unang araw sa university

1646 Words
Unang araw ko sa university. Dylan, puro English sila diba? kaya ko kayang sumagot sa mga katanungan nila? “Ayan ang napapala mo Fatty, ayaw mo kasi na nagsasalita ako ng english. Tinatakasan mo pa English ko, minsan bini-bisaya mo pa ako. Ngayon mo takasan ang mga professor mo Fatty hahaha.” Siraulo ka ikaw ang may kasalanan nito. Hindi mo naman ako inabisuhan na pag-aaralin mo ako sa kolehiyo. “Kaya mo yan Fatty, daganan mo lang ang mga salita nila,” pambubuska pa niya. “Hindi ka magiging valedictorian kung hindi ka magaling sumagot. Magtiwala ka lang sa sarili mo. Patunayan mong kaya mong umangat at makipagsabayan sa mga taga maynila,”payo pa niya. Gandang lalaki ang motivation natin ngayon ah. Salamat sa lahat ng tulong mo. Kapag yumaman na ako ikaw ang kasosyo ko. “Magbayad ka muna ng utang bago mo ako gawing kasosyo mo,” sabi niya. Ikaltas mo nalang sa negosyo natin. “Tanga wala pa tayong negosyo kaltas na inaatupag mo," sabi pa niya. Tanga ka rin sinabi ko bang umpisahan mo ng mangaltas ngayon? “Bumaba kana ng kotse at pumasok sa eskwelahan mo. Panay lang bantayan natin dahil hindi ako mananalo sa'yo," pagsuko niya. Di mo ba ako ihahatid sa loob? Di ko pa kabisado ang pasikot-sikot ng buong paaralan. “Lakas nga ng loob mong sumakay ng barko papunta dito sa maynila. Sa campus ng UP natatakot ka?" Uy masama loob ko noon kayo naglakas loob akong tumakas. Kapag galit tayo ba, matik na kaya natin lusubin ang unos. Katulad mo noong masama ang loob mo Kaya mong talunin ang---- “Hip hip hip tama na fatty, huwag mo ng ipaalala pa. Sige ihahatid na kita sa loob,”pag sang-ayon niya. Naglalakad na kaming dalawa ni Dylan at ang mga estudyante ay sa amin ang attention dahil ang kasama ko ay panginoon daw ng Olympus. Ganito kasi ang sigaw ng mga kinilig ang giti “o my God he is so handsome and o my goodness he is a God from Olympus ”. Nabuang na, saan kaya banda sa Pilipinas ang Olympus na sinasabi nila...anas ng isip ko. “Fatty hold me!” Ngeee wala namang baha bakit kailangan pa kitang hawakan. Chantsing ka dong di maganda ang HHWW sa publiko. PDA masyado yan, lulugwa mga mata ng mga marites. “Pinagsasabi mo?” Ay gurang ka pala waley alam sa acronyms hahaha. “Huwag mo akong inisin kung ayaw mong iwanan kita dito,” pananakot pa nya. Bisaya tinatakot mo? Huwag ako uy baka kulamin pa kita. “Kinulam mo na yata ako eh, dahil masaya ako kapag kasama ka,” bulong niyang sabi. Hoy anong sabi mo? “Ang alin? Wala naman akong sinabi ah, sabi ko lang naman bilisan mo dahil late na ako sa office ko," sabi niya. May sinabi ka eh, masaya yung binanggit mo. “Tanga, sabi ko magsaya ka sa unang araw mo dito.” Pinakilala niya ako sa head ng eskwelahan. Nawala ang kaba ko dahil mga friendly naman sila. “Good luck Fat, text mo ako kapag uwian na. Hindi mo pa kabisado ang daan pauwi kaya susunduin kita mamaya," pagpapaalala niya. Tumango nalang ako bilang pag sang-ayon. Sinamahan ako ng isang professor papunta sa room namin. Ipinakilala niya ako. Yung mga kaklase ko ay talagang masama ang templa ng hitsura nila dahil sa katabaan