NOLAN'S POV: NAIILING akong maingat itong ibinaba ng passenger seat. Mabuti na lang at na-locate ko kaagad ang location nito kanina sa tulong ng phone GPS nito. Muntik pa tuloy siyang mapaaway kanina kung hindi lang ako nakarating nang maaga. Halos paliparin ko nga ang kotse ni Maddie na siyang ginamit ko masundo lang ito sa bar na pinuntahan e. Napabusangot pa ito nang kabitan ko siya ng seatbelt. Mabuti na lang at naisipan pa nitong nagpalit ng damit bago nagtungo ng bar. Napahawi ako sa buhok nitong tumabing sa kanyang mukha at iniipit iyon sa likuran ng kanyang tainga. Namumula na rin ang mukha nito. Kita sa mga mata ang antok at kalasingan. “Matulog ka na muna, honey. Ako nang bahala sa'yo,” saad ko na hinagkan ito sa noo. Marahan kong isinarado ang pintuan bago umikot sa harap

