CHAPTER 48 Unbelievable Sandaling pinag-isipan ni Cassandra kung ano ang maaring pag-usapan ng kanyang mga kaibigan na dahilan ng pananahimik nilang lahat nang madatnan sila ni Nydia. Ano ang usapan o maaring napagtalunan ulit nila. Sa tingin niya ay doon din mabibigyan kasagutan kung bakit parang hanggang ngayon ay tensyonado pa rin ang hangin sa pagitan ng dalawa niyang kaibigan na si Michael at si Madelyn. Alam niya na may napag-usapan sila na sadyang nagpatigil at napatahimik sa lahat. Ang gusto niya lang malaman ay kung ano ang bagay na iyon? Hindi naman niya matanong ulit si Nydia dahil siya mismo ang nagsabi na tahimik na silang apat nang makalapit na siya. Pero kanino naman niya itatanong? Kina Calyx at Noah? Mukhang ayaw din naman magsalita nang dalawa dahil kung gusto nilang

