Magic 32

8054 Words

[Kleo's pov] Nagising ako na may isang black letter sa aking side table. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang sulat na iyon. Isang sulat mula sa aking master at naglalaman iyon ng misyon ko. Matagal tagal na rin ng huli ako makatanggap nito. Sinigurado ko walang makakita sa akin habang binabasa iyon. Nang matapos ay agad ko sinira ang sulat saka binabad sa tubig para walang makabasa pa. Agad ako nagtungo sa aking closet para kumuha ng mga gamit na aking kakailanganin sa aking misyon. Hindi naman ganoon karami ang aking dala. Palabas na sana ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Agad ako napamura nang maalala ang isang bagay. Dinampot ko ang isang scarf na niregalo ni Naomi sa akin noong birthday ko. Inikot ko iyon sa aking leeg para takpan ang tattoo na gawa ng aking master.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD