Chapter 37

1836 Words

NOLAN'S POV: PILIT akong ngumiti sa lahat at umaktong normal sa harapan nila. Kahit na ang totoo ay gusto ko na lamang umalis. Kahit mabait ang buong angkan ni Mackenzie at mainit kaming ini-welcome ng mga magulang ko sa pamilya nila, nangingibabaw pa rin ang lungkot at kabiguan sa puso ko. Dahil hindi pala si Mackenzie. . . ang mapapangasawa ko. “Tara, let's go somewhere else,” ani Maddie na hinila na ako sa kamay. Nasa kalagitnaan pa kasi ang party para sa mommy nila. Masaya ang lahat na idaos ang kaarawan ni Mommy Yumi. Kita ko ngang nagkakaisa ang pamilya Madrigal. Lahat naman sila ay mababait. Lalo na ang mga matatanda. Sa dami nga nila e hindi ko na matandaan ang pangalan ng iba. “Saan tayo pupunta?” tanong ko at pumuslit na kami ng party. “Basta. Akong bahala sa'yo.” Aniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD