[Naomi's pov] Kanina pa ako nakatitig sa librong nasa harapan ko. Halos rinig ko ang lakas ng t***k ng puso ko. Bakit ba ako kinakabahan? Parang babasahin ko lang naman ito ah... "ano titigan mo lang ba iyan?" irap sa akin ni Jija "pagkatapos mo ko pahirapan kuhanin iyan sa library ay titigan mo lang pala?" Napanguso ako dahil nagsusungit na naman si Jija sa akin. "chill lang sis" awat ni Yuan sa kapatid saka ako tinanguan para buksan ang libro Humugot ako ng malalim na hininga. Nanginginig ang kamay ko na hinawakan ang cover ng libro. May pamagat itong 'Mythical Magics'. Unknown ang author ng libro. Sira sira rin na ang libro senyales ang sobrang katandaan. "wala bang mas matinong libro bukod diyan?" tanong ni Kuya Tyler na napansin ang kalunos lunos na itsura ng libro "iyan na

