CHAPTER 47 (Part 3) Really Hindi malaman ni Cassandra kung ano ang magiging reaksyon niya dahil sa kinuwento ni Nydia. Noong kinuwento sa kanya ang paraan ng paghagis ni Michael sa pagkain nina Christy ay hindi niya maiwasan na magtaka o kaya naman ay maghinala sa biglaang kinilos ng kanilang kaibigan na lalaki. Hindi sila sanay na ganon ang inasta ng kanilang kaibigan kaya kung ganoon ang ginawa niya ay alam nila na may kakaiba. At pareho silang magkakaibigan nang naiisip kung ano ang kakaiba na sinasabi nila. Ang kaso nga lang ay ayaw nilang tanggapin ang kanilang hinala hangga’t hindi umamin ang kanilang kaibigan na si Michael. Pero dahil sa kinuwento ni Nydia kung ano ang nangyari sa araw na iyon ay hindi niya maiwasan na paghinalaan lalo ang lalaki. Kilala niya si Michael at alam

