MACKENZIE'S POV: NAKUROT ko si Nolan nang malingunang may mga parating. Bumitaw din naman ito na tumuwid ng tayo sa tabi ko. May dalawang matandang babae at lalake na lumapit sa amin. Nagtataka ang kanilang mga mata na palipat-lipat ng tingin sa amin ni Nolan. Tila inaalala pa nila kung anong pangalan ko. "Señyorita?" tanong ng matandang lalake na ikinangiti ko. "Magandang hapon po, Tay Elias, Nay Cecilia." Pagbati ko na nagmano at yakap sa mga ito. "Naku! Pasensiya ka na, señorita, hindi ka namin nakilala kaagad. Lalo ka pa kasing gumanda!" bulalas ni tatay Elias na ikinangiti ko. "Oo nga, Kuya. Naku, napakaganda talaga ng mga anak na babae nila señorito Delta at señorita Yumi!" pagsang-ayon ni nanay Cecilia na ikinatawa ko. "Binobola niyo na ako e. Pero, salamat po." Sagot ko na