ko. “Ma'am kasya ba yan sa upuan? Kailangan nyo na po yatang nag-order ng extra size para makaupo si Ananya right?” nagsitawanan pa ang iba. “ Quiet guys! And let me remind you that the didn't tolerate bullies. You're here to learn and fulfil your dreams. Your not here to bully your classmates or school mates. Understood? Hindi na umimik ang mga kaklase ko, napahiya yata. Pero ng umalis ang professor namin nag-uumpisa na naman sila sa kanilang pag-iingay. “Oiinnkk, oinnkk anong klaseng feeds ba ang kinain mo?" tanong ng isang lalaki. “Naku bro si Yobab walang pili sa pagkain yan,” sabi nung isa. “Yuck napaka laki siguro ng bituka niya. Kapag ganyan na ang katawan ko pagpapakamatay na talaga ako,” sabi ng isang babae at sabay silang nagtatawanan. “Ano bang problema ninyo sa katawan niya? Piniperwisyo ba niya kayo? Kayo ba ang nagprovide sa kanya ng kanyang pagkain? Mahiya naman kayo sa mga sarili ninyo. Naturingan kayong UP students pero wala naman palang laman iyang mga kukuti ninyo. Kung makapanlait kayo ng kapwa daig nyo ba ang asong kahul ng kahol. Kung kina-iinggitan ninyo ang pagiging mataba niya. Subukan niyo ring kumain ng feeds ng baboy para tumaba rin ang mga katawan ninyo at magkalaman ang utak ninyo,”sabi ng isang babae. “Sigurado ka bang may laman ang utak niyang dinidepensahan mo? Baka puro taba lang ang laman niyan hindi utak,” sagot naman nung isang hambog na lalaki. “Hindi nyo ba narinig ang sinabi ni Professor Torres na isa siya sa qualified scholar ng school natin? Kayo ba nung nag graduate kayo sa school ninyo nagkaroon ba kayo ng award? CPA pa talaga ang kursong kinuha ninyo. Alam ba ng lahat kung ano ang ibig sabihin ng CPA? Certified Public Accountant yun,” pinagdiinan pa ng babae. “Eh kayo ang CPA sa inyo ay nagrepresenta ng Certified Polluted Attitude,” malakas na sabi ng babae. Biglang tumayo ang isang mayabang na lalaki. “Sumusobra kanang babae ka ah, kung umasta akala mo kung sino,” galit na sabi niya. Nang bigla niyang sampalin ang babaeng nagtatanggol sa akin ay agad kong hinila ang uniform niya. Pabalibag ko siyang hinila ng malakas na ikinasinghap ng lahat. Tumili naman ang maarteng babae kanina. Tumayo din ang isa pang aliporis ni mayabang. “Sige sulay ug duol naku, para mapis-an kag itlog,” nagulat ako ng biglang humalakhak ang aking katabi. “Ano gusto ninyong madaganan at tuluyang mamaalam sa mundo? Huwag kasing husgahan ang isang tao kung hindi nyo pa ito kilala. Hindi na ninyo na encounter ang “Dont judge the book by its cover,” sabi ng babae na may pilyang ngiti sa labi. Sobrang galit ang hitsura ni mayabang dahil natanggal ang mga botones ng uniform niya. Huwag kasing galitin ang nanahimik. “Hi, anong pangalan mo Fatty girl?” “Fatty” Uy seriously ano nga ulit name mo? Nakatulog kasi ako nung nagpakilala ka, I'm Nisa Savier from Cotabato,” sabi niya. I'm Ananya Coguit Joring galing akong Ozamiz Occidental. “Huwag kang magpapatalo sa mga ungas na yan. Yabang lang ang meron ang mga yan. Hintayin mong mag-exam cheque ilalabas ng mga iyan para lang pakapasa. Baka ma guidance tayo sa ginagawa natin. “Ananya, hindi