[Naomi's pov] "kanina ka pa tahimik" nag-aalalang sabi ni Rain Pinabalik na kami sa kanya kanyang table dahil opisyal ng isasara ang Family day event. Hindi ko pa rin maiwasan maisip kung sino ang umatake sa akin sa loob ng maze. Pamilyar ang boses niya kaya alam ko kakilala ko siya. Iyon lang ay hindi ko matukoy kung sino siya. Pero kung isa siya sa mga kaibigan ko ay ano ang nagbibigay motibo sa kanya para gawin ang bagay na iyon? "oy Naomi" siko sa akin ni Caramel at nag-aalala na rin ang tingin na binibigay niya sa akin "may problema ba?" tanong niya Sinagot ko iyon ng isang iling. Nagpalakpakan na kaya ibig sabihin ay opisyal nang sinasara ang event. Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa hindi pagpaparamdam ang mga dark magician bukod sa umatake sa akin. Nagpaalam na ang mga k

