Sobrang dami niyang pinamili at sobrang kinaiinisan ko dahil tiyak na masasayang lang naman ang mga ito.
Marami ka bang bisita na pumupunta dito? Tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga pinamili namin.
“Wala akong mga bisita na pumupunta dito sa bahay ko. Dahil bago ko palang naman pinagawa ito para sana sa magiging asawa ko," dumaan na naman ang lungkot sa mga mata niya. Dati sa condo ko sila dinadala,"dugtong pa niya.
Ano nga pala ang condo? Bahay ng mga magulang mo?..tinanong ko na kasi hindi ko alam eh. “Condominium unit Chubby pugad ng mga independent person,” sagot niya.
Ah para palang mga ligaw na ibon ang mga nakatira sa condo na sinasabi mo. Nakita kong nagpipigil siya ng tawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
“Napaka inosenti mo kasi Chubby, karamihan sa mga kabataan mulat sa modernong teknolihiya pero ikaw napag-iwanan na," pahayag naman niya. Okay lang sa akin na mapag-iwanan hindi naman ako nagmamadali. Baka kapag nagmamadali ako malaktawan ko pa mga totoong pamilya ko.
“Malaktawan?"
Aysus dong sorry nakalimutan ko ba ang tagalog ng makaligtaan, na bisaya ko tuloy. “Your fluent in tagalog chubby huwag mo ng haluan ng bisaya kasi hindi ko rin naiintindihan,” Sabi pa niya.
Kapag hindi ka tumigil kaka-english mo sa akin, bibisayain din kita. Tingnan ko lang kung di ba magsiliparan mga kagamitan mo dito sa bahay mo.
“Kain muna tayo Chubb, halika uubusin natin ito,” sabi niya. Uy hala isang bituka Lang ang meron ako paano natin uubusin yan? Aminado akong mataba ako pero hindi naman ibig sabihin na may limang bituka sa loob ng tiyan ko.
“Ang ingay mo kumain kana nga," sabi pa niya.
Kagabi hindi na ako nahiyang kumain sa mga hinanda mo kasi para na akong mamamatay sa gutom. Pero ngayong araw na ito ang dami mong binili para sa akin sobra-sobra na eh. Ang mahal ng mga presyo di ko alam kung ilang buwan ko pagtatrabahuan yan.
“Gusto mo ibenta natin isang kidney mo Chubb para mabayaran mo lahat ng binili ko. Wala kanang poproblemahin kapag bayad kana,” natatawang sagot niya.
Ang sama mo, sabi ko naman sa'yo sa ukay-ukay nalang tayo bumili.
“Kung patuloy kang magrereklamo isasanla na talaga kita Ananya. Matanong nga kita, bakit hindi ka bumili ng pagkain habang naghahanap ng mapagtrabahuan o matutuluyan kahapon?”
3,000 pesos lang ang pera na ibinigay ni Allen sa akin bago ako umalis ng bahay namin. Ipon pa niya yun sa pagsali-sali ng Ms. Gay sa ibang brgy. Sumakay ako ng jeep mula sa lugar namin 100 pesos ang pamasahe. Sa ticket ng barko naman 2,710 ang binayad ko. 190 pesos nalang ang natira sa akin mabuti nalang at mabait si manong guard doon sa daungan ng barko sa Ozamiz pinabaunan niya ako ng tubig at tinapay para may makain sa loob ng barko.
Kahit gutom na gutom na ako hindi ko talaga ginastos ang 190 pesos. Kapit na kapit ako sa natira kong pera baka sa daan may madaanan akong 190pesos na house and lot o kotse. Huwag mong tangkain na kuhanin sa akin ang 190 pesos ko huh dahil pampa-buenas ko yun. Dahil sa 190 pesos nakatagpo ako ng mabait na taong katulad mo. Mabait nga tanga naman.
“What did you say?"
Ingon ko danghag ka...inirapan ko siya.
“Malinaw kong narinig ang sinabi mo sa akin chubby,” sabi naman niya.
Malinaw naman pala, ipinapaulit mo pa. Tuwang-tuwa yata ang tainga mo kapag tinawag kang tanga.
“Chubby!”
Dylantot wehhh, umayos ka nga ang tanda-tanda mo na nakikipag-away ka sa bata. Kaya ka iniwan ng syota mo kasi isip bata ka. Kaya siya sa iba nagpagawa ng bata. “Shut up Ananya, I'm not childish. And I hate whatever comes out of your mouth,”umalis siya galit na naman.
Jusko nadulas na naman ang matabil kong bibig, nagalit na naman si tanders.
Ananya bunganga mo kasi daig pa ang mga inahin kung pumutak. Nagyayang kumain pero siya na tuloy itong hindi nakakain.
Iniwan ko na rin ang pagkain kasi nawalan na rin akong ganang kumain. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga pinamili namin sa storage room. Mukhang may parating na bagyo kaya nag-iimbak siya ng napakaraming pagkain. Pero hindi fresh kasi puro de lata, noodles, hotdog, bacon, chitchirya, chocolates, beer at soft drinks, juice at Kung anu-ano pa.
May binili kaming manok kaya iyon nalang ang hiniwa ko para gawing adobo. May patatas at carrot naman kaya tamang tama sa hapunan namin. Mabuti nalang at ambisyosa ang kapatid kong babae. Gustong magluto sa rice cooker kaya may idea na ako kung paano magsaing sa rice cooker. Hindi ko nasubukan noon na magsaing sa rice cooker dahil ayaw nilang ipahawak sa akin. Hanggang tingin lang ako sa mga ginagawa niya. Ako ang palaging magsasaing o nagluto ng ulam pero kahoy ang gamit ko.
Ang mga pinagkait nila sa akin noon malaya kong nagagawa ngayon. Sa bahay na ito mukhang mararanasan ko na parte ako ng tahanan na ito. Simula pagkabata kasama na nila ako pero hindi nila ako kayang hatian ng kunting pagmamahal. Siguro nga lahat ng pinagawa nila sa akin ay kabayaran sa kanilang pagpalaki sa akin.
Panginoon ko! Saan ko ba matatagpuan ang tunay kong mga magulang? Buhay pa ba kaya sila? Kung buhay man sila sana ituro mo sa akin ang daan para makabalik akong muli sa piling nila. Bakit hindi ko man lang maalala ang mukha ng aking mga magulang? Anong dahilan ng pagkawalay ko sa kanila?
“Bakit mo iniyakan iyang manok?” Ay kagwang ka....nabitiwan ko pa ang kutsilyo sa gulat. “Patay naman yan nung binili natin sa supermarket ah kailangan pa bang iyakan yan?,” sabi ni Dylan sa likuran ko.
Lumayas kana bakit bumalik ka pa?
“Natural dahil bahay ko ito,” sagot niya. Ah bahay mo parin ba ito? Akala ko ibininta mo na sa akin ang bahay na ito ng 190 pesos sir.
“Gutom ako kaya nilunok ko muna ang galit at inis ko sa'yo,” sabi pa niya.
Mabuti naman kung ganun sir. Tama ang ginagawa mo lunokin muna ang pride bago magpatangay sa high tide. Believe ako sa inyo surf excel ang pagka-wise mo.
“Hoy chubby mukha ba akong damit? Kinukusot mo na ako ng husto sa mga sabon brand mong patalastas ah,” na gets pala niya kaya napahalakhak ako ng tawa. Ang cute natin noh mag-iiyakan, magkapikonan tapos tatawa na naman.
“Assuming ka chubby kailan ka naging cute? Halos di ka na nga makakalabas ng pintuan eh,”sagot naman niya.
Ang sama mo talaga, sinabi mo sa akin kagabi na cute ako kaya pinanghahawakan ko yun.
“Bitiwan mo na yun chubby lasing lang ako nung sinabi ko yun,”....ang gago humahalakhak pa.
Wala kang hapunan ngayon itaga mo sa semento Dylan.
“Lahat naka konkreto na chubby kaya wala kanang nakikitang bato para ipagtagaan hahaha,” pang-aasar pa niya.
Hindi ako chubby gurang tandaan mo yan. “Okay ayaw mo ng chubby, eh di Fatty nalang ang itawag ko sa'yo. May naalala ako eh when I was in the US. Napapanood ko ang isang movie na Your Fat Friend tapos kamukha mo siya. Kaya nga siguro nakagaanan kita kaagad dahil nakita na kita,” kwento pa niya.
Crush mo yun ganun? Kaya chubby ang tawag mo sa akin dahil ayaw mong mabako kang crush mo si Fatty. Bumalik kana sa America at hanapin mo si Fatty mo. Ibenta mo na sa akin ng 190 petot itong bahay mo.
“Ah ganun? Ito 190 petot mo Fatty,”
Bwesit ka Dylantot na gurang ka sinasayang mo icing ng cake. Nakakainis talaga ang gurang na yun. Parang ipinanganak na kulang-kulang sa buwan. Kaya ka nga siguro nilayasan ng nobya dahil sa iyong kakulitan. Hindi ko alam kung makakatagal ako sa poder ng gurang na ito.
Pumunta ako sa banyo at naghilamos. Ang sarap pa naman ng icing tapos sinasayang lang niya.
Sinimulan ko ng magluto para makakain at makatulog ng maaga. Bahala siya kung kailan siya kakain. Lumabas yata ng bahay kaya tahimik na ang aking buhay.
Sa amin kapag may birthday lang ako nakakain ng cake. Isang kutsara nga lang ang maisusubo mo dahil maraming tao o bisita. Pero ngayon nandito na sa harapan ko ang malaking cake at pwedi ko ng damihan ng kain. Kamusta na kaya sina Lola Pasing at Allen? Nami-miss ko na silang dalawa. Magkikita pa kaya kaming muli sa tamang panahon? Siguro bugbog sarado na si Allen ngayon dahil sa aking pag-alis. Pagkakaisahan na naman na idiin si Allen ng mga kapatid niya na pinatakas niya ako.
Ano ba ang problema ni Papa Nando sa pagiging bakla ni Allen. Hindi nga ito nagbibigay ng sakit sa ulo dahil nagsusumikap naman na kumita ng pera kahit papano.
Sana hindi maisipan ni Allen na lumayas dahil kawawa naman si Lola Pasing. Wala itong magiging katuwang sa pagtitinda sa palengke. Mga batugan pa naman iyong dalawa. Baka nga nanakawin na naman nila ang kunting halagang kita ni Lola.
Luto na ang kanin at adobo pwedi ng maghaponan. Asa kaha padulong ang kagwang? Lumabas ako ng bahay para tingnan siya sa may swimming pool niya. Ayon nakaupo siya at tinitigan ng mabuti ang bote ng beer. Nabuang na, makikipagsuntukan pa yata sa bote na walang laman. Akala ko mahirap lang ang nabubuang nakahanap ng pera. Pati pala mayaman nabubuang kakagastos ng pera nila. Ang lalim ng iniisip ah hindi niya namalayan ang paglapit ko. Hala umiiyak siya, nakakabakla talaga ang lintik na pag-ibig. May naisip akong kalukuhan, makaganti nga sa Dylantot na ito.
“Hoy Dylan bakit mo iniiyakan iyang bote ng beer? Kung wala ng laman kumuha ka ng isa pa. Hindi magkakaroon ng laman iyan kahit dugo pa iiyak mo”
“Panira ka ng moment Fatty, kita mo naman na nagmo-moment ako,” sabi pa niya.
Tanga moment ba yan? Parang hinahamon mo na ng suntokan iyang bote ng beer. Malala kana dahil hindi pumatol sa'yo iniiyakan mo pa hahaha. Kakain na tayo ng haponan para makatulog kana. Lugi ka dyan sa kaka-emote mo. Nagsasaya siya at ikaw nagpakalugmok dyan. Matanda kana, hindi na bagay sa'yo ang gumanyan. Assuming maging teen-ager ah may pa emote pa hahaha.
“Fatty!!!!!”sigaw niya.
Sabihin mo sa akin kung kailan ang binyag ko Dylan. Tumakbo na ako pabalik sa loob ng bahay.