3'RD PERSON POV: NAPANGISI ang binatang si Nolan Harris na natulala si Mackenzie at tila nahihipnotismong napasunod sa kanya. Bakas sa mga mata ng dalaga ang pagkamangha habang napapasulyap sa malapad nitong dibdib at mga pandesal sa tyan! "Hindi ka ba maghuhubad, honey?" malambing tanong ni Nolan na ubod ng landi! "M-maghuhubad," tulalang sagot nito na ikinangiti ni Nolan na nakamata dito. "Teka--gago ka ba? Labas!" Napahagikhik ito na matauhan ang dalaga sa kanyang panglalandi! Napakamot ito sa ulo na impit na napapadaing sa kada kurot ni Mackenzie dito! "Ouch, honey! Masakit!" impit nitong daing na natatawa. "Labas, Harris!" sikmat nito na ikinahagikhik ni Nolan. "Sabi ko nga. Lalabas na. Ito naman." Natatawang saad nito na lumabas na ng shower. Naniningkit naman ang mga m