bulag ang UP Diliman,” turo niya sa CCTV. Bago palang kaming nagkakilala nagkapalagayan na kami ng loob. Masaya ako dahil may bago na akong nakilalang kaibigan. May isa pa daw kaming subject bago ang uwian. Kaya kumain muna kami ni Nisa sa canteen. Habang kumakain ay nagkukwentuhan. Nagulat nalang ako ng may likidong dumaloy sa aking leeg. Binuhusan lang naman ako ng juice ng mayabang na lalaki. “Scott Gonzalez, nasa talampakan na ba ang kukuti mo? Anak ka ba kamo ng congressman? Kawawa ka naman pala, inaalagaan ng mga magulang mo ang distrito na kanilang nasasakupan. Pero ang disiplinahin at alagaan ang kanilang anak ay hindi nagampanan. “Huwag mong insultuhin ang mga magulang ko b*tch,” pasigaw niyang sabi. Kung ayaw mong mainsulto sila umayos ka. Ikaw mismo ang nagpapahamak sa reputasyon ng iyong mga magulang kaya huwag kang umastang biktima. Mapapalampas ko pa ngayon ang pagbuhos mo ng juice sa aking ulo. Pero bukas na bukas din asahan mong may regalo kang matatanggap. Babaunin ko ang Tae ng alaga kong si Meggy at ipapakain ko sa'yo. “Oh my God what a small world because the Fatty Almighty is her in our campus,” maarteng sabi ng babae. Ito ang babaeng kumakaringking dahil nagkagusto kay Dylan. Natawa ako ng maalala ang kanyang hitsura doon sa golf club na pinuntahan namin. Nilapitan nila si Dylan pero hindi sila kinakausap. Pakinding-kinding pa itong naglalakad na animoy patung nalipasan ng tubig. Nalipasan? Tama ba yung sinabi ko? “Why are you here? Sinong nagpaaral sa'yo? Ginayuma mo siguro ang billionaire tycoon ng Norton Real State Companies ano?” pagbibintang niya sa akin. “Sana all may gayuma,” pang-aasar ko sa kanya. Gusto mo mamayang gabi 12am kulamin kita. Magaling akong mangulam dahil tubong Mindanao ako. Nakita kong napalunok ang babae at medyo namutla. O ano natakot ka? Isa pang panlalait mo makikita mo ang hinahanap mo. Kaya kong palubuhin iyang tiyan mo at--- BOOM kaya kung pasabugin. Kasama ang dalawa niyang kaibigan nagmamadali silang lumabas ng canteen. “Hoy saan kayo pupunta? Good luck sa inyo mamayang gabi,” pang-aasar pa ni Nisa. Kulam lang pala ang kinatatakutan pinapahirapan pa ako. Ang lagkit ng buhok at sa may bandang likuran ko. Tinapos ko muna ang klase bago nagpasiyang tawagan si Dylan. Pero ang buang nasa labas ng gate na daw naghihintay. Hindi naman yata pumasok sa trabaho eh. Nisa uwian na sabay na tayong lalabas, nasa labas na daw kasi si Dylan. “Sino ba ang Dylan na yan Ananya?" tanong niya. “Amo ko,”walang pag-aatubili kong sagot. “Ang bait naman niya sinusundo kapa," komento niya. Hindi ko pa kasi kabisado ang routa ng daan. Sa pasilyong dinadaanan namin samo't saring mapanghusgang mata ang aming nadadaan. “Kahit saan talaga ang daming CCTV. Mga marites ngayon hitsura nila para ng CCTV upgrades sa mga updates,”sabi ni Nisa. Salamat sa pagligtas kanina huh at mag-iingat ka dahil alam nating mahirap kalabanin ang mga mayayabang. Paano mauuna na ako. “Dont worry kapag nakita ko sila tatakbuhan ko. Mag-iingat rin kayo sa byahe,”sagot niya. “Okay bye!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD