MACKENZIE'S POV: LUMIPAS ang maghapon na hindi ko pinapansin si Nolan. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya. Nagising ako kaninang umaga na mag-isa na lamang sa kama. Kaya matapos kong maghilamos at sepilyo ay bumaba na ako. Ngunit natigilan ako sa akmang pagbaba ng hagdanan na mahagip ng paningin ko ang dalawang taong nag-uusap sa sala. Si Nolan at Stefani. Nangunotnoo ako. Nanatili sa kinatatayuan na matamang nakamata sa dalagang tila may seryosong pinag-uusapan. Nakatalikod sa gawi ko si Nolan kaya hindi ko makita ang facial expressions nito habang nag-uusap silang dalawa. Pero si Stefani? Panay ang ngiti na nagpapa-cute pa dito. Bababa na sana ako. Nang makitang inilapit ni Nolan ang mukha niya dito na ikinakuyom ko ng kamao at nanigas sa kinatatayuan! Para akong natuklaw ng ahas sa m

