naghahanap ng trabaho

1675 Words
Mula Ozamiz City tatlong araw at dalawang gabi ang naging pahinga niya sa loob ng barko. Ang pagpahinga na iyon ay nauubos lang sa buong araw niyang pag-iikot ikot. "Pare, may pulutan oh, sobrang malaman. Masarap yan, tamang-tama kulang ako sa bitamina," sabi ng isang lalaki. Lumingon siya sa paligid wala na palang masyadong kabahayan ang kanyang dinadaanan. At ang mga adik yata ay nakatambay sa bakanteng lote. Biglang lumukob ang matinding kaba sa kanyang dibdib. Mukhang ito na ang kanyang katapusan. Kapag nahuli siya ng mga ito tiyak malamig na bangkay na siyang matatagpuan bukas. "Hindi maaari ito Ananya, tinakasan mo ang salbahe mong ama mula Mindanao. Kailangan mo rin na matakasan ang mga demonyong adik ng maynila," kasausap ko sa aking sarili. Papalapit na ang tatlong lalaki mula sa kanyang kinaruruonan. Kaya ihinanda niya ang kanyang sarili para tumakbo. "Pre, kailangan na mahuli natin yan. Sayang kapag pinakawalan natin ang isang masarap na putahe," sabi ng isang manyak. Agad akong pumihit at tumakbo. "Habulin ninyo at huwag hayaan makatas mga lintik," sigaw ng leader. Dahil may kalusugan ang kanyang katawan medyo nahihirapan siyang tumakbo. Laban Ananya hindi pweding dito lang magtatapos ang buhay mo. Di baleng mamatay kaysa kaysa pagpyestahan ng mga adik. Lumiko siya sa isang iskinita para maiwala ang mga hayop. Lumiko ulit siya pakanan at may nakita siyang lumang cabinet na nakaharang kaya doon muna siya nagkuble. "Katatabang baboy ng hinabol natin natakasan tayo," nasa gilid niya ang taong nagsasalita kaya pinipigilan niya ang kanyang hininga. "Malalagot tayo kay boss nito kapag hindi natin nadala ang pulutan sa kanya." Halos mawalan na ng ulirat si Ananya sa kakapigil ng kanyang hininga. "Maghiwa-hiwalay tayo ng direksyon alam kong hindi pa nakakalayo ang baboy na yon," narinig niyang sabi ng isa. Nang makaalis ang mga ito napaupo si Ananya sa lupa at pinakawalan ang malalim na hininga. Nananatili siya ng ilang oras para magkaroon ng sapat na lakas para muling maglakad. Napaiyak nalang siya sa kanyang naging unang karanasan sa pag-apak niya sa maynila. Ang mga kaibigan at kapitbahay niya kapag maynila ang pinag-uusapan ay sobra ang tuwang-tuwa. May mga nagbabakasyon na sobrang pumorma. Bida sa inuman, nagpapakain at sosyal manamit. Noon rin pinangarap niyang makarating sa lugar na ito. Pero hindi niya akalain na ganito ang magiging bungad sa kanya. Nang makahuma at nagkaroon ng kunting lakas para tumayo. Muli siyang naglakad at nagpalinga-linga sa paligid. Sa takot na baka mahagilap na naman siya ng mga taong humahabol sa kanya kanina. Lakad takbo ang kanyang ginawa para marating ang daan na marami ang ilaw. Ano naman kaya ang nakain niya at napunta siya sa liblib na lugar. Malamang sa lalim ng kanyang mga iniisip ay kung saan-saan nalang siya tinangay ng kanyang mga paa. Hingal na hingal siyang napaupo sa gilid ng kalsada. Hapong-hapo at uhaw na uhaw. Tiningnan niya ang bote sa kanyang dalang bag pero wala na itong laman. Anong lugar na kaya na kaya ito? Tanong niya sa kanyang sarili. Malapit pala sa tulay ang kanyang kinauupuan. Maraming ilaw at marami ang mga sasakyan na dumadaan. Kumakalam na ang kanyang sikmura sa gutom. Kahit tubig wala man lang siyang maiinom para mabawasan ng kunti ang kanyang gutom. Pati luha halos wala na siyang mailuluha pa. Yapos ang kanyang dalang lumang bag isinandal niya ang kanyang ulo. May humintong kotse malapit sa kinauupuan niya kaya biglang napaangat nang kanyang ulo. Muli na namang lumukob ang takot sa kanyang dibdib na baka masamang tao na naman ito. Nakita niyang lumabas ang isang lalaki sa kotse at lumapit sa gilid ng tulay. "Walanghiya kang babae ka. Binigay ko lahat sa'yo, lahat ng gusto mo binili ko. Minahal kita ng lubusan pero ito lang pala ang ibabalik mo sa akin. Nagpabuntis ka at sa kaibigan ko pa. Matagal nyo na pala akong niluluko mga hayop," sigaw ng lalaki. Umiiyak ito at mukhang nakainom ng alak. Tiningnan lang niya itong humahagulhol habang nakayuko sa may hamba ng tulay. Sinilip niya ang ilalim ng tulay, mukhang malalim ito. Kung ang taong ito ay tatalon at hindi marunong lumangoy tiyak bukas ay mapabalita na itong patay na lulutang-lutang sa tubig. "Uy hala murag moambak jud siya," naibulalas ko. Hoy mama teka lang po. Agad niya itong nilapitan para pigilan sa nais nitong gawin. Pero parang wala itong narinig at akma na sanang tumalon sa tulay. Agad niyang hinawakan ang damit nito at hinila pabalik. "What the f*ck are you doing? And who the hell are you b*tch?" Agad niya itong sinampal ng malakas. Huwag nyo po akong maenglish-english sir. Bisaya po ako at tagalog lang ang kaya kong isagot sa inyo. Pero naiintindihan ko ang sinabi ninyo. Napaka g*g* po ninyo, problema lang sa babae nais na po ninyong kitilin ang inyong buhay. Ako nga buong araw na walang kinain at ininom na tubig nagsusumikap na mabuhay. Nais pa akong lapain ng mga adik sa kanto dahil akala nila baboy ako. Nais pa nila akong gawing pulutan pero nagsusumikap akong matakasan sila kaya heto ako ngayon sa harapan ninyo at sa awa ng diyos humihinga pa. Sir, sana ikaw nalang ang nasa katayuan ko dahil handa kana man palang mamatay. Ako kasi hindi pa handa eh dahil nais ko pang hanapin ang tunay kong mga magulang at ang pamilya ko. Umiiyak kong sabi sa taong nais na magpakamatay. Nakatulala lang itong nakatingin sa akin. Ewan ko kung ano ang iniisip niya parang tinakasan ng demonyo at biglang nawalan ng kaluluwa. "Okay na po ba kayo sir?" Saka palang ito natauhan ng alugin ko ang kanyang balikat. "Kababae mong tao malalim na ang gabi nagpapalaboy-laboy ka sa kalsada,"sabi nito. Mula ng bumaba ako sa barko na aking sinasakyan kaninang madaling araw. Buong araw po akong naghahanap ng mapasukang trabaho at para na rin may matuluyan. Pero lahat pinagtabuyan lang ako. Lahat sila sinasabing walang bakante na pwedi kong magtrabahuhan. Mga amo daw nila sa agency kumukuha ng mga kasambahay. Naisip ko po na siguro natatakot silang tanggapin ako dahil baka myembro ako ng budol gang o mga mudos dito sa kamaynilaan. Kaya heto po ako ngayon sir nakikipagpatentiro at umiilag kay kamatayan. Pero ikaw nais ipagkanulo ang sarili kay kamatayan. Kaya nga sabi ko sa inyo kanina lang na sana palit nalang tayo ng situwasyon. Ayaw ko pa kasing mamatay at ikaw naman nais ng mamatay. "Do you want to come with me?", sabi ng mama. "Po?" "Ang sabi ko gusto mo bang sumama sa akin sa bahay ko. Pwedi kitang gawing katulong para may matirahan ka pansamantala. Hindi naman siguro malikot ang kamay mo ano? At kaya mo naman siguro ang gawaing bahay," Sabi ng lalaki. Sigurado po kayo sir? "Kung ayaw mong sumama eh di huwag. Dito ka nalang matulog sa gilid ng tulay," sabi pa niya. "Sir teka lang po! Sasama po ako sa inyo. Kaya ko po ang mga gawaing bahay kahit hindi nyo na po ako sweldohan okay lang po sa akin. Basta may matulugan at may makain lang ako sapat na po." "Hop in!" "Sumakay kana sa kotse ko," pagsigaw niyang sabi. Eh sir, marumi po kasi ang damit ko baka po madumihan ang sasakyan nyo. "Ni tubig na maiinom wala ka ngang dala. Panliligo mo saan ka kukuha ng tubig para maging malinis? Baka balak mong tumalon sa tulay para makaligo bago pumasok sa kotse ko miss. Hop in, kung ayaw mong magbago ang isip ko at maiwanan dito," may pagkainis na ang boses niya. Sir, papasok na po! dali-dali akong pumasok sa kotse niya. "Bakit iniwan mo tsinelas mo?," Eh sir, Luma na po yun pudpod na pudpod na at marumi pa baka po mas lalong marumihan ang kotse ninyo...sagot ko naman. "Nailigtas mo nga ako sa pagtangka kong pagpapakamatay kanina. Pero mukhang sa high blood at stress sa'yo ako malalagutan ng hininga miss. Ananya po ang pangalan ko sir. Ananya Coguit Joring po at galing po ako ng Ozamiz Occidental sir. Pinaharurot na niya ang kanyang kotse. At bigla akong natakot dahil ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako ng kotse. Mahigpit akong napakapit sa gilid at napapikit ng mata. Lumingon sa akin ang mama at binagalan ng kunti ang pagpapatakbo ng kotse. Napansin siguro nito ang pagkatakot ko. "Are you afraid to die huh?" Nainis ako sa sinabi niya, nakita na nga niyang takot na ako nagtatanong pa. Kaya ko nga po tinakasan ang mga adik na humahabol sa akin para huwag lang mamatay. Ang lakas pa ng pagpapatakbo ninyo sa inyong sasakyan. Tapos tatanungin ninyo ako kung talaga bang takot akong mamatay. Lakas po ng tama ninyo sir, daig nyo pa po ang mga adik sa kanto. "Dont ever compare me to those asshole Ananya," pagalit niyang sabi. "Sorry po sir!" nahihiya kong tugon. "Call me Dylan, I'm Dylan Ricafort Norton," pagpapakilala niya. Sige po sir Dylan. Sir Dylan, malayo pa po ba ang bahay ninyo. Pasyensya na po pero ano po kasi bumabaliktad na po ang sikmura ko. "Oh sh*t, you mean nasusuka ka?" tanong niya. Iginilid niya ang sasakyan kaya mabilis akong bumaba at tumakbo sa may damuhan. Doon ko inilabas ang suka na puro mapait na laway lamang. Wala namang laman ang tiyan ko para sumuka. Hapong-hapo akong naupo dagdag pa na sumasakit ang ulo ko. Inabutan ako ni sir Dylan ng tubig at tissue. Sa wakas nakainom rin ako ng tubig. "Are you okay now?" tanong niya sa akin. Hindi po ako okay sir dahil masakit po ang ulo ko. Tumayo kana dyan malapit na tayo sa bahay ko. Nagugutom ka lang at napapagod kaya sumakit ang ulo ko. Nauna na itong pumasok sa kotse. Kumuha ako ng ilang tissue at pinunasan ang aking mga paa bago pumasok sa loob ng kotse ni sir Dylan. Agad naman niyang binuhay ang makina ng kotse at nagmaneho paalis. Namangha ako sa ganda ng kanyang bahay. Noon sa TV ko lang ito nakikita pero ngayon totoong nasa harapan ko na. "Pumasok kana sa loob," Sabi ni Sir. Sa inyo po ba ang bahay na ito sir Dylan? Ang ganda naman po ng bahay mo.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD