NOLAN'S POV: LIHIM akong nangingiti habang yakap-yakap ko si Mackenzie at nakasakay kami ng kabayo. Nililibot kasi namin ang kanilang citrus-an dahil malawak-lawak din ang lugar. Kumakain pa kami ng citrus habang nagpapasubo ako ditong nakayakap mula sa kanyang likuran. “I really hate that girl.” Wika nito na bakas ang iritasyon sa boses. Napalunok ako sa nginunguya kong citrus. “S-sino, honey?” tanong ko. “Yong babaeng 'yon na nagpapa-cute sa'yo. She's so obvious. Makita ko pa lang ang pagmumukha, sira na ang araw ko. Bakit ba kasi sinasama-sama ng Miguel na ‘yon ang babaeng iyon?” inis niyang litanya. “Kapatid niya nga kasi iyon, honey. Hwag mo na lang pansinin. Hindi ko rin naman papatulan kung iyon ang inaalala mo,” sagot ko na mas niyakap itong nilingon ako. “Paano mo alam

