Dylan pov Kompleto ang araw ko sa tuwing kasama ko si Ananya. Kahit nasa office ako hindi ko nakakaramdam ng pagod. Para pa akong baliw na biglang humahalakhak kapag naalala ang kulitan namin ni Fatty. Masaya akong naalagaan siya at naibibigay ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Sa mga nakalipas na araw hindi ko na naramdaman na galing ako sa break-up. Nanghihinayang oo pero baka tama nga si Ananya pinagtagpo lang kami pero hindi tinadhana. Na hindi pa talaga dumating sa tamang panahon ang taong para sa akin. Napagdesisyonan ko na pag-aralin siya sa kolehiyo. Isang araw ng hanapin ko siya pumasok ako sa kanyang silid nakita ko sa kanyang bag ang kanyang high school certificate. I'm impressed, she is a valedictorian and she got GPA 5. Agad akong pumunta sa UP Diliman kung saan ang kap

