UNSPOKEN -2

1979 Words
Ang biglang pagbuhos ng ulan ay nagdulot ng kaguluhan sa marangyang garden party. Ang mga waiters ay mabilis na nag-asikaso sa mga baso at pagkain, habang ang mga elite na bisita ay nagmamadaling pumasok sa malawak na sala ng mansyon ng mga Reyes. ‎Sa gitna ng siksikan at tawanan ng mga taong umiiwas mabasa, nagkaiba ang landas nina Ana at ng pamilya Reyes. Sinamantala ni Ana ang pagkakataon para lumayo sa main table. Humakbang siya patungo sa isang mas tahimik na pasilyo sa gilid ng mansyon, malayo sa ingay ng marami. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa tindi ng tensyong idinulot ng mga patama ni Catherine. ‎Huminto si Ana sa tapat ng isang glass door na nakaharap sa gilid ng pool area. Malamig ang hangin na pumapasok mula sa bahagyang nakabukas na pinto. Hinawakan niya ang kanyang braso, pilit na pinapakalma ang sarili. ‎"Hindi ko dapat tinanggap ang account na ito," bulong niya sa sarili, habang pinapanood ang mga patak ng ulan na lumilikha ng mga ripples sa tubig ng pool. ‎"Pero tinanggap mo, Ana." ‎Isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa kanyang likuran. Hindi na kailangang lumingon ni Ana para malaman kung sino ito. Ang t***k ng puso niya, na tila nagwawala, ang unang nagsumbong sa kanya. ‎Si Jonas. ‎Lumingon si Ana at nakita ang arkitekto na nakatayo ilang dipa lang ang layo sa kanya. Inalis na nito ang kanyang tuxedo jacket, at ang dalawang butones sa itaas ng kanyang puting polo ay nakabukas na, na nagpapakita ng kaunting kapaguran. ‎"Jonas, huwag dito. Baka may makakita sa atin," babala ni Ana, habang pinalalakas ang kanyang boses para magmukhang matatag. ‎"Wala akong pakialam, Ana!" Hakbang ni Jonas, papalapit sa kanya. "Gusto kong malaman ang katotohanan. Bakit ngayon ka lang bumalik? At bakit kay Catherine mo pa kailangang makipagnegosasyon? Alam mo ba kung gaano kahirap para sa akin ang makita kang ganyan... na parang estranghero ang tingin mo sa akin?" ‎"Dahil estranghero na tayo, Jonas," malamig na sagot ni Ana, kahit sa loob niya ay parang may sinasaksak na patalim. "Limang taon na ang nakalipas. Ang Jonas na kilala ko noon ay wala na. Ang nakaharap ko ngayon ay si Mr. Jonas Castro—ang asawa ng kliyente ko." ‎"Kasal ako sa kanya, oo! Pero alam mo kung bakit!" May galit at sakit sa boses ni Jonas. Hawak niya ang braso ni Ana, marahan ngunit may diin. "Kinuha ng pamilya niya ang kumpanya ng Papa ko noong malapit na kaming ma-bankrupt. Iyon lang ang tanging paraan para hindi makulong ang ama ko! Sinakripisyo ko ang lahat, Ana... kabilang ang pag-ibig natin. Pero ikaw? Umalis ka nang walang pasabi. Hinanap kita sa Cebu, sa Maynila, kahit saan... pero nagtago ka." ‎Nangilid ang luha sa mga mata ni Ana, ngunit pinilit niyang huwag itong patuluin. "Nagtago ako dahil 'yun ang tama, Jonas. Ano ang gusto mong gawin ko? Manatili rito at panoorin kang ihatid sa altar kasama ang ibang babae? Maging kalaguyo mo habang binuubuo mo ang pamilyang ito? Hindi ganoon ang pagkatao ko." ‎"Hindi kita gagawing kalaguyo, Ana—" ‎"Pero 'yun ang mangyayari!" Pagtapos ni Ana sa sasabihin nito. Inalis niya ang kamay ni Jonas sa kanyang braso. "Tingnan mo ang sarili mo ngayon. Mayaman ka na, sikat na arkitekto, at asawa ng isang Reyes. Huwag mo nang sirain kung ano ang mayroon ka ngayon. Para sa trabaho lang ang pagbabalik ko. Pagkatapos ng launching ng proyekto, aalis din ako." ‎Hindi nakapagsalita si Jonas. Ang mga mata niya ay puno ng pagsisisi at pangungulila. Sa loob ng limang taon, ngayon lang niya muling naramdaman ang buhay sa kanyang puso, ngunit ito rin pala ang magdadala ng higit na sakit. ‎Samantala, sa loob ng malaking sala, abala si Catherine sa pakikipag-usap sa mga investors. Ngunit kahit nakangiti siya at tumatango sa mga kausap, ang kanyang mga mata ay pabalik-balik sa pinto ng pasilyo. ‎Napansin niya ang pagkawala ni Jonas ilang minuto na ang nakalipas. At ang mas nakakapagduda—wala rin si Ana Miranda sa loob ng silid. ‎"Ate Catherine," tawag ni Celine habang may hawak na baso ng juice. "Nakita mo ba si Kuya Jonas? May ipapakilala sana akong designer friend sa kanya." ‎Tumingin si Catherine sa kanyang kapatid, bago muling ibinaling ang paningin sa madilim na bahagi ng pasilyo. "Hindi ko alam, Celine. Baka may pinuntahang mahalagang tawag. Bakit hindi mo siya hanapin sa gilid ng veranda o sa may pool?" ‎"Sige, Ate. Tingnan ko roon," masayang sagot ni Celine at nagsimulang maglakad patungo sa direksyon kung nasaan sina Ana at Jonas. ‎Isang malamig na ngiti ang sumilay sa labi ni Catherine. Alam niya. May kutob siya na may mas malalim na koneksyon ang asawa niya at ang magandang marketing director mula sa Cebu. At kung gagamitin niya si Celine para mahuli ang dalawa, mas magiging madali ang lahat nang hindi niya narurumiha ang kanyang sariling mga kamay. ‎Sumunod nang dahan-dahan si Catherine, ilang metro ang layo sa likod ni Celine. ‎Sa may glass door, nararamdaman nina Ana at Jonas ang bigat ng katahimikan. ‎"Umalis ka na, Jonas," pakiusap ni Ana. "Baka may makakita sa atin dito." ‎"Sana hindi mo na lang tinanggap ang project na ito, Ana. Mas mahihirapan lang tayo pareho," bulong ni Jonas habang nakatitig sa mukha ng babaeng minsan niyang pinangakuan ng habambuhay. ‎"Kailangan ko ito para sa kumpanya ko, Jonas. At kaya ko ang sarili ko," matapang na tugon ni Ana. ‎Paalis na sana si Ana nang biglang marinig nila ang tunog ng mga takong na naglalakad patungo sa kanilang direksyon. Kasunod nito ang boses ni Celine. ‎"Kuya Jonas? Nandiyan ka ba?" ‎Nagkatitigan sina Ana at Jonas. Kung makikita sila ni Celine na magkasama sa madilim at pribadong bahagi ng mansyon, tiyak na lilikha ito ng malaking iskandalo at hinala. ‎Mabilis na hinila ni Jonas si Ana patungo sa likod ng isang malaking indoor plant at makapal na kurtina ng dulo ng pasilyo, kung saan hindi sila agad makikita mula sa pangunahing daanan. Ang kanilang mga katawan ay magkadikit, sapat na para maramdaman ni Ana ang mabilis na t***k ng dibdib ni Jonas. Ang bawat paghinga nila ay tila nagpapakita ng panganib ng kanilang sitwasyon. ‎Pumasok si Celine sa pasilyo, hawak ang kanyang cellphone. "Wala naman dito..." bulong nito sa sarili habang nakatingin sa labas ng pool area. ‎Ngunit bago pa man makaalis si Celine, pumasok na rin si Catherine sa eksena. ‎"Celine, nahanap mo ba ang Kuya Jonas mo?" tanong ni Catherine, ang kanyang boses ay umaalingawngaw sa tahimik na pasilyo. ‎"Wala rito, Ate. Baka nasa taas, sa study room niya," sagot ni Celine. ‎Naglakad si Catherine papalapit sa tapat ng kurtina kung nasaan sina Ana at Jonas. Huminto siya, pinalubog ang kanyang tingin sa sahig. May nakita siyang isang bagay na kumikinang sa ilalim ng kaunting liwanag. ‎Isang hikaw. Isang silver earring na may maliit na dyamante—ang eksaktong hikaw na suot ni Ana Miranda kanina sa hapunan. ‎Dahan-dahang yumuko si Catherine at pinulot ang hikaw. Isang matalim at mapanganib na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. Tumingin siya sa makapal na kurtina, alam na alam kung sino ang nagtatago sa likod nito. ‎inikot ni Catherine ang hikaw sa pagitan ng kanyang mga daliri. Alam niya ang bawat anggulo ng larong ito, at alam niyang mas makapangyarihan ang alas kung itatago muna ito sa tamang panahon. "Ate? May nahanap ka ba?" tanong ni Celine nang mapansin ang paghinto ng kapatid. Mabilis na isinara ni Catherine ang kanyang palad at isinilid ang hikaw sa bulsa ng kanyang gown. Humarap siya kay Celine na tila walang nangyari. "Wala, Celine. May napansin lang akong dumi sa sahig. Halika na, bumalik na tayo sa loob. Baka nandoon na sa study room ang Kuya Jonas mo, dinala siguro ang ilang kliyente." "Sige, Ate," sagot ni Celine, sabay talikod patungo sa main hall.Bago sumunod si Catherine, lumingon muli siya sa direksyon ng kurtina. "Ms. Miranda... mag-ingat ka sa mga gamit mo. Baka sa susunod, hindi lang hikaw ang mawala sa'yo," bulong niya sa hangin bago tuluyang naglakad paalis, ang tunog ng kanyang takong ay dahan-dahang nawala sa ingay ng handaan. Sa likod ng kurtina, halos hindi makahinga si Ana. Nang matiyak nilang wala na ang magkapatid, mabilis siyang lumayo kay Jonas. Ang kanyang dibdib ay mabilis ang pagbaba at pag-taas dahil sa takot at sa labis na lapit ng kanilang mga katawan kanina. Hinawakan niya ang kanyang kanang tainga. Wala na nga ang kanyang hikaw. "Nakuha niya," pabulong na sabi ni Ana, ang boses ay puno ng pangamba. "Alam niya, Jonas. Alam ni Catherine." "Ako ang bahala kay Catherine, Ana," mariing sabi ni Jonas, bagamat bakas din ang tensyon sa kanyang mukha. "Hindi niya pwedeng galawin ang kontrata mo sa Reyes Holdings nang walang sapat na dahilan na aprubado ng board at ng Papa niya." "Hindi mo kilala ang asawa mo, Jonas! O baka naman nakalimutan mo na kung anong klaseng pamilya ang pinasukan mo?" Tumingin si Ana sa kanya, may luha na sa wakas ay pumatak mula sa kanyang mga mata. "Gagamitin niya ito para dahan-dahang sirain ang buhay ko. At ang mas masakit, baka madamay pa ang ahensya ko. Inabot ni Jonas ang kamay ni Ana para hilingin ang kapatawaran, ngunit humakbang paatras si Ana. "Huwag mo na akong lalapitan muli, Jonas. Mula sa gabing ito, ang komunikasyon natin ay dadaan lang sa mga email at sa harap ng buong marketing team. Kung gusto mo akong protektahan, lumayo ka sa akin." Hindi na hinintay ni Ana ang sagot ni Jonas. Mabilis siyang lumabas mula sa pasilyo, dumaan sa gilid ng pool area kahit umuulan, at tuloy-tuloy na lumabas ng subdivision nang hindi na nagpapaalam sa kahit kanino. Ang ulan na tumatama sa kanyang mukha ay sumabay sa mga luhang matagal na niyang ipinagkait sa kanyang sarili. Kinaumagahan, pumasok si Ana sa kanyang opisina na may malalalim na itim sa ilalim ng mga mata. Nagulat si Sarah nang makita ang kanyang boss na tila hindi natulog nang buong magdamag."Ms. Ana, okay ka lang po ba? Sabi ng team na naunang umuwi kagabi, bigla ka raw nawala sa party?" pag-aalalang tanong ng assistant. "Ayos lang ako, Sarah. Marami lang akong inisip para sa pinal na execution ng project," pagsisinungaling ni Ana habang nagtitimpla ng kape. "May mga scheduled meetings ba tayo ngayon?" "Wala naman po sa umaga, pero..." Nag-atubili si Sarah, tila may gustong sabihin na hindi sigurado. "Pero ano?" "May nagpadala po ng package para sa inyo kanilang alas-otso ng umaga. Isang maliit na kahon. Walang pangalan ng nagpadala, pero nakasulat po 'Urgent at Confidential' para sa inyo." Napatigil si Ana. "Nasaan ang kahon? "Inilagay ko po sa ibabaw ng desk niyo." Mabilis na pumasok si Ana sa kanyang pribadong opisina at isinara ang pinto. Sa ibabaw ng kanyang lamesang gawa sa salamin, isang maliit na itim na kahon na nakatali ng pulang ribbon ang naghihintay. Nanginginig ang mga kamay ni Ana habang tinatanggal ang ribbon. Nang buksan niya ang takip, tumambad sa kanya ang dalawang bagay: ang kanyang silver earring na nawala kagabi, at isang lumang polaroid picture. Nanlamig ang buong katawan ni Ana nang makita ang litrato. Iyon ang litrato nila ni Jonas noong college—magkayakap sila sa ilalim ng isang puno sa UP sunken garden, nakangiti, at sa likod ng litrato ay may nakasulat na dedikasyon sa panulat ni Jonas: "To my one and only Ana, no secrets, no lies. Habambuhay." Sa tabi ng litrato ay may isang maliit na piraso ng papel na may maikling mensahe, nakasulat sa mamahaling stationery ng mga Reyes: Ang mga bagay na unspoken ay hindi ibig sabihin ay nakabaon na. See you at the 2:00 PM boardroom meeting, Ms. Miranda. Let's talk about 'history
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD