Chapter 1

1179 Words
Chapter 1 “ARE YOU sure about this, Diserie? Are you ready to face him?” Inis niyang binagsak ang binabasang libro sa ibabaw ng lamesa. Nagsitinginan lahat ng mga estudyante sa kanya matapos niyang makagawa ng ingay sa loob ng library. Tumikhim si Yola nang dahil sa kanyang ginawa. Bumalik naman na agad ang mga estudyante sa kanilang ginagawa nang matapos siyang tingnan. Huminga siya nang malalim saka napasandal sa sariling kinauupuan. Napatingin siya sa sign na nakadikit sa wall ng library. Ang laki no’n para sa mga hindi makabasa at hindi sumusunod sa rules. DON’T MAKE NOISE. BE SILENCE. “I’m sorry, I didn’t want you to be mad.” Kumibit-balikat siya sa sinabing iyon ni Yola. Inilibot ang paningin sa buong paligid. Busy ang ilan sa kakabasa ng libro. Ang ilan namang mga estudyante ay gumagawa ng kanilang mga takdang aralin. Ang ilan naman ay nag-uusap lang ng mahina. May mga sariling mundo silang lahat. Kaya’t nakapagtataka kung bakit napunta sa mundo niya si Yola na ito. Nawala na tuloy ang gana niya sa pagbabasa ng nobela ni Stephenie Meyer na Midnight Sun. “Sinabi ko sa iyong kakausapin ko na siya ngayon, Yola. At wala ka nang magagawa roon. Hindi mo ako mapipigilan, buo na ang desisyon ko.” Tinapunan niya ito ng isang napakaseryosong tingin. Umiwas ito ng tingin at lumunok ng sariling laway. Lumikot ang mga kamay nito na parang hindi mapakali. Hinawakan niya iyon dahilan upang bumalik ang atensyon nito sa kanya. Nginitian niiya ito. “He’ll gonna be alright, Yola. He’ll gonna understand. Just trust me,” she said while pressing her hand. Tumango ito saka ngumiti rin. “I trust you, Diserie. I trust you in this, promise me that he will not hurt himself.” “I promise.” Dali-dali niyang niligpit ang sariling mga gamit saka isinilid sa kaniyang hindi kalakihang shoulder bag. Isinukbit niya iyon sa balikat. Pagkatapos no’n ay tinapunan niya si Yola ulit siya ng tingin. “Don’t hurt him, please . . .” Before she heard those words she walked away and left her alone inside the library. There’s no time to waste. She needs to talk to him right now. Sa hallway na siya ng school. Ang ilang estudyante ay nagtatawanan habang nag-uusap sa gilid ng bars. Ang ilan ay may mga grupo na may sariling mundo. Samantalang siya ay abala sa paghahanap sa isang lalaking may kulay dilaw na buhok. Natanaw niya si Majorie na papunta rin sa kinaroroonan niya. Agad siya nitong kinawayan nang mag-tama ang kanilang paninging dalawa. Agad rin naman itong ngumiti sa kanya at kumaway pabalik. Niyakap siya nito nang mahigpit nang makaharap na silang dalawa. “Papunta ka na ba sa nest class mo?” tanong niya rito. “Yeah, ikaw ba? Mukha yatang may hinahanap ka? Siya ba?” sagot ng huli na may kasunod na tanong. Tumawa siya dahil sa naging tanong nito sabay niya tango. “Yes, nakita mo ba siya?” Tinapik nito ang kanyang balikat at pinisil iyon na para bang sinasabing kaya niya itong lahat. Hindi niya rito sinasabi kung ano ang dahilan niya pero alam niyang alam na nito ang nasa isip niya. Isa si Majorie na madaling makabasa ng emosyon na nakikita nito sa mukha ng isang tao. Nakakabasa rin ito kung ano ang nasa isip ng taong kaharap nito. Kaya hindi na