MACKENZIE'S POV: PAGDATING namin ni Nolan ng mansion, inihatid ko na muna ito ng silid ko bago ako tumuloy ng library room ng daddy. Nandidito naman na silang lahat. Ako na lang ang hinihintay. Napangiti naman ang daddy na sinenyasan akong lumapit. Bumeso muna ako at bumati sa mga ito maging kay Madison. “Nasaan si Nolan, sweetie? I thought he's with you?” tanong ng daddy pagkaupo ko at napansing walang Nolan ang sumunod sa akin. Napangisi naman ang tatlong kapatid ko na nagkatinginan. “Syempre naman, Dad. Iiwan iyon ng ate sa silid niya. Nandidito si Ate Maddie e.” Nanunudyong saad ni Yanna na sinang-ayunan ni Messy. Nag-apiran pa silang tatlo na naghagikhikan. Napataas ako ng kilay sa mga ito at maging si daddy ay nangingiti. Kaharap kasi namin ang tatlong kapatid ko. “Ano ngay

