MACKENZIE'S POV: ISANG linggo pa akong nanatili sa hacienda. Still waiting for him to comeback. Pero ni sa messenger ay hindi ito nagpaparamdam. Hindi ko alam kung anong pinagkaka abalahan niya ngayon. I'm trying my best to understand him. Pero mas nangingibabaw pa rin ang inis na nadarama ko dahil hindi manlang niya magawang magparamdam. It's a big to me to receive a message or call from him. Hindi na ako mapakali dito na naghihintay sa kanya. Kahit manlang sana mag-message siya na okay lang siya doon, kung saan man siya naroon ngayon. Pero wala. Hindi na siya nagparamdam pa. “Bumalik ka dito ha? Malulungkot na naman ang hacienda sa pag-alis niyo, señorita.” Malungkot na pamamaalam sa akin ni nanay. Nandidito na kasi kami sa burol ngayon. Sila ni Tatay Elias ang naghatid sa akin dito

