Naisipan kong maghalungkat ng aking gamit. Hindi ko na ito nagagalaw simula ng dumating ako dito sa bahay ni Dylan. Mga luma naman kasi ang mga damit ko nakakahiya kung isuot sa harap ni Dylan Bebe ko. At saka medyo malaki na ako ngayon. Itatapon ko nalang ang mga iyon dahil hindi ko na magagamit pa. Sobrang miss ko na sina Lola Pasing at Allen. Kumusta na kaya silang dalawa? Nakita ko ang isang larawan noong bata pa ako kasama si Lola Pasing. Bagong silang pa si Allen noon. Ang cute ko pala noong bata pa ako. Kinuha ko ito at nilagay sa walit na palagi kong ginagamit. Papalinawin ko ito bukas sa studio, tapos laminate ko na rin para hindi tuluyang masira. May suot akong kwentas sa larawang ito. Ito ang kwentas na ibinigay ni Lola sa akin noon. Dali-dali kong hinanap ang kwentas at bigla

