Chapter 52

1506 Words

MACKENZIE'S POV: MASAYANG natapos ang engagement party namin ni Nolan. Maga-alauna na nga ng madaling araw nang lumabas kami sa hotel. Masaya ako na kasundo ko ang mga magulang nito. Lalo na ang kanyang ina na botong boto sa amin ni Nolan. Umuungot na nga ito sa akin na bigyan na namin sila ng aalagaang apo na tinatawanan ko lang. Gusto kasi nito ng maraming apo daw mula sa amin at mag-isang anak nila si Nolan. Ito lang ang makakapagbigay ng apo sa kanilang mag-asawa. Habang nasa kalagitnaan ng byahe, nasa labas ng bintana ang paningin ko. Kasama ko naman si Nolan sa kotse. Siya ang nagmamaneho. Hawak nito ang isang kamay ko at panaka-naka niyang pinipisil. Tumutugon naman ako na pinipisil pabalik ang kamay nito. “Nolan, sa headquarters tayo.” Paalala ko dito na nagkamali siya ng daan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD