Chapter 2

1575 Words
Chapter 2 KARGA-KARGA ni Diserie ang kaniyang itim na backpack habang papalabas sa kaniyang silid. Naghihintay ang kaniyang Lola at Lolo sa labas habang nakaupo sa sofa. Nalulungkot man siyang iwan ang mga ito pero wala na rin siyang magagawa at wala na rin siya mapagpipilian pa. Kailangan niyang hanapin ang mga magulang. Ilang taon niyang hinintay ang pagkakataong ito. Sayang ang mga araw na lilipas. Ang Lolo at lola niya kasi ang nagpalaki sa kaniya simula noong bata pa siya. Iniwan siya ng ina sa mga ito nang matapos maghiwalay ang asawa nito na ama niya. Ayon sa Lola at Lolo niya'y naghiwalay ang mga magulang niya dahil sa problema sa negosyo. Nawawalan na ng oras sa isa't isa at naghanap na ng ibang taong magmamahal sa mga ito. Ang Mama niya ay nag-asawa ng iba at ang maging ang Papa niya'y mayroon na ring ibang pamilya. Gumawa na rin siya ng letter for one week leave in her university where she is studying together with her boyfriend named Moonsar. Mabuti naman at agad siyang pinayagan ng kaniyang guro at ng Dean sa university nila. Naawa ang mga ito nang desperada siyang makiusap rito. Hindi siya nagdalawang-isip na sabihin sa mga ito ang dahilan ng pag-alis niya. Kailangan niyang mahanap agad ang mga magulang niya. Bago pa dumating ang kaarawan niya sa susunod na linggo. Gusto niya kapag twenty-two na siya'y makilala niya man lang at masilayan ang mga totoong magulang na iniwan siya. Noong una'y galit siya sa mga ito at hindi sumagi sa kaniyang isipan na patawarin ang mga ito at hanapin. Pero nang sabihin sa kaniya ng kaniyang Lolo at Lola na dapat hanapin niya sa puso ang pagpapatawad ay nalinawan siya. Iyon nga lang at nagtagal ng ilang taon bago niya natanggap ang mga ito at napatawad. Hindi naman kasi ganoon kadaling tanggapin lalo na't iniwan siya ng mga ito. Pakiramdam niya'y hindi man lang siya tinanggap at minahal ng mga ito. Kung kaya't ganoon na lamang ang pang-iiwang ginawa ng mga ito sa kaniya. Pagkatapos naman niyang makita at maka-usap ang mga ito'y lalayo na rin siya. Hindi na niya guguluhin pa ang mga ito sa kanya-kanyang buhay. Gusto niya lang ang mga ito na matanong, mayakap at masilayan. Pagakatapos no'n ay babalik na rin siya agad sa Lolo at Lola niya. Agad na tumayo ang Lolo Carding at Lola Paula niya sa sofa nang makita na siya ng mga itong pababa ng hagdan. Ngumiti ang mga ito nang makita siyang may dala-dala nang bag. Hindi niya napansin na umiiyak na pala siya habang papalapit sa mga ito. “Mag-iingat ka roon, apo. Ingatan mo sarili mo, ah? Huwag kang pabaya,” bilin agad sa kaniya ng Lolo Carding. Tumango siya at niyakap ng isa-isa ang mga ito nang mahigpit. “Oo naman, 'Lo. Hindi naman kayo sanay sa akin.” “'Kaw na bata ka. Ano? Kompleto na ba ang mga gamit mo? Wala ka na bang nakalimutan? Andyan na ba lahat? Baka mamaya at may nakalimutan ka ah, at magkakaproblema ka pa,” usisa ng kaniyang Lola Paula. Natutuwa siya sa mga ito habang pinagmamasdan ang mga ito kung paanong mag-alala sa kaniya. Hindi man siya pinalaki ng mga sariling magulang ay may Lolo Carding at Lola Paula naman siyang ipagmamayabang. Ang mga magulang na itinuring niya ng ilang taon. At kahit na kailan ay hindi niya ito ipagpapalit sa ibang mga magulang. “Naku kayo talaga. Ako pa ang inaalala niyo, mas alalahanin po ninyo ang sarili niyo. Alagaan niyo po at huwag pabayaan. Lalo na at mawawala ako ng isang linggo.” Nag-iiyakan na silang mag-lolo at lola. Hindi niya kayang hindi ang ito makasama sa loob ng isang linggo. Pakiramdam niya'y hindi niya makakayang harapin ang mga darating na araw para sa kaniya. Lalo na at wala sa kaniyang nagpapangaral at pupuna sa loob ng isang linggo. Tanga-tanga pa naman siya at walang desposasyon sa buhay. “Huwag na po kayà akong tumuloy? Hindi ko na lang po kayà sila hahanapin?” biglang wika niya na siyang dahilan para batukan siya ng kaniyang Lolo Carding. Mabangis ang awrang ipinakita nito sa kaniya. Nabahag tuloy ang buntot niya. “Aba'y wala kang isang salitang bata ka. Panindigan mo iyan, huwag kang aatras kapag nasimulan mo na.” Tumango siya at niyakap ang mga itong muli. “Oo na lolo. Basta mag-ingat kayo rito ni lola ah? Mahal na mahal ko po kayo.” Hinalikan niya ang mga ito sa pisngi. “Mag-iingat ka apo, mahal na mahal ka rin namin,” paalam na ng Lolo Carding at Lola Paula niya sa kaniya. Ngumiti siya't humiwalay na sa mga ito ng yakap. Humakbang na siya patalikod at kumaway. “Kayo rin po, Lolo at Lola. Huwag po kayong mag-alala. Babalik po akong buo.” Natawa pa siya. Lumabas na siya nang tuluyan sa kanilang bahay at pumunta sa kinaroroonan ni Moonsar na printeng nakaupo sa hood ng kotse nito. Masasabi niyang mayroon sa buhay ang kasintahan niya. Hindi nga lang halata dahil sa simple itong magsuot ng damit at hindi preskong tulad ng mga ilang mayayaman na kaklase niya. Agad siyang ngumiti rito nang makita itong nakangiting nakatitig sa kaniya. “Anong sabi sa iyo ni lolo at lola?” tanong niya rito nang kunin nito mula sa kaniya ang itim na bag niya na nasa likuran. Ngumisi ito. “Iingatan raw kita, at siguraduhing buo pagbalik.” Natawa siya at umiling-iling. “Sina lolo at lola, talaga ooh.” Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. “They are so adorable. They love you so much. You so are lucky.” Tumingin siya sa kanilang bahay at napangiti sa kawalan. “Yeah, you are right love. I am so lucky to have them.” Pinisil nito ang kaniyang pisngi bago nito inilagay sa back seat ang bag niya kasama ang bag nito. Agad siyang naupo sa shotgun seat at sumunod naman ito. “Don't worry love. We will find your parents in just a day. Hindi matatapos ang one week at babalik rin agad tayo rito.” Pinaandar na nito ang kotse. “Yeah, I hope so.” Bumaling ito sa kaniya bago pinatakbo ang kotse. Papunta na sila ngayon sa Airport. “Where we heading?” “Batanes.” Mahaba-haba ang biyaheng gagawin nila ni Moonsar. From Maynila to Batanes. Mukhang lupaypay sila pagdating sa lugar na iyon. NAGISING SI DISERIE sa pagyugyog na gawa ni Moonsar sa kaniyang balikat. She remembers that earlier they left the car in the airport garage. Before they go to inside the airport and took their flight. Halos apat na oras ang biyahe nila. Tumingin siya sa labas at pababa na pala ang eroplanong sinasakyan nila. Nakatulog siya. “Here. Kain ka na muna.” Ngumiti siya sa kasintahan at kinuha ang cup noodles nitong binibigay sa kaniya. “Nakatulog ka ba?” tanong niya rito nang simulan na niyang kainin ang cup noodles. Kumain na rin ito ng cup noodles ring hawak. “Medyo. Umidlip lang ako. Hindi ako makatulog. Isa pa binabantayan kita.” Ngiting-ngiti siya nang tignan ito. Hindi niya talaga maiwasang hindi kiligin sa mga pinagsasabi ng lalaking ito. Ki aga-aga ay pinapakilig siya. “Ewan ko sa iyo.” Natawa ito sa naging reaksyon niya na siyang ikinairap niya. “What? I'm being honest here, love.” Napahinga siya nang malalim saka kiming ngumiti sa kawalan sabay higop ng sabaw. Hindi niya ito pinansin na tawang-tawa sa kaniya. Pagkababang-pagkababa agad nila ng eroplano ni Moonsar ay agad na nag-abang ang lalaki ng taxi para maghatid sa kanila sa sikat ng bayan ng Batanes. Plano ng kasintahan niyang mag-renta ng masasakyan nilang kotse para sa paghahanap ng mga magulang niya. May kakilala raw ito rito sa Batanes na nagpaparenta ng sasakyan sa murang halaga. Kaibigan ng papa nito, in short tito niya. Isang lugar lamang ang ibinigay sa kaniya ng lolo at lola niya. Isang pangalan lamang iyon ng isang subdivission kung kaya't hindi nila alam ni Moonsar kung saan iyon matatagpuan. Mukhang malilibot yata nila ang buong Batanes. “Pagkatapos nating pumunta kay Tito Henry. Daan muna tayo sa mall at bibili nang makakain natin.” Tumango siya sa sinabi nito. “Sige, saka pahinga na muna tayo. Mukhang may jet lag pa tayong dalawa.” Ngumisi ito. “Saan mo gustong mamahinga, love? Pwedeng mamalagi na muna tayo sa bahay ni Tito Henry. Nagpaparenta rin sila ng bahay. Apartment, anong gusto mo? Doon na muna tayo tutuloy sa loob ng isang linggo habang hinahanap natin ang mga magulang mo?” Napangiwi siya. Mukhang kulang yata ang perang dala niya. Nakuha na rin niya ang perang sa savings niya na inipon niya ng ilang taon sa pag-pa-part time job. “Hindi kayà magastos?” Natawa ito sa sinabi niya. Napapahiya na lamang si Diserie na umirap sa lalaki. “Huwag mo na iyong problemahin. Ako na bahala kay tito. Libre na iyon sa atin, lalo na at kapag malaman niyang may purpose kung bakit tayo mamalagi rito ng isang linggo.” “Sure ka? Hindi kayà nakakahiya?” Ginulo nito ang buhok niya bago huminto ang isang taxi sa harapan nila. “Mamamatay ka sa hiya ngayong panahon, love. Kayà huwag mong papairalin ang hiya na iyan. Pakapalan na ng mukha sa panahon ngayon.” At natawa silang dalawa nang makapasok na sila sa loob ng taxi. Itong boyfriend niya talaga puro kalokohan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD