Napakabilis talaga ng panahon at ngayon ay last semester na ng pagiging second year college ko. Next year third year na ako sa aking CPA course. For me CPA is Certified Pagkain Addict parin. Natatawa ang kaibigan kong si Nisa ng sabihin ko sa kanya ang sarili kong meaning sa CPA. Dahil sa matinding orasyon na aking pinakawalan sa harap ng madlang pipol nagsilayasan ang mga bully. Alam na nila na hindi ako ang klase ng mataba na kapag binubully uupo sa isang tabi at iiyak. Sa kalagitnaan ng semester namin last year may pagpululong na nagaganap sa loob ng university. Lakas loob kung kinuha ang pagkakataon na yun para magsalita sa harap ng mga estudyante, professor at mga magulang na naroon. Flashback.... Magandang umaga po sa inyong lahat ng mga narito sa pagtitipon na ito. Paumanhin po

