bahay ni Dylan

2406 Words
Dylan pov Unbelievable! Angel in disguise? Really huh? What a f*cking sh*t hell happened to me a few hours ago? For Christine Joy kamuntik na akong magpakamatay. Nasasaktan ako sa ginawa niya. I really feel bad knowing that she is cheating on me. Iniiputan nila ako ng kaibigan ko, kailan pa? Gaano katagal na? I'm excited to come home from my business trip to Milan, Italy. And I even bought an engagement ring to propose to her. Tapos maaabutan ko lang sa bahay nila na pinag-uusapan nila ang tungkol sa kasal. Na ikakasal na siya sa kaibigan ko dahil nabuntis siya nito. Flashback “Sigurado kana ba talaga sa pasya mong pagpapakasal sa girlfriend mo na si Christine Joy bro,” one of my friend Jake asked. Bro, matagal ko ng pinaplano ito. Five years na rin kami in a relationship. I think it's time for us to settle down. Gusto ko na rin na magkaanak na kami. “Saan ka magpo-propose? Wala man lang bang any arrangements for surprise? She is a popular model after all,” he said. No bro, I want to propose her in front of her family. Kasabay ng proposal kong gagawin kay Joy gusto kong hingin na rin ang basbas ng pamilya niya. “That's sounds great bro, nererespeto mo rin ang pamilya ng magiging asawa mo. Good luck bro, sa kasal mo nalang ako dadalo. I'll hang up now, take care.” Salamat Jake, siguraduhin mo lang na makakadalo ka sa kasal ko. Mag-iingat ka rin dyan sa America. Bye! Nang matapos na ang pag-uusap namin ng aking kaibigan na si Jake. Kinuha ko ang singsing at susi ng aking kotse. Surpresahin ko siya sa bahay nila ng gabing ito. Marami akong pasalubong sa kanya at nakalagay ito sa kwarto namin. Makikita niya iyon pag-uwi namin mamayang gabi. Bumili ako ng isang napakalaking flower bouquet para sa kanya. Pagdating ko sa bahay nila medyo nagulat pa ang gwardya sa aking pagdating. Pero ng makahuma ay bumati naman ito sa akin. Nagtataka ako kung bakit narito ang kotse ng isa ko pang kaibigan na si Maxon. At pati ang kotse ng mga magulang nito. Pumasok ako sa loob ng kanilang bahay ang naririnig Kong nag-uusap sila sa living room. Hindi ko ugali ang makinig ng usapan ng iba. But on my curiosity nakinig ako sa kanilang pinag-uusapan habang nakatayo sa may pintuan. “Are you both serious about your decision? You both didn't think that there is someone you will hurt. Dylan is your current boyfriend Joy and he is your best friend Maxon. Before you make a mistake you have to think of Dylan first,” Joy's grandpa said. “I'm sorry Lolo, I know it's our mistake. And I am pregnant with Maxon child,” I heard Joy said. Kaya lumabas na ako sa pinagkukublihan ko. Do you think it's really a mistake Christine Joy? Nabigla siya ng makita ako na naglalakad patungo sa kinaruruonan nila. Nawala lang ako ng dalawang buwan nakipag-ulayaw kana kaagad sa kaibigan ko. Mas masarap ba siyang kasama sa kama kumpara sa akin? O nagsasawa kana sa alaga ko kaya ka tumikim ng iba. “Stop it Dylan, you're insulting our daughter,” joy's father said. “Really Tito? Did I insult your daughter? Ang ginawa ng anak ninyo sa akin hindi ba pang-iinsulto sa p*********i ko? Natahimik ang ama ni Christine Joy sa aking sinabi. Ikaw Maxon Fuentes kaibigan nga ba talaga kita? Pagkatapos kong sagipin ang nalugmok ninyong negosyo, sinurot mo naman ang kasintahan ko. “Bro let me explain, I was just drunk that time. Or maybe someone drug my drinks that night,” he tried to explain. Pumalakpak ako bilang papuri sa kanyang sinabi. Someone drug you with aphrodisiac medicine and Christine Joy was there with you to cure your f*cking heat. Expect the withdrawal of my share in your company Maxon Fuentes. Nakita ko ang pagkabigla ni Maxon at ang mga magulang nito. Si Joy naman ay lumuluha na nakaupo sa sofa. Dinala ko ang bulaklak palabas, they are not deserving to have this flower bouquet too. Nilagay ko sa backseat ang bulaklak at pinaharurot ang aking sasakyan patungo sa isang bar. Doon ko binuhos ang lahat ng sama ng aking loob. Nang naramdaman kong medyo tipsy na ako ay lumabas ako ng bar. I know that I can still manage to drive my car. Nasasaktan ako dahil totoong minahal ko siya pero hindi pala siya kontento sa akin. Ang akala kong totoo kong kaibigan ay hayop pala. Napadpad ako sa isang tulay naisipan kong bumaba sa aking sasakyan para ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Pero hindi ko alam kung anong kademonyetahan ang pumasok sa utak ko at naisipan kong tumalon. May isang tao ang humila sa akin. Namura ko ito dahil sa kanyang paghila sa akin na ikinabagsak ko sa sementadong tulay. Pero walang mag-alinlangan niya akong sinampal ng malakas. Isang matabang babae ito, mahina daw siya sa english pero magaling naman siyang magsalita ng tagalog. Naantig ako sa kanyang mga kwento na hinahabol pala siya ng mga adik. Walang kinain at matutuluyan at ayon sa kanyang kwento galing pa siyang Mindanao. Natauhan ako ng tuluyan ng sabihin niyang sana nagpalit nalang sila ng situwasyon. Dahil ito ay ayaw pang mamatay pero nais patayin ng mga adik. Habang siya naman ang di pa dapat mamatay pero nais magpakamatay. Angel in disguise kong tawagin ang situation ko ng iligtas niya ako kanina. Marunong akong lumangoy pero kaya ko bang languyin ang ilog na yun kung lasing naman ako. Naisipan kong isama siya sa aking bahay. Ang bahay na iyon ay pinagawa ko para sana sa amin ni Christine Joy. Para sana sa bubuohin naming pamilya. Isa rin sana ito sa surprisang ibibigay ko sa kanya pagkatapos ng aking proposal. Nainis ako ng nagdadalawang isip pa siyang sumakay sa aking kotse. At sinabi pang marumi siya kaya sinabi kong wala nga siyang maiinom na tubig panligo pa kaya para maging malinis. Gusto kong bumulanghit ng tawa ng iwanan niya ang kanyang tsinelas sa labas ng kotse dahil baka marumihan daw ang kotse ko. Nakaligtas nga ako kay kamatayan pero sa highblood at stress sa babaeng ito ay mukhang paunti-unti akong mamamatay. Pinaharurot ko nalang ang aking sasakyan. Hating-gabi na kaya wala ng traffic ang kalsada. Maluwag na ito kaya malaya kong napapatakbo ng matulin ang aking kotse. Nakita kong natakot ang babae kaya binagalan ko ang pagpapatakbo. Nang magtanong siya kung gaano pa kalayo ang bahay ko. At sinabi niyang nasusuka siya ay agad kong itinabi ang sasakyan. Agad itong tumakbo at pumunta sa may damuhan para sumuka. Puro laway lang ang isinuka nito. Totoo ngang wala itong kinain buong araw dahil wala man lang maisuka. Naawa ako sa babae dahil minor de edad pa ito. Wala pang mga kamag-anakan dito sa maynila. Nang magpasya itong sumama sa kanya, sinabi pa nito na hindi na kailangang sahuran siya. Basta may makain at matitirhan sapat na. Inabutan ko ng tubig at tissue, pagkatapos niyang sumuka sumakay na ulit ako sa kotse at nakasunod naman si Ananya. Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang mga paa bago pumasok sa loob ng kotse. This girl doesn't seem to like dirty things or make anythings get dirty. End of flashback Sobrang namangha naman ito sa hitsura ng aking bahay. Parang hindi makapaniwalang makakita ito ng ganito kalaki at kagandang design. Popular ang engineer at architect interior/exterior designer ang kinuha ko para sa bahay na ito. Ang mag-asawang Gian at Gracey Guerrero ang nagplano at gumawa nito ayon sa kagustohan ko. Doon ko siya pinatuloy sa maids quarter na pinagawa ko para sa magiging kasambahay namin. Kompleto na rin ito, may higaan, lalagyanan ng damit at gamit nila, iron area at toilet. First time of my entire life, pinagluto ko ang isang babae ng pagkain. Limang taon na kami ni Joy pero hindi ko siya pinagluto. Ananya tapos ka na bang maligo? “Opo sir Dylan tapos na po,” sagot naman nito. Lumabas kana para makakain na. Agad naman itong lumabas mula sa maids quarter. Sir Dylan nakakahiya naman po nag-abala pa po kayong ipagluto ako. Wala akong stock na pagkain kaya yan lang muna ang pagtyagaan mo. Bukas nalang tayo mago-grocery ng panibagong stocks ng pagkain. Bacon, hotdog noodles lang naman ang niluto ko para makain nya. “Hindi po ba kayo kakain sir?” tanong niya sa akin. Huwag mo akong tawaging sir dahil tayong dalawa lang ang nandito sa bahay ko. Wala akong ganang kumain Ananya kaya ubusin mo lahat ng iyan. Pagkatapos mong kumain iwanan mo nalang yan dyan sa may lababo at matulog kana. “Pwedi po ba kitang tawaging kuya Dylan?” tanong niya ulit. Huwag mo rin akong tawaging kuya dahil hindi tayo magkapatid. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Ananya ng marinig ang sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa kanya iyon. “Call me Dylan, only Dylan Ananya is enough.” “Kabastusan naman po yata ang tawagin ka po sa pangalan mo lang,” protesta parin nito. Kapag sinabi ko iyon ang sundin mo is that clear Ananya? “O-opo S-- ah D-dylan,” utal nitong sagot. Okay good, close the light after you eat and goodnight. Simpleng damit lang ang suot nito at medyo may kalumaan na. Maganda ang hitsura, may mahabang pilik mata, matangos ang ilong, kissable lips, at maputi kaya lang mataba siya. She's not looked horrible anyway. Cute nga tingnan ang pagiging chubby nya. Damn you Dylan, kagagaling mo lang sa break up pero kung anu-ano na ang iniisip mo sa isang batang Ananya. Don't act like a pervert jerk asshole. Kastigo niya sa kanyang sarili. Kumuha siya ng damit sa kanyang closet. Pagkatapos maligo ay kumuha ng alak para inumin. Hindi pa siya dinadalaw ng antok dahil sa kakaisip sa mga nangyayari sa buhay nya ng araw na ito. Ang malamang tinatraydor siya ng sariling kaibigan at kasintahan. Ang kamuntikan niyang pagpakamatay na hindi naman niya kailangan na gawin. He has everything at hindi kawalan ang mawalan siya ng kasintahan at kaibigan na hindi deserve para panghinayangan niya. Ang babaeng istranghero na kinupkop nya na at pinatuloy sa kanyang bahay. Ang babaeng sumagip sa kanyang buhay. Kinabukasan tinanghali na siya ng gising. Medyo sumakit pa ang kanyang ulo dahil yata ito sa alak na kanyang ininom. Binuksan ko ang kurtina ng aking silid. Pagtingin ko sa baba ay nakita ko si Ananya na nagwawalis ng mga tuyong dahon ng mga puno at halaman. Ginawa muna niya ang kanyang morning routine bago lumabas ng silid. Impressive malinis na malinis ang mga kagamitan at sahig. Pagpunta niya sa kusina may nakahanda ng