CHAPTER 67 Dali-dali kong binuksan ang pangalawang sulat niya sa akin. Hi Mahal kong Rhon, Salamat dahil nabanggit mo ako noong graduation mo. Salamat kasi hindi ka pa rin nagbabago. Alam kong ngayon, nagtatalo na ang sigaw ng isip mo at tinitibok ng iyong puso. Nagagalit ka sa akin. Marami kang katanungan dahil nakita mong may dala akong sanggol noon. Marahil iniisip mo, anak ba natin iyon? Dugo’t laman mo ba ang sanggol na tangan ko noon? Bakit hindi kita hinarap? Bakit hindi kita kinausap? Sasagutin ko ang lahat ng iyan sa aking sulat. Pero bago ko sagutin, gusto kong tanungin ka, kumusta ka na? Kumusta ang iyong pag-aaral? Hangad ko ang iyong kaligayahan. Gusto kong isipin lagi na okey ka na. Wala akong karapatang sabihing sana ako lang, sana ako pa rin kasi alam ko namang ako ang

