CHAPTER 76 Sa tulad kong naibigay na lahat. Sa tulad kong said na ang tiwala at sa huli naiwang walang-wala, hindi na na ganoon kadali para sa akin ang magtiwala. Hindi na ganoon kadaling maawa. Masyado kong binantayan ang aking puso. Inuna ko ang sinasabi ng aking isip sa nararamdaman ng aking puso. Hindi na kagaya noon na uunahin ko lagi ang aking nararamdaman. Ipaglalaban ko kung ano ang nangingibabaw na tinitibok ng aking puso. Mabilis niya akong pinigilan nang papasok na ako sa aming gate. Hinila niya ako palayo sa gate. "Sandali lang naman! Huwag ka namang bastos! Nag-uusap pa tayo. Rhon naman. Bakit napakatigas na ng puso mo?” “Dapat alam mo iyon. Binago mo ako Rizza.” “Hindi na nga ikaw ang dati ko nang kilalang, Rhon! Napakalayo mo na sa dating ikaw. Makinig ka naman kahit nga

