“How's your day baby Fatty?” bungad ni Dylan.
May masamang ispiriti itong kotse mo Dylantot. Baby Fatty ka dyan, kailan ka nakakita ng baby na triple ang size kaysa sa'yo? Huwag mo akong asarin dahil hindi maganda ang araw ko. Maraming bully binuhusan pa ako ng juice.
“What? Hindi ka ba nagsumbong sa professor mo?” tanong niya.
Anong magagawa ng professor namin mga salbahe iyong kaklase namin. Pero alam mo ba kung ano ang sabi nung naging kaibigan ko kanina.
“Nakakahiya kayo CPA pa talaga ang kursong kinuha ninyo. Alam ba ng lahat kung ano ang ibig sabihin ng CPA? Certified Public Accountant yun. Pero kayo ang CPA ay nagrepresenta ng Certified Polluted Attitude,” panggagaya ko pa. Humahalakhak pa si Dylan sa kwento ko. Ayon nagalit ang mayabang na lalaki kong kaklase. Sasapakin sana niya si Nisa, hinila ko damit niya at binalibag. Tanggal mga botones kaya nagalit, at sa canteen niya ako pinuntirya binuhusan ng juice.
Yung babaeng may gusto sa'yo sa golf club dito din pala nag-aaral. Pinag-iinitan niya ako dahil ginayuma daw kita. Kaya sabi ko sa kanya kukulamin ko siya. Hayon natakot kaya nagmamadaling umalis sa harapan namin.
Hoy grabeh ka naman kung makakinig ng kwento daig mo pa mga marites tutok na tutok eh. Nakatitig lang pala sa akin si Dylan. Na animoy aliw na aliw sa pagkukwento ko... giatay. Nakakailang eh, lumalakas ang t***k ning akong kasing-kasing. Uwi na tayo uy, na miss ko na si Meggy baby ko.
“Ako ba hindi mo na miss?” tanong niya na ikinalingon ko.
Hindi! Hindi ka kasi kasing cute ni Meggy para ma miss ko.
“Ang sama talaga ng ugali mo Fatty. Ako itong nag-aalaga sa'yo tapos hindi mo ako nami-miss. Binilhan pa naman kita ng ice cream,” nagtatampo niyang sabi habang nagmamaneho.
Talaga? Uy joke lang dong, ito naman hindi na mabiro. I miss you Dylantot. Kinuha ko kaagad ang ice cream sa may likuran. Ang sarap talaga ng chocolate ice cream. Subo ako ng subo at hindi na ako nagyayang kumain.
“Plastik ka talaga at wala ka talagang konsyensya Fatty, ako ang bumili niyan tapos ikaw lang ang kakain dyan. Subuan mo ako,” utos niya sa akin.
Hala mahilig ka rin sa ice cream? Bakit isa lang ang kutsara?
“Bakit kailangan ng dalawa susubuan mo lang naman ako,” sabi niya.
Di pwedi yun ang sagwa, may virus ako Dylantot.
Arayyyy bakit ka ba pumupreno ng walang abiso? Buti nalang marami akong SpongeBob sa katawan ko kaya safe ang buto ko giatay ka.
“Akin na yang ice cream, ako bumili niyan eh,”walang habas na sinubo ang kutsara ng ice cream.
“Say ah dali,” susubuan pa ako.
Ayoko nga puno ng laway mo iyang kutsara eh.
“Ayaw mo o hahalikan kita right here, right now,” natulale ako sa sinabi niya.
Jusko po parang himatayin na ako sa kakiligan. Ang suwail kong bibig bumuka naman para kainin ang ice cream na isinubo niya. Naka tatlong kutsara pa ako,buwesit na gurang pa fall.
“Oh ayan hawakan mo dahil magmamaneho pa ako ng kotse. Baka naman pwedi mo na akong subuan ngayon,” sabi pa niya habang muling pinapaandar ang sasakyan.
Wala na akong nagagawa kundi ang subuan ang gurang na pabebe.
