NOLAN'S POV: NANGUNOTNOO ako na makarating ng mansion at gising na ang mga tao dito. Nag-uusap-usap na tila may kaguluhang nangyari dito. Sabay-sabay pa silang napalingon sa akin na nagulat na makita ako. Alanganin akong ngumiti na lumapit sa gawi nila Tatay Elias at iba pang kasamahan nila dito sa hacienda. Napahagod pa sila ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Saan ka nanggaling, Nolan? Bakit ngayon ka lang? Ikaw itong palaging kasa-kasama ni señorita pero kung kailan nanganib siya ay wala ka?” pagalit ni tatay sa akin. Natigilan ako na namutla sa narinig. Binundol ng kakaibang kaba at takot ang puso ko. “A-ano pong ibig niyong sabihin, Tay?” kabado kong tanong ditong napailing. “May mga lalakeng pumasok dito habang natutulog ang mga tao. Pinasok ang silid ni señorita. Pin

