lahat tungkol don. Kaagad na tumango si Nydia tiyaka siya kumaripas ng takbo palabas.
“Kindly explain, what the hell was that?” pagtatanong ni Joanne dahil kanina niya pa pinagmamasdan ang kanyang mga kaibigan at hindi niya pa rin magets kung anong chemical ang nahithit ni Antonniette at sinabi iyon.
“Ipaparamdam natin sa kanya na isa siya sa atin,” proud na sabi ni Antonniette pero singkit pa rin halos lahat ng mga mata ng kanyang kaibigan dahil hindi niya alam kung ano ang pinaplano nila.
“I mean, that was for real?” pagtatanong ni Hahn dahil hindi niya rin maintindihan kung bakit kailangan isali si Nydia sa kanilang grupo. Ayaw niya dito dahil hindi siya makapaniwala na nakapasok siya sa kanilang section habang halos lahat ay naghihirap makapasok samantalang si Nydia ay wala mang kahirap-hirap pumasok sa kanilang section.
Kagaya noong unang araw, ang unang dahilan talaga nila ay isa siyang threat para sa kanila. Lalo na kung hindi pa siya last sa ranking dahil panigurado sila na pagtatawanan ng ibang section ang mga mas mababa pa kay Nydia kung nagkataon. Ayaw naman nilang mangyari iyon sa isa’t-isa dahil matagal na rin silang nagsama-sama at napamahal na rin ang isa’t-isa sa kanila. Halos tie nga lang sila sa ranking dahil hindi naman magkakalayo ang kanilang mga average sa point lang nagkakalamangan.
“Of course not!” agad na tutol ni Antonniette. “That was for a show! Cassandra, tell them your idea!” utos ni Antonnitte kay Cassandra, hindi iyon inaasahan ni Cassandra kaya bahagya siyang nagpanic nang nasa kanya na ang mainit na mga mata ng kanyang mga kaibigan.
“We will make her our friend,” agad na umangal halos lahat nga babae dahil sa sinabi niya nang hindi pa siya pinapatapos.
“Come on, guys! Listen first!” sambit ni Antonniette dahil nagsimula sila sa mga bulungan na hindi pag snag-ayon.
“But we will of course make her our slaves, friend was just for show!” agap ni Cassandra habang sinesenyas niya pa ang kanyang mga kamay dahil sa kaba na magkamali dahil halos nakatingin sa kanya ang mga masasamang tingin.
Biglang natahimik ang mga kaibigan niya dahil alam naman niya na hirap din sila sa school kapag wala silang nauutusuan.
“What the hell?” si Michael lang ang umangal sa kanila kaya napatingin sa kanya ang lahat. “Ano kayo, mga bata?” hindi niya mapigilan na tanungin ang kanyang mga kaibigan dahil hindi maganda ang ideya na naisip nila. Hindi niya maiwasan na maawa sa dalaga dahil nakita niya kung gaano kumislap ang mga mata niya kanina tapos ganito pala talaga ang pakay ng kanyang mga kaibigan.
“What?” pagtatanong ni Antonniette, tiningnan ni Michael si Antonniette bago niya tiningnan si Madelyn dahil alma niya na isa si Madelyn sa mga nagdedesiyon para sa kanilang magkakaibigan na babae.
“Do you approve of this?” bakas ang dismaya sa boses ni Michael.
“They all approved this, Michael. Hindi lang si Madelyn.” Pagtatanggol agad ni Isiah.
“Oh come on, Michael!” wika ni Zyrene dahil napapagod na rin siya sa set-up nila ngayon. “Kung ayaw mo, edi huwag mo siyang utusan, kung gusto mo siyang kaibiganin for real, then go! Walang pipigil sa’yo!” inis na sambit ni Zyrene.
“True! Now let me hear, if you approve our mini idea that will benefit us?” pagtatanong ni Antonniette pero walang nagsalita sa mga babae dahil masyadong matataas ang kanilang mga pride. “Okay now, just raise your hand.”
Ilangs segudo ang lumipas bago unti-unting nagtaas ng kamay ang mga babae nilang kaibigan at sumunod na rin ang mga lalaki kaya pumalakpak siya sa tuwa.
“Now, the idea of Cassandra is approved!”