Chapter 31: Happy

1034 Words
CHAPTER 31 Happy Napakasaya ni Nydia habang naglalakad siya papunta sa fast food na malapit sa kanilang paaralan. Magsimula noong pumasok siya ay ngayon pa lang siya nakaramdam ng ganitong saya. Siguro ay dahil ngayon niya lang naramdaman na welcome na siya sa kanilang section. Siguro ay dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may kumausap na sa kanya kahit na bilang pa lang sa kanyang mga daliri. Hindi na niya hinahangad na mahalin o magustuhan siya ng lahat dahil matagal na niyang tinanggap sa kanyang pagkatao na hindi naman lahat ng tao ay magugustuhan siya. Kaya masaya na siya dahil kinausap siya ngayong araw nina Sheena at pinagtanggol pa siya ni Antonniette.  Ang buong akala niya ay titiisin niya ang sampung buwan na masungit, malamig, at mataray ang pakiki-tungo sa kanya ng kanyang mga kamag-aral. Hindi niya inaasahan na mababago pala iyon ng isang araw. Hindi niya alam kung excited siyang bumalik sa classroom dahil alam niyang may makakausap na siya at hindi na lang siya sa isang sulok o umuwi para ikwento niya sa kanyang lola kung ano man ang mangyayari sa araw na ito dahil noong mga nakalipas na araw ay gumagawa lang siya ng eksena na hindi naman talaga nangyari dahil hindi naman ganon ang trato sa kanya ng kanyang mga kaklase.  “Ito po lola,” sambit niya tiyaka niya binigyan ng barya ang matanda na namamalimos na palaging nakapwesto malapit sa fast food chain. Lagi niya itong binibisita dahil sa fast food din siya halos kumakain. Wala roon ang kanyang mga kaklase dahil sa mamahalin na restaurant sila bumibili pero minsan ay nagcrave din sila sa fast food kaya naman may notes si Antonniette, na-obserbahan niya kasi iyon sa kanila.  “Salamat apo,” sambit ng matanda dahil lagi niyang nakakausap si Nydia kapag kumakain na siya ng lunch. Magaan din ang loob ng matanda dahil mabait na bata si Nydia at lagi niya itong nakakakwentuhan. Sa matanda lang sinabi ni Nydia kung ano talaga ang trato sa kanya ng kanyang mga kaklase dahil palagi siyang mag-isa sa labas. Wala rin siyang kakilala sa ibang section kaya naman tumatambay lang siya sa kariton ng matanda. Binibilhan niya rin ito palagi ng pagkain hanggang sa gabi para hindi magutom ang matanda.  “Kumusta po ang araw niyo?” masayang pagtatanong ni Nydia kaya napangiti ang matanda sa kanya dahil ngayon niya lang nakita na ganito kasaya ang dalaginding. Abot sa kanyang mata ang pag ngiti ng kanyang labi at kumikislap pa ang mga mata nito na pakiramdam niya ay may nangyaring maganda sa bata.  “Ganon pa rin, nasisiyahan pa rin ako kapag nakikita kita,” ngiti ng matanda kaya lalong napangiti si Nydia sa sinabi ni lola. Lola Cecillia ang tawag niya sa matanda dahil iyon ang pangalan niya. “Ikaw? Mukhang masaya ka ngayong araw ah? Anong nangyari?” pagtatanong ng matanda dahil excited niyang mapakinggan kung ano man ang magandang bagay na ikukwento ni Nydia.  Ang kasiyahan ni Nydia ay kasiyahan na rin niya. Kahit na iilang araw pa lang silang magkakilala at magkasama ay tinuring na niyang isang tunay na apo si Nydia. Malapit na siya sa puso ng matanda kaya kapag masaya ang dalaga ay para na ring may humahaplos sa puso nito para ngumiti na lang bigla.  “Masaya po lola!” sambit ni Nydia. Napatango ang matanda dahil halatang-halata naman ang pagiging masaya ng dalaga sa kanyang mga mata. At nang sinabi niya iyon ay halos mangiyak-ngiyak pa siya. Masaya talaga siya kung ano man ang nangyari ngayon dahil hindi naman mamumuo ang mga luha sa kanyang mga mata habang kumikinang ang mga ito kung hindi siya tunay na masaya.  “Alam niyo po ba na may dalawa na akong kaklase na kumausap sa akin?” nagulat ang matanda dahil sa sinabi niya. Hindi na lingid sa kanyang kaalaman na walang kaibigan ang dalaginding simula pa noong unang araw niya sa paaralan. Alam din niya na hindi siya nilalapitan o kinakausap man lang ng kanyang mga kaklase na para bang may isa siyang nakakahawang sakit.  Naintindihan niya ang dalaga dahil kita naman niya na halos lahat ng mga estudyanteng nag-aaral sa pinapasukan na paaralan ni Nydia ay masyadong mayayabang, maldita at spoiled brat. Akala mo ay kanila ang buong Pilipinas kung umasta at maglakad. Kahit na pinagmamasdan niya lang ang mga estudyante ay alam na niya ang ugali ng mga ito. Minsan nga ay naririnig pa niya kung ano ang pinag-uusapan ng mag estudyante at kung ano ang lumalabas sa bibig ng mga ito na dahilan ng pagpikit na lang niya at pag-iling.  “Talaga? Sino?” tanong niya sa bata dahil alam naman niyang gustong magkwento ni Nydia ngayon lalo na’t eto ang kauna-unahang pagkakataon na may maikukuwento siya na sadyang magpapasaya sa kanya. “Si Sheena at Antonniette!” kinikilig na sagot pa ni Nydia, halos yakapin na niya ang kanyang sarili dahil sa sobrang saya niya.  “Sheena?” pagtatanong ng matanda dahil parang familiar sa kanya ang pangalan na iyon kaya naman natauhan bigla si Nydia. Nasabi na nga niya pala sa kanyang lola-lolahan si Sheena dahil sobra siyang nagagandahan dito at na-starstruck pa siya lagi kapag nakikita niya ito lalo na’t sa isang room naman sila humihinga kaya naman halos hindi siya makahinga sa pagfa-fan girl niya.  “Opo lola!” Tumango ng matanda at tila naalala na niya kung ano ang sinasabi ng kanya ni Nydia noon tungkol kay Sheena. “Iyong magandang bata? Na may mga commercials and endorsement at beauty queen?” pagtatanong ng matanda. Kahit na atentibo siya ay hindi pa rin maipagkakaila na matanda an siya kaya pumupurol na kahit papaano ang kanyang memorya.  Napangiti si Nydia dahil hindi niya maintindihan kung bakit siya napangiti dahil sa sagot sa kanya ng lola. Isa lang ang ibig sabihin non; na nakikinig siya palagi sa kwento ni Nydia. Na-appreciate niya talaga ang mga taong nakikinig sa kanya at natatandaan niya ang mga paborito kong bagay-bagay.  “Kinausap niya ako kanina lola!” agad na nagsimula ang kwento ni Nydia.  Halos hindi na siya matapos at halos ma-late na siya para sa kanilang hapag mamaya.  “This is one of the happiest moments in my life.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD