3 in 1 life

1692 Words
Matulin lumipas ang mga araw at pitong buwan na pala ako dito sa bahay ni Dylan. Pumapasok siya sa opisina araw-araw habang ako naman pinapanatili ang kalinisan ng kanyang bahay. Naiinis ako minsan sa pagiging burara niya. Palaging ang kalat ng kwarto niya. Damit dito, damit doon parang ahas lang na nagpapalit ng balat. Minsan hindi na ako nahiyang paluin siya kahit matanda siya kaysa sa akin. Tingin ko nga nagkapalit ang edad namin. Ako ang naging matanda at siya ang naging bata, “batang gurang”. Pinaka ayaw ko sa lahat ay ang makalat at marumi ang paligid. Masakit sa mata kapag napakarumi o makalat. Minsan nakikita ko parin siyang umiiyak. Tanga lang dahil iniiyakan parin ang babaeng hindi naman itinadhana para sa kanya. Ayon kapag nakikita ko siyang nag-e-emote wala akong ibang ginawa kundi asarin siya. Panay parin asaran namin araw-araw. Nagkapikonan pero kapag nagtatampo umaalis ako o siya tapos pagkalipas ng ilang oras o minuto balik na ulit sa dati. Domuble na ang size ko dahil araw-araw pagkagaling niya ng opisina palaging may bitbit na pasalubong ang kagwang. Nahihirapan na akong umakyat sa taas para linisin ang kwarto niya. Kapag weekends naman sinasama niya ako sa pag-go-golf niya. Nakakahiya sa mga kasamahan niya. Iba kasi sila kung makatingin, Yung tingin na hinuhusgahan ka. Yung tingin na issue sa kanila ang pagiging mataba ko. ~Flashback ~ “Fatty, sumama ka sa akin sa golf club bukas para maaliw ka naman,” sabi ni Dylan habang nakaunan sa hita ko. Ito ang isang ugali niya. Naglalambing kapag sabay kaming nanunuod ng tv sa sala. Kakauwi lang niya galing opisina, bagong ligo kaya ang bango-bango. Tapos aasarin pa ako na mabantot dahil hindi daw naligo. Tumatawag yan kapag parating na para maihanda ang pagkain niya. Parang patay gutom lang na pagdating sa bahay pagkain agad ang bubungad. Binilhan niya ako ng mamahaling cellphone pero hindi ko kinakalikot dahil baka masira ko pa o mapunta pa ako sa ibang lugar at hindi na makabalik nayawa na. Tawag lang niya ang tinatanggap ko kapag nag-te-text siya pagkauwi niya siya pa ang magbubukas kasi literal na hindi ko tinitingnan ang mga mensahe niya. Kumain ka nga muna Dylan bago ka humilata dyan. May kumakain bang nakahiga? Mabubulunan ka niyan eh, napaka burara mo talaga. “Oo Meron! Maraming kumakain na nakahiga dahil masarap daw yun. Hindi naman sila nabubulunan nag-e-enjoy pa nga eh dahil nararating daw nila ang langit sa sarap?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Meron bang ganun Dylan? Di ba patay lang ang nakakarating sa langit?...wala sa wisyo kong tanong. “Akala mo lang yun Fatty, ang mga inosenti hindi nila alam na may nakakarating o nakaka-akyat pala na buhay na buhay ang dugo sa langit. Lumaki ka muna bago mo alamin ang sinabi ko Fatty. Ano sama kana sa akin bukas huh. Ang boring naman ng buhay mo kung dito kalang palaging tumatambay sa bahay,” aya niya sa akin. Naku ikaw nalang ang pumunta sa golf club Dylan. Nakakahiya sa mga taong kasama at kalaro mo doon. Tao ka rin naman ah bakit nahihiya ka pa? Basta sumama ka sa akin bukas at wala ng alibay pa Kinabukasan magkasama nga kami papuntang golf club. Maaga akong gumising para gumawa ng almusal at para magluto na rin ng pang tanghalian namin. Marami kaming stocks ng pagkain kaya hindi na namin kailangan na mananghalian sa labas. Adobong baboy at menudo ang niluto ko kasama na ang kanin. Nagbaon din kami ng juice, soft drinks at ang mga beer niya. Pagkagising niya nakahanda na ang lahat. Nag-almusal muna kami bago gumayak. Natawa pa siya sa basket na pinabitbit ko sa kanya. Para daw kaming pupunta sa picnic at hindi sa golf club. Marami tayong stocks na pagkain sa bahay Dylan kaya hindi na kailangan na gumastos sa labas kung nagugutom man tayo. “Hindi mo na ako pinapasama sa grocery kapag weekends may mga stocks pa ba tayo?” tanong niya. Wala ka namang matinong binili sa grocery eh. Pang cyclone at bagyo na stock ay pinapamili mo. “Puro gulay ang pinapakain mo sa akin. Pinamumugaran na ng ahas at insects ang tiyan ko Fatty,” natatawa niyang reklamo. Kung hindi kita pinapakain ng maraming gulay tiyak sa hospital ka tatambay gurang ka. Kakainom mo ng alak tingin mo ba magiging okay pa iyang bituka mo? Nakakatulong ba ang mga gulay sa pag-iinom ko ng alak? Malamang oo, sinisipa ng iyahhh ang mga asido na kumakapit sa bituka mo. “What a F*ck Fatty mababangga tayo sa pinagagawa mo," bigla siyang napapreno. Dahan-dahan naman Dylan, ina-aksyon ko lang naman Kung paano sinipa ng mga gulay ang asido sa katawan mo. “Sipang mababangga naman tayo sa ginagawa mo Fatty. Huwag mo ng ulitin yun kapag nagmamaneho ako,”sabi niya. Sorry hindi ko na uulitin pero isa nalang, may pusang tumawid Dylan malakas kong sigaw. Arayyyy sakit nun ahhh. “What the hell are you doing Fatty? Ayaw mo na bang mabuhay huh? Pareho tayong mamamatay sa pinag-gagawa mo Ananya," sigaw niyang sabi. Ngeee ikaw nga itong gustong magpakamatay dati eh. Ang ingot mo Dylantot, kinakatakutan mo na si kamatayan ngayon. “Hoy saan ka pupunta Fatty?" Huwag ka ngang sigaw ng sigaw, hindi naman ako bingi eh. Lumalayas mga tutuli ko sa makasigaw mo. Sandali lang titingnan ko lang kung napatay mo ang pusa. Oh my God! salamat at hindi ka nasagasaan ming-ming. Tama nga sila may pitong buhay ka. Anim na nalang ang natira sa'yo kaya halika dito at aalagaan na kita mula ngayon. “Fatty, bakit mo bitbit yan?" sigaw ulit niya. Pasalamat ka uy dahil hindi mo tuluyang napatay ang pusang ito. Mula ngayon aalagaan ko na siya. “What? Oh c'mon you can't do that Fatty, not in my house.” Paghilom diha Dylan. Ikaw ang may kasalanan na kamuntikan na siyang mamatay. Paano kung napatay mo siya? Eh di pitong taon karga mo ang kamalasan. Inampon mo nga ako, kaya aampunin ko rin si ming-ming. Lalaki siya oh, kaya dadaan tayo sa veterinarian mamaya pag-uwi natin sa bahay. “Bakit tayo dadaan sa veterinarian?" Patatanggalan natin siya ng itlog para huwag lumandi. “Hahaha baliw kana Ananya. Paano mo nalaman na kapag tinanggalan ng itlog iyan hindi na lumalandi?” tanong pa niya. Nakita ko sa amin, ang mga biik namin kapag lalaki tinatanggalan ng itlog. Kain ka ng kain ng baboy hindi mo pala inalam kung bakit wala silang itlog. “Mababaliw ako sa mga kalukuhan mo Fatty," sabi niya. Uy unfair ka dong, sa mga kalukuhan mo nga hindi ako nagrereklamo kahit nabubuang na ako. Kanlong ko si ming-ming na walang imik na hanggang ngayon di makapaniwalang buhay pa siya. Tingnan mo Dylan ang ganda ng mata niya isa blue at ang isa naman green. Tapos kulay ng balahibo niya parang tiger. Buhay nga naman kapag hindi mo pa oras makakaligtas at makakaligtas ka talaga kay kamatayan. Parang ako at parang ikaw lang noh? Ngayon tatlo na tayo Dylan. Hindi ka nag-iisa, hindi ako nag-iisa at tayo ngayon ay 3 in 1 coffee na. “Tumahimik ka dyan Fatty, nagmamaneho ako ng kotse Kaya huwag mo akong patawanin,” sabi niya. Sorry Dylan, tahimik na tayo ming-ming dahil nagmamaneho pala si Dylan. Hindi pala siya pweding tumawa dahil baka hindi na niya makita ang daan. Ay buang ako lang pala itong madaldal, goodboy pala si ming-ming takot matuluyang ipadala ni Dylan sa langit kaya tumahimik. “Mukhang sa mandaluyong ang destination natin Fatty,” Doon ba ang golf club na sinabi mo?...taka kong tanong. “Hindi!” Anong meron doon? “Mental Hospital, Fatty,”sagot niya. Ah i-a-admit mo na sarili mo doon? “Ikaw ang i-a-admit ko doon, Fatty. Malala kana dahil nalilipasan kana ng gutom,” dagdag pa niya. Saklap naman ng sinabi mo Dylan. Nahahalata mong nalilipasan ako ng gutom. Pero hindi naman nalilipasan ng taba ang katawan ko. “Where here! bumaba kana,” imporma niya sa akin. Andito na tayo sa mental Dylan? “Mag-go-golf muna ako Fatty tapos pagkauwi natin iiwanan na kita sa mental. Ang ganda nga naman ng lugar sobrang nakakabighani. Dylan saan ba ang washroom dito? “Naiihi kana kaagad?” Paliliguan ko si ming-ming para malinis. Yung dala kong towel pangpunas ng pawis ang gagamitin ko kay ming-ming. Tinuro niya sa akin kung saan siya pupwesto para pagkabalik ko dideretso na ako doon. Mabuti nalang at wala pang tao sa loob ng washroom kaya Malaya kong kalinisan ang pusa. Ginamitan ko siya ng sabon ng panghugas kamay para malinis. Mas lalong tumingkad ang kulay niya ng patuyuin ko ang kanyang balahibo. “Best, nandiyan na si Dylan Suarez ang gwapo talaga niya. Sana mapansin na niya ako, I'm so happy na wala na sila ng girlfriend niya. Grabeh yung kaibigan niya na si Maxon at talagang inagaw ang girlfriend ni Dylan. Baka sa akin nakatadhana si Dylan best kaya sila hindi nagkatuluyan,” sabi ng isang maganda at matangkad na babae. “Oo nga best, siguro nga he is meant for you,”sigunda ng isa. Mga malalandi nga naman. “Ewwww look at her she is so Fat, and she bring a cat here in the golf club. She is so nakakadiri holding that little animal,” inis ko siyang nilingon. Problema nyo sa pusa ko? “You are so ugly piggy wiggy b*tch," maarting sabi ng babaeng nagkagusto kay Dylan. Kayo nga ang lalandi ninyo, mga papansin, tabi nga baka daganan ko pa kayo eh. Umalis na kaagad ako dahil baka madaganan ko pa sila. Mga karingking talaga. Nakasimangot na akong nakaupo sa gilid ng gamit ni Dylan. Nang makita niya ako tumakbo siya patungo sa kinauupuan ko. “Oh bakit ang haba ng nguso mo, tinalo mo na ang nguso ng mga baboy,” natatawa niyang sabi. Isa ka pa buang ka, naiinis ako sa mga stalker mo kung makapanlait akala mo kung sinong mga dyosa. “Huwag mo na silang intindihin dahil inggit lang sila sa kalusugan mo,” sabay pisil ng pisngi. Arayyy ang sakit nun ah, bitiwan mo pisngi ko kagwang ka. end of flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD