MACKENZIE'S POV: NAGPUPUYOS ang loob ko habang nandidito sa harapan ng bahay ni Madison. Magkasama kasi sila ni Nolan na nagawa pang pumuslit ng party ni mommy para mag-date! Nakakainis! Kanina ko pa sila gustong sugurin pero nagpipigil lang ako. Ano nga bang sasabihin ko kapag sinugod ko sila? Do I have the rights? Ni wala nga kaming label ni Nolan e. Habang sila ni Madison, nakatakda na silang ikasal fvck! Nanunuot na sa buto ko ang ihip ng hangin. It's already midnight pero hindi pa rin kasi lumalabas sina Maddie at Nolan sa bahay nito. Kaya heto at para akong guwardya dito na nakatayo sa labas ng gate at hinihintay ang mga itong lumabas. Hindi ko rin alam kung bakit pa ako sumunod sa kanila. Naiinis lang naman ako sa nakikita kong closeness nila. Napapatawa at ngiti ni Maddie si

