NOLAN'S POV: ISANG umaga, nagulat ako na mabungaran si Stefani na siyang tinutukoy ng mga katulong dito sa mansion na bisita ko. Kunot ang noo na nilapitan ko itong nasa sala nakaupo na hinihintay akong bumaba. “Anong ginagawa mo dito?” masungit kong tanong. Nahihimbing pa si Mackenzie sa taas. Pero tiyak na babangon na iyon maya-maya lang. Malilintikan na naman ako sa reyna ko kapag nalaman niyang nandidito si Stefani e mainit ang dugo no'n dito. Tumayo ito na matamis na ngumiti na malingunan ako. Hindi na ako nag-atubiling lapitan ito. Hinintay ko na lamang itong lumapit sa akin. “Hi, good morning. Can we talk for a while?” malambing niyang saad. “Tungkol saan na naman ba?” iritado kong tanong dito na mahinang natawa at iling. “Why are you rushing? Are you afraid of her?” tu

