Chapter 3

1788 Words
Chapter 3 TULAD NGA NG sabi ni Moonsar ay doon sila pinatuloy ng Tito Henry nito sa bahay-paupahan. Hindi na sila pinabayad nito na dalawa ni Moonsar. Bilang tulong na lang raw nito sa kanila. Pati ang pagpaparenta ng kotse ay ini-libre na lang rin sa kanila. Masasabi niyang kahit mayroon sa buhay ang Tito Henry ni Moonsar ay mabait ito at mapagbigay. Isa sa mga taong sinasaluduhan ni Diserie. Sana mayroon pang mga maraming taong ganoon. Pero sa tantiya niya'y bibilangin na lamang ang mga taong ganoon sa panahon ngayon. Mayroong mga taong mabait nga pero hindi naman bukal sa kalooban at tsismis pa ang aabutin mo. Mayroong mga taong hindi ka talaga tutulungan dahil hindi mo naman sila kaanu-ano. Sa panahon ngayo'y nakabase na sa kung kilala ka, may pera ka, o kaya'y celebrity ka bago ka pa bigyan ng tulong. Pero nakaka-proud para kay Diserie at may ganoon pang taong tulad kay Tito Henry sa panahon ngayon. Papunta na sila ni Moonsar ngayon sa mall kung saan matatagpuan sa napakalaking bayan sa munisipalidad ng Batanes. Kailangan nilang mamili ni Moonsar ng kanilang makakain at magagamit sa loob ng isang linggo. Hiling niya na sana'y hindi sila magtagal sa paghahanap at makita niya agad ang mga magulang. "Bili lang tayo ng dapat talagang gagamitin natin. Huwag na tayong bumili ng mga hindi ganoon ka-importante." Tumango siya sa sinabing iyon ng kaniyang nobyo. Nginitian niya ito saka hinawakan ang kamay nitong hindi nakahawak sa manibela ng pajerong dala nila. "Maraming salamat, love. At sinamahan mo ako rito para hanapin ang mga magulang ko. Pasensya na at naging abala pa ako sa iyo," madamdamin niyang litanya. Napatingin naman ito sa kaniya at ngumiti. Hinawakan rin nitong pabalik ang kamay niya nang mahigpit. Masasabi niyang ang swerte niya sa lalaking ito. Hindi nga siya nagkamali ng minahal. "Tulad nga ng sinabi ko, love. I will be here always for you, if you need someone. Isa pa hindi kita hahayaang mag-isa na lang na umalis. Lalo na at hindi ko alam kung magiging okay ka ba o hindi. Simula nang sagutin mo ako at mahalin rin ay obligasyon ko na ang alagaan ka at protektahan. Kahati mo na ako, Diserie. Kaya't kung saan ka man ay kailangang alam kong ligtas ka." Hinalikan nito ang likod ng kaniyang kamay. Kinikilig siya sa sinabi ng kasintahan. Bakit ba ganoon ito? Sobrang madamdamin. Pakiramdam niya tuloy ay nasa alapaap siya't lumulutang . Inirpan niya ito pero ngiting-ngiti naman siya. Narinig niya itong napatawa. "You are obvious, love. Masyado kang halata na kinikilig sa mga sinabi ko," asar pa nito sa kaniya. Tinampal niya ito sa balikat. "Ikaw kasi, bigla-bigla ka na lang diyan nagiging makata." "I love you, love," sabi nito dahilan para uminit ang pisngi niya. Minsan lang kasi si Moonsar sa kaniya magsabi ng ganoon. Maski siya rin, hindi sila nagsasabi no'n sa isa't isa. Sapat na ang presensya at aksyon para ipakita ang nararamdaman nila para sa isa't isa. At ngayon na lang ulit si Moonsar no'n nagsabi sa kaniya pagkatapos ng huling beses na nagsabi ito noong monthsary nilang dalawa. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Mahal na mahal niya talaga ang lalaking 'to. "I love you too, love." Hinalikan nitioang kamay niyang nakahawak sa kanang kamay nito. Napangiti siya't hindi na napigilan pa ang kiligin. Tawang-tawa naman si Moonsar sa kaniyang pamumula. "You are so damn cute, love. You make me fall in love with you every time." Binawi na niya ang kamay mula rito. Nanginginig ang kamay niya dahil sa kilig. Hindi niya alam pero may ganoon siyang ugali kapag kiligin. Hinayaan na lamang niyang tawanan siya ni Moonsar hanggang sa natawa na rin siya't iniirapan ito. Halos kalahating oras ang biyahe nilang dalawa ni Moonsar bago nakarating sa bayan ng Batanes. Mukhang sakto pala ang layo ng bahay ng Tito Henry sa bayan ng Batanes. Agad siyang pinagbuksan ng pinto ni Moonsar nang maiparada na nito ang pajero sa parking lot ng mall na pinuntahan nila. Inalalayan siya ng kasintahan para makababa siya nang maayos. Napangiti si Diserie, hindi niya pa rin maiwasan ang hindi kiligin sa pagka-maginoo ng kaniyang kasintahan. Pumasok na silang dalawa ni Moonsar sa loob ng mall. Agad silang nagtungo sa grocery section para mamili na ng kanilang makakain sa loob ng isang linggo at ng mga kakailanganing pagkain para sa paglalakbay nila habang hinahanap ang mga magulang. "Love, sakay ka sa cart." Napatingin siya sa kaniyang likuran nang mahsalita si Moonsar. May dala-dala na ngang cart ang lalaki na malaki habang nakatingin ito sa kaniya't nakangiti. "Ano? Huwag ka nang gumawa ng kalokohan, Moonsar. Nasa mall tayo, hindi ito- ahh!" Napatili na lamang siya nang bigla siyang buhatin ng lalaki at i-upo sa loob ng cart. Napatingin tuloy ang mga taong namimili na nasa grocery section sa kanilamg dalawa. Nag-init ang pisngi niya at nagbaba ng tingin. Pero nang marinig niyang tawang-tawa si Moonsar ay dagli rin siyang napaangat ng tingin rito. Napatingin siya sa paligid. Ang ilan ay natutuwa sa kanila at kinikilig. Ang ilan naman ay walang pakialam sa nangyari. "See, love? Walang pakialaman ang mga tao rito. So we are free. Walain mo iyang hiya mo, sabi ko sa iyo hindi ka mabubuhay kapag iyang hiya ang papairalin mo sa panahon ngayon." Napahinga na lamang siya nang malalim. "Oo na, sabi mo eh." "Silly," he teased and brushed her hair. Diserie is really so lucky. She has a loving boyfriend that is rare to be found in this era. Bibilangin na lamang ang mga lalaking katulad ni Moonsar. And she is really thankful to God that He gave her a loving man and a kind of man like Moonsar Delavin. "Tara na nga at mamili na tayo mister. Tama ka na sa pagpapakilig mo sa akin. Kutang-kuta na ako." "Haha. Okay, love!" Napahawak na lamang siya nang mahigpit sa gilid ng cart nang tumakbo bigla si Moonsar sa hallway habang tinutulak siya. Para silang batang pinakawalan at ngayon lang napunta sa ganoong mall. Pero agad naman itong tumigil sa pagtakbo nang makita ang guard na nakamasid sa kanila. "Sige at huhulihin tayo dahil sa kalokohan mo." Naging seryoso naman ito nang magsimula na silang mamiling dalawa. Tinulungan na rin siyang bumaba nito ng cart. HABANG PAPALABAS NG mall sila Moonsar at Diserie ay hindi nakaligtas sa kanilang pandinig ang pagserena ng isang alarm sa buong lugar. Para iyong emergency alarm na madalas gamitin sa Japan kapag may geyra na gaganapin. Kaya't bigla silang kinabahan ni Moonsar nang marinig ang ganoong alarm sa lugar ng Batanes. At isa pa hindi naman gumagamit ang Pilipinas ng ganoon kapag may geyra. Kapag may mga kakaibang nangyayari lamang at kapag may seryosong magaganap sa bansa. Anong meron at bakit biglang ganoon na lamang ang pagbusena ng alarm sa buong lugar? Mayamaya ay nakita nila sa billboard ang isang balitang nagpagulantang sa lahat. Ang ngiting dalawa nila ni Moonsar at ng mga taong naroroon ay biglang napalitan ng pagkabahala, pagkatakot at ng pagkataranta. Puno ng katanungan ang mga mata. "Mga kababayan, habang maaga pa'y siguraduhin niyong iligtas niyo ang inyong sarili. Dahil ang isang virus ngayon sa Pilipinas ay nagkalat na sa buong lungsod at maging bayan. Kahapon pa ito napag-alaman at tumataas na ang bilang ng mga nagiging biktima at ng mga nagiging infected ng nasabing virus na ito. Kapag narinig niyo ang alarm ibig sabihin ang mga naging infected ay nasa inyo nang lugar at ang maging ang virus na ito. Sa ngayo'y iniimbestigahan pa ng mga awtoridad at ng mga doktor kung saan nagsimula ang ganitong klaseng virus at kung paano ito napunta sa bansang Pilipinas." Pagkatapos magsalita ng reporter ay pinakita sa billboard ang isang lugar na may mga taong naglalakad sa kalsada habang hubo't hubad. Napasinghap ang halos na mga taong naroroon nang makita nilang lahat kung paano habulin ng isang infected ang isang hindi pa. Ipinakita sa buong video kung paano nito inatake ang babae sa pamamagitan ng p********k rito. Napatakip si Diserie ng kaniyang bunganga para pigilan ang sariling mapahagulhol sa iyak. Naawa siya sa babae lalo na at makita niya ito kung paano ito mangisay pagkatapos masalinan ng virus. Unti-unting tumayo ang babae mula sa pagkakahiga at naging isang tulad na ito ng lalaking bumiktima rito kanina. Hanggang sa i-coverage ng telebisyon ang libo-libo nang mga nilalang na iyong apektado na ng virus. Biglang hinawakan ni Moonsar ang kamay ni Diserie. Nagmadali silang sumakay ng pajero. Maging ang mga tao na rin sa paligid ay nagmamadali na ng lakad. Maging ang mga kotse ay mabibilis na ang pagpapatakbo. Lalo na at patuloy pa rin sa pagbusena ng alarm sa buong lugar na kinaroroonan nila. "Love, natatakot ako. Anong mangyayari sa atin? Bakit ngayon pa nagkaroon ng ganoong virus? Paano na ang paghahanap ko sa mga magulang ko? Huli na ba para sa ating lahat? Makakaligtas pa ba tayo sa. . . ganoong klaseng. . . kung sakit nga ba ang tawag roon." Hindi niya mapigilan ang manginig sa kaba. Lalo na at nakita niya kung paano maging infected ang isang tao ng virus na iyon. Hindi niya masikmura ang ganoong eksena. Hinalikan siya sa noo ni Moonsar at pinipilit na pakalmahin. "Hush, it's going to be alright, love. Gumagawa na ang mga awtoridad kung paano mapigilan ang ganoong virus." "Pero wala pang ibinalita na may gamot sa ganoong virus." Nakikitaan niya ng pagkabahala at takot sa mga mata ang lalaki habang nakatingin sa kaniya. Lahat naman siguro ay kinakabahan. Pero mas lalo siyang humahanga kay Moonsar lalo na at nanatili pa rin itong maging matatag at kalmado pagkatapos na marinig nito ang balita kanina. "Makakahanap agad sila, love. Magdasal na lamang tayo, bago pa dumami ang mga biktima ay makahanap na ng gamot ang mga doctors para puksain ang ganitong klaseng virus na kumakalat ngayon sa buong lungsod ng bansang Pilipinas." Tumango siya sa sinabi ng kasintahan. Hindi na siya nagsalita pa nang mabilis na nitong patakbuhin ang pajero pabalik sa apartment ng Tito Henry. Hindi maiwasan ang mga aksidente sa ilang kalsada dahil sa pagmamadali ng mga taong makauwi sa kanila. Dahil kahit anong oras ay maaaring makasalubong nila ang mga infected na may dalang virus. At kahit anong oras ay maaaring maging ganoon rin ang kahihinatnan nila kung anong nakita nila sa balita kanina. Hindi nila alam kung ano ang mangyayari. Hindi mapigilang hindi mabahala si Diserie lalo na at makita niya kung paano magtakbuhan at magsigawan ang mga taong nasa paligid mailigtas lang ang mga sarili. Sa nakikita niya ngayo'y wala ni-isa man siyang aasahang mga taong tutulungan ang iba para maging ligtas rin ang mga ito. Sa sitwasyon na kinasasadlakan nila ngayo'y panigurado siyang pagkamasarili ang iiral . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD