MACKENZIE'S POV: NAPAPAIRAP ako dito habang magkaharap kaming kumakain. Nanginginig na rin kasi ang katawan ko sa gutom. It's already ten o'clock in the morning and we haven't have our breakfast yet. "Galit ka ba, honey?" he asked. Hindi ko kasi siya pinapansin. Naka-focus ako sa pagkain at kahit sulyapan ito ay hindi ko ginagawa. I'm still annoyed of what he did earlier just to kiss me. Pinalaki kami nila mommy at daddy na maging maingat sa sarili. Kahit nga magpaligaw ay hindi kami tumatanggap no'n. Ang Nolan na 'to pa lang ang nakakalusot na nahahawakan, yakap at halikan ako! "Honey," pangungulit pa nito na nagkakandahaba ang nguso. "Don't talk to me," pagsusungit ko na hinigop ang mainit na sabaw ng bulalo sa bowl ko. "I'm sorry, honey. Napasobra ako kanina. Gusto ko lang na

