NOLAN'S POV: MAGKAHAWAK kamay kami ni Mackenzie habang nagmamaneho ang isang kamay ko. Hindi na kami naghapunan sa unit dahil sa labas kami kakain nito. Excited ako na ito ang unang date naming dalawa na official na ang relasyon namin. Kahit hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol doon, malinaw naman nang magkasintahan na kaming dalawa. Heto nga at ikakasal na kami e. “Nagugutom ka na ba, honey?” tanong ko na dinala sa labi ang palad nitong hawak-hawak ko at mariing hinagkan iyon. “Uhm uhm. Nagugutom na nga ako,” aniya. Napasulyap ako dito na napangiting makita siyang napapanguso. “Saan mo gustong kumain? May alam akong Italian restaurant dito kung gusto mo doon, honey.” Alok ko pa. Umiling naman ito. “Ayoko. Sa park kaya?” aniya na ikinasalubong ng kilay kong napasulyap dito.