Hindi ka ba nahihiya Dylan na umaktong parang bata? Gurang kana eh tapos naging isip bata ka. Paano ka makapag-asawa niyan.
“After my trauma hindi ko na iniisip na mag-asawa. Kontento na ako na kasama kita Fatty. Saka ko nalang iisipin ang pag-aasawa kapag tapos kana sa pag-aaral mo. Pagka-graduate mo ibebenta kita sa intsik,"natatawa niyang sabi. Kaya sinamaan ko siya ng tingin, kagwang jud. Sa inis ko kain lang ako ng kain ng ice cream. Manigas ka dyan gurang ka.
“Hoy mauubos mo na yan, di mo na ako binibigyan," reklamo pa niya. Ako naman na masagana sa kargo de konsyensya sinusubuan ko siya. Di pa kami nakarating sa bahay naubos na namin ang ice cream. Nakalimutan kong tirahan ng kunti si Meggy.
“Oh bakit malungkot ka dyan? Nakulangan ka ba sa ice cream? May ice cream ako gusto mo?” natatawa niyang sabi. May binili ka pa para kay Meggy?
“Oh nalungkot ka pala dahil walang pasalubong si Meggy. Nevermind ibang ice cream ang sinabi ko Fatty lumaki ka muna,” seryoso niyang sabi pero di ko na gets.
Huwag mo nang ipagdasal na mas lumaki pa ako. Baka hindi na ako kasya sa bahay mo.
“Problema ba yun? Pagagawaan kita ng room sa labas ng bahay. Yung puro bubong at dingding tapos malaki ang pintuan,”
Pinapahaba mo pa ang kwento kagwanga ka. Bakit di mo direktang sabihin na sa garahe ng kotse mo ako patutulogin? Nagsasayang kapa ng laway kaka-explain available naman ang garahe mo.
“Hahaha sinusubukan ko lang kung may laman ba ang utak mo Fatty. Ang talino mo kaya love kita eh,”biglang sabi niya habang tawa ng tawa. Nagulat akong napatingin sa kanya.
“Oh anyare sa'yo? Love na love naman talaga kitang asarin eh. Di kompleto ang araw ko kapag hindi kita binubwesit,”sabi niya.
“Giatay naging assuming na ako.”anas ng isip ko.
Pagkapasok ko ng bahay sumalubong agad si Meggy. Kumusta si Meggy dito sa bahay ni gurang? “Meow, meow,meow,”sagot ng pusa ko. Oh mingaw, mingaw, mingaw pala. Bakit di ka nagpatugtog ng radio para sumaya ka naman.
“Fatty, tatawagan ko na ba ang 911?”
“Bakit?”
“Para ipadala ka sa mental hospital sa mandaluyong,” sagot niya.
Kung tawagan ko rin kaya ang 163.
“Bakit?”
Para pabantayan ka! Bagay ka sa bantay bata 163 Dylantot hahaha.
“Ah ganun, teka humanda ka sa akin Fatty Almighty Ananya,” mabilis siyang naglakad papunta sa gawi ko. Kaya patakbo akong pumunta sa aking silid. At dahil sa malusog kong katawan naaabutan niya kaagad ako.
“Hoy buwesit ka huwag mo akong k-kilitiin baka m-malagutan ako ng h-hininga gurang ka. Hoy nasasaktan si Meggy Dylan. Napaupo na ako sa sahig sa kakakiliti niya.
“Tinatawag mo akong isip bata, mas magaling na akong gumawa ng bata,” sabi niya. Okay suko na ako sorry, hindi kana isip bata. Isip gurang kana. Nagpupumiglas ako at nagkamali pa ako ng galaw dahil nakadagan siya sa akin tumama ang labi niya sa labi ko.
Ang unang halik ko sa gwapong gurang napunta. Hala di ako nakagalaw daig ko pa ang natuklaw ng ahas.
“S-sorry Fatty, tumayo kana dyan at magpalit ng damit,” sabi niya sabay bangon at umalis.
