1 - Yzabella’s Struggle
“Pak! Pak! Pak!”
Napaupo si Yzabella sa malamig na sahig habang sapo ang namamanhid niyang pisngi.
Halos mawalan siya ng balanse sa lakas ng pagkakatama sa pader.
Tuluy-tuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
Sa nanlalabong mga mata, tiningnan niya ang lalaking nasa harapan.
Si Nathan.
Ang kanyang asawa.
O marahil, asawa lamang sa papel dahil kailanman ay hindi niya naramdaman na minahal siya nito.
It had been years since they got married, yet their marriage was never built on love.
Nathan married her for one reason alone—to punish her.
Araw-araw niyang ipinaparamdam kay Yzabella na isa siyang pagkakamali.
Bawal ito magreklamo at wala tong karapatan na sumaya.
Sa bawat malamig nitong tingin at masasakit na salita, unti-unting nadudurog ang pagkatao ni Yzabella.
Ngunit sa kabila ng lahat, mahal pa rin niya si Nathan.
“You’re good for nothing!” galit na sigaw ni Nathan.
Napapitlag si Yzabella nang marahas siyang hilahin nito patayo habang mahigpit na nakahawak sa kanyang buhok.
Napaungol siya sa sakit at agad na napapikit.
Patuloy na bumabagsak ang kanyang mga luha habang hinihintay kung ano na naman ang susunod na gagawin ni Nathan.
Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena. Sigawan. Galit. Pananakit.
Sa bawat araw na lumilipas, pakiramdam niya’y unti-unting nauubos ang kanyang lakas.
“Please…” mahina niyang bulong, ngunit tila hindi iyon narinig ni Nathan.
Matalim ang tingin nito habang pinagmamasdan siya.
Punong-puno ng galit ang mga mata nito na para bang kasalanan niya ang lahat ng nangyari noon.
Isang taon na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidenteng sumira sa lahat.
Hanggang ngayon, hindi pa rin siya pinaniniwalaan ni Nathan kahit ilang beses niyang sabihin na wala siyang kasalanan.
Ngunit hindi siya sumusuko.
Umaasa pa rin siya na balang araw ay makikita rin nito ang katotohanan.
“Ugh!”
Napadaing siya nang marahas siyang itinulak ni Nathan.
Muling tumama and kanyang likod sa pader.
Yumuko si Yzabella habang pilit pinipigilan ang paghikbi.
Makalipas ang ilang segundo, narinig niya ang mabibigat at papalayong mga yabag.
Alam niyang umalis na si Nathan.
Iniwan na naman siya nito mag-isa.
Tahimik na bumagsak ang kanyang mga luha habang nakasandal sa dingding.
Wala siyang maramdamang galit para rito—tanging sakit lamang at walang katapusang pag-asa.
Maya-maya ay pilit siyang tumayo upang ayusin ang sarili.
Nanginginig pa ang kanyang mga kamay habang pinupunasan ang luha sa kanyang mukha.
Sa kabila ng lahat ng kalupitang ginagawa sa kanya ni Nathan, mahal pa rin niya ito.
At marahil iyon ang pinakamalaking kahinaan niya.
Ang mahalin ito sa kabila ng lahat ng sakit na ipinaparamdam sa kanya.
Kung maaari lamang matulog habang-buhay para takasan ang lahat ng sakit, baka ginawa na niya.
Ngunit alam niyang hindi ganoon kadali ang buhay.
Kahit gaano kalupit ang tadhanang dumating sa kanya, pilit pa rin niyang inuunawa kung bakit niya kailangang pagdaanan iyon. Naniniwala siyang may dahilan ang lahat.
Baka hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman niya kung bakit.
Pero handa siyang maghintay.
Umaasa pa rin siya na balang araw ay mapapatawad siya ni Nathan.
At kapag dumating ang araw na iyon, sana maramdaman din niya ang pagmamahal nito—kahit kaunti lamang.
“HEY, WHAT’S UP, DUDE?”
Nathan looked up from the papers on his desk and saw JM standing in front of him with his usual playful grin.
Nasa opisina siya ngayon. Pagkaalis niya sa bahay ay agad siyang dumiretso roon. Mas gusto niyang ilubog ang sarili sa trabaho kaysa manatili sa lugar kung saan lagi siyang inuusig ng sarili niyang alaala.
“Keeping myself busy,” malamig niyang sagot habang itinataas ang hawak na dokumento.
“What brought you here?”
“Tsk. I needed a break,” sagot ni JM habang diretsong umupo sa sofa na tila pagod na pagod.
Nathan smirked faintly. “Since when did you start taking breaks? Akala ko ba workaholic ka?”
“Just for today,” natatawang sagot nito. “Kailangan ko ring alagaan ang sarili ko.”
Binato niya ito ng kinusot na papel.
“John Michael Dior planning to settle down? Sounds impossible.”
Tumawa si JM habang umiiling.
“You really like insulting me, huh?”
Nathan only shook his head. Sanay na siya sa kalokohan ng kaibigan.
They had been best friends since high school. Kilala si JM bilang charming at lapitin ng babae noon pa man.
At hanggang ngayon ay ganoon pa rin.
“Anyway,” biglang seryosong saad ni JM, “how’s your wife?”
Agad na nagbago ang ekspresyon ni Nathan.
“Don’t start.”
“Dude, I’m serious.” Bahagyang umayos ng upo si JM. “Hanggang kailan mo siya paparusahan?”
Naging malamig ang tingin ni Nathan habang iniikot ang hawak na ballpen.
“You don’t understand.”
“Then make me understand.”
Humugot siya ng malalim na hininga bago tumayo at lumapit sa bintana ng kanyang opisina.
“Every time I look at her,” mahinang saad niya, “I remember everything.”
Nanahimik si JM.
Alam nito ang buong kwento. Ito lamang ang taong nakakaalam kung gaano kalalim ang galit na kinikimkim niya laban kay Yzabella.
Ngunit kahit ganoon, alam din nitong may parte ng puso ni Nathan na nahihirapan sa lahat ng ginagawa niya.
“Maybe it’s time to let go,” mahinang sabi ni JM.
Nathan clenched his jaw.
“I can’t.”
Bago pa muling makapagsalita si JM ay bumukas ang pinto ng opisina.
A sophisticated-looking woman entered confidently while wearing a fitted dress and a bright smile.
Nathan instantly frowned.
Another headache.
“What are you doing here, Carla?” malamig niyang tanong.
The woman pouted slightly before walking closer to him.
“That’s not the way to greet someone who missed you.”
Bago pa siya makaiwas, mabilis siyang hinalikan nito sa pisngi.
Napailing si Nathan habang agad itong inilayo sa kanya.
“Carla.”
“What?” natatawa nitong sagot. “I just missed you.”
Sa gilid ay mahina namang natawa si JM habang pinapanood sila.
“Wow,” biro nito. “Mukhang bad timing yata ako.”
Napalingon si Carla kay JM saka ngumiti.
“Oh, hello there. Hindi kita napansin kanina.”
“Obviously,” natatawang sagot nito. “Your attention was somewhere else.”
Nathan sighed heavily and rubbed his temple.
“Can you two stop?”
Tumayo si JM habang nakangisi.
“Alright, alright. I’ll leave before these turns into a drama series.”
“Please do,” iritableng sagot ni Nathan.
Humalakhak si JM habang naglalakad papunta sa pinto.
“Try to relax sometimes, dude. Baka tumanda kang galit lagi.”
“Get out.”
“Okay, okay.” Napailing ito habang binubuksan ang pinto. “See you around.”
Pagkalabas nito ay muling natahimik ang opisina.
Carla crossed her arms while looking at Nathan carefully.
“You’ve been stressed lately,” she commented softly.
“I’m fine.”
“You always say that.”
Hindi sumagot si Nathan. Tumalikod lamang siya at muling umupo sa kanyang swivel chair.
Carla slowly approached him before placing a hand on his shoulder.
“You know,” malambing nitong saad, “you don’t always have to carry everything alone.”
Bahagyang napapikit si Nathan.
Kung alam lamang nito kung gaano kabigat ang dinadala niya.
Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang dalhin ang galit na matagal na niyang kinakapitan.
Dahil sa kabila ng lahat, may bahagi pa rin ng puso niya na nagsasabing nasasaktan din siya sa bawat luhang pumapatak mula sa mga mata ni Yzabella.
He sighed.