NOLAN'S POV: NANGINGITI ako habang hawak-hawak ang kamay ng reyna ko. Tumuloy na kasi kami ng mall. Kumain na muna kami ng hapunan sa nadaanan naming restaurant bago tumuloy dito sa sinehan. Ito ang unang beses na maka-date ko siya ng gan'to. Mabuti na lang walang sumpong ngayon ang reyna ko. Hindi kasi siya nagsusungit. Nakukurot niya ako kapag nilalandi at binibiro ko siya pero tumatawa naman at sinasabayan ako. Kita rin sa mga mata niya na masaya siya sa date namin. Hindi man matatawag na perfect date ang unang date namin, ang mahalaga ay masaya kaming dalawa at ini-enjoy ito. Tumawag din kanina ang kuya nito at ipinaalam sa aming may bomba ang kotse namin. Pero naalis na nila iyon at ligtas na ulit gamitin ang kotse. Mabuti na lang at napansin ko kaagad ang kotse kanina nang sumakay