Saka lang din ako natauhan ng dilaan ni Meggy ang mukha ko. Akala siguro niya hinimatay ako. “Pasalamat ka Ananya hindi inihian ni Meggy ang mukha mo,” anas ng isip ko. Kaya napabangon ako ng mabilis. Mahirap na, matalino pa naman itong pusa ko baka nga maisipan niyang ihian ang mukha ko.
Pumasok na ako sa banyo para makaligo. Ay sus ginoo diwata ng Maria makiling kinilig ako ng isang bayong.
Pagkatapos kong maligo ay pumunta ako sa kusina para magluto na ng hapunan namin. Inilabas ko ang hipon at mga gulay. Sinigang na maraming gulay para sa mundong makulay ang tema ngayon. “Di maka move on sa kilig si Fatty Almighty Ananya..anas ng isip kong parang anting-anting.
Bakit kaya hindi pa siya lumabas ng kwarto niya? Kanina pa ako tapos magluto at lumalamig na ang niluto ko.
Meggy tawagin mo amo natin para makakain na tayo ng haponan. Agad namang tumakbo ang pusa patungo sa kwarto ni Dylan. Nakaupo lang ako sa sofa habang nanunuod ng teleserye sa TV. Hindi nagtagal bumalik na si Meggy at umupo ulit sa kandungan ko. Kasunod naman si Dylan.
Akmang tatayo na sana ako para maghain at makaiwas na rin.
“Stay Fatty! Mamayang kunti na tayo kakain,” sabi niya.
Dating gawi palalayasin si Meggy sa kandungan ko tapos siya ang hihiga. Nagagalit si Meggy kapag pinapalayas siya.
“Arayyyy Meggy bakit ka nananampal, ako ang nauna sa mommy mo,” sabi pa niya. Buti nga sa'yo nang-aagaw ka kasi ng pwesto. Umakyat si Meggy sa side ng sofa at hinihimas-himas ko ang ulo niya.
Tumingin si Dylan sa pwesto ni Meggy at ng makita niyang nakahimas ako sa ulo nito. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at ipinatong sa ulo niya. Saklap dahil binatukan ulit siya ni Meggy.
“Namimihasa kana Meggy, palalayasin na kita,”sabi pa niya.
“Ulo ko ang himasin mo Fatty, sumasakit eh,”pabebe niyang sabi.
Pareho kayong mga tanga, at parehong seloso. “Tanga ka rin mommy ka ni Meggy eh hahaha,”. Nakakangalay kayong dalawa ng kamay.
“Hindi yan dahil dami mong power Fatty,”pambobola pa niya.
“Taba power ba kamo?
“Absolutely yes!”
Ikaw itong ingot eh ang dami mong pinapakain sa akin na akala mo'y patay gutom ako. “Natatakot kasi akong mabawasan ang mga baby Fats mo. Hindi ko type ang matigas na unan. Kapag ganito ka lambot ang unan ko, napakasarap sa pakiramdam. Kaya huwag na huwag kang magda-diet,”... seryoso ba siya?
Ang hirap kayang umakyat sa silid mo araw-araw para maglinis. Hindi ka ba naaawa na hingal ako sa pagpanhik sa taas.
“Okay lang yan, mas mainam na yung may sapat na praktis ka ng hingal. Para kapag umakyat ka na sa langit hindi ka mahihirapan,”sabi niya.
Pinagsasabi mo? Mamamatay na ba ako kaya pinagpapraktis mo ako kung paano humingal?
Hihimatayin ka sa sarap Fatty, hindi sa hirap. Lumaki ka muna para maiintindihan mo.
“Hoy buang ka ano yang pinapanuod mo. Hoy asan ang remote patayin mo yan Dylan. Natataranta kong sigaw kaya si Meggy napatalon na rin. Jusko ang mga kagwang hubo't hubad sa ibabaw ng sofa. Ang buang naman namumula na sa kakatawa.
Ang bastos mo talagang gurang ka. Kung ayaw mong kumain ng hapunan manigas ka dayan. Meggy halika dito kakain na tayo.