pagkain. Nagtataka siya kung bakit may nilutong tinolang manok at kanin. Ananya, kumain kana ba ng almusal mo? “Hindi pa po dahil hinintay ko po kayo,” sagot naman nito. My god Ananya 11:30 na bakit hindi ka pa kumain ng almusal. Saan mo nakuha ang manok na ginawa mong tinola? “Panabong po yan ng kapitbahay ninyo hinuli ko po at ginawang tinola,” she said. “What???” Joke lang po! Kayo naman high blood kaagad. Nakita ko po yan sa likod ng freezer kaya ayon niluto kong tinola. “Likod ng freezer?” Ang dami nyo naman pong mga katanungan daig nyo pa mga dati kong giro sa eskwelahan. Sa likod po ng bacon, hotdog may nakita po akong isang supot ng tingnan ko manok pala. Karneng manok po, hindi buhay na manok. Magtatanong kana naman eh kung anong klaseng. “Stop using po Ananya, for god sake I'm just 26 years old.” “Po?” Sabi ko huwag mo akong po po-in. “Mga tao nga naman kapag ginagalang hindi nagpapagalang. Kapag hindi ginagalang sinasabihan na bastos,” she murmured. “Did you say something?” W-wala ah, Sabi ko kumain kana lumalamig na ang pagkain. Sorry nga pala pinakialaman ko na kusina mo para magluto. Its okay! You're free to use it. You cooked but you didn't eat. You starved yourself, What if you get sick? Makulit din ang babaeng ito, nagluto nga hindi naman kumain. Magaling din palang magluto kahit nasa murang edad pa lang. Who teach you to cooked? It seems that you know to do some house chores. “Bakit ba palagi niyo akong ini-englisan. Alam nyo naman na probinsyana ako mahina sa dolyar na linggwahe. Alam mo kapag palagi kang ganyan magsalita tatakasan na kita. Si Lola Pasing ang nagtuturo sa akin. At ako naman kasi ang inaatasan nila sa lahat ng gawaing bahay. Ang akala ko noon ako ang panganay kaya dapat ako ang gumagawa sa lahat ng mga gawain. Ngayon naiintindihan ko na, kinupkop lang pala nila ako kaya bawat gastos nila sa akin kailangan kong pagtrabahuhan.” Dahil sa pagsasalita ko ng english tatakasan mo ako? Sige tumakas ka para habolin ka ulit ng mga adik. Sabi mo diba gusto ka nilang gawing pulutan. Kapag tumakas ka at nahuli nila gagawin kang letsong baboy. Chubby kapa naman masarap. Oh bakit natulala ka dyan, kumain kana chub. “Bihasa naman pala kayo sa tagalog pero bakit panay putak mo ng English. Ananya pangalan ko hindi Chubb,” reklamo nya. Ang cute mo kasi at gusto kitang tawaging Chubb. Gusto mo tawagin kitang Yobab? “Yobab?” ulit nya. Baboy... Yobab para hindi halata. “Ang tatanda nyo na pero lider kayo ng mga bully," na offend siya sa sinabi ko. I'm sorry Ananya, ang cute mo kasi. Chubby nalang itawag ko sa'yo nagagandahan kasi ako. “Bahala ka nga! Bahay mo naman ito at palaging ikaw ang masusunod,” she said. Sixteen ka palang ba talaga? I asked her. “Hindi ko po alam kasi natagpuan lang naman daw nila ako sa tabi ng dagat. Hindi nakaka-usap ng ilang buwan o halos taon daw eh.” Baka hindi ka marunong magsalita sa lengwahe nila kaya hindi mo nasasagot ang mga sinasabi nila. “Hindi ko rin alam dahil wala naman akong natatandaan. Sa paaralan kapag nagsasalita ng tagalog ang mga guro madali ko lang naiintindihan,” she said. Oh I see, eat up quickly and we have to go to buy our groceries. “Isang English pa hindi na talaga kita kakausapin Dylantot ka,” nakasimangot niyang sabi. Maganda ang pangalan ko huwag mong ibahin. “Kailan naging pangit ang Ananya at ayaw mong bigkasin?,” kontra pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD