MACKENZIE'S POV: NAPAPANGUSO ako habang nagpapahangin dito sa balcony ng silid. Dito kasi kami sa mansion natulog ngayon ni Nolan. Napapaisip sa imbitasyon ni Miguel sa akin kanina. Anniversary daw ng mga magulang niya at gaganapin iyon sa mansion nila sa kabilang bayan. Gusto nitong dumalo ako sa okasyon. Tumanggi ako pero mapilit ito at ginamit pa talagang alibi na business partner ang pamilya namin dito sa probinsya. Kaya wala naman sigurong masama kung dadalo daw ako sa party ng parents niya, total ay ako lang ang nandidito para irepresent ang pamilya ko. Honestly, I don't wanna go there. Pero nang malaman ko na naging girlfriend ni Nolan ang nakababatang kapatid niya, naging curious ako sa pagkatao ng babaeng iyon. Kung sino siya? At kung anong nagustuhan ni Nolan sa kanya. Kita ko

