[Naomi's pov] Tinitigan ko ang post-it na nakuha ko kagabi. Pilit ko inaalala ang nangyari sa gubat hanggang sa makuha ko ito. Tila may mali sa nangyari? Something is not right. Pero ano? Alam kong si Himea ang babaeng iyon at sure ako roon. Hay ang gulo... "kamusta nga pala si Himea?" tanong ko kay Caramel na seryoso sa paglalaro sa kanyang phone "parang nakalunok ng pakwan sa laki na ng tiyan" sabi ni Caramel na hindi man lang inaalis ang atensyon sa kanyang hawak. "huh?" gulat kong sabi saka tinago ang post-it sa aking bulsa May mali talaga... agad ako napatayo. "saan ang punta mo?" tanong ni Chocolat na tila naistorbo ko sa kanyang pagbabasa "sa mansyon lang" sabi ko saka naglakad na paalis ng kanilang kwarto Kung ganoon ay malaki na ang tiyan ni Himea pero si Himea kagabi ay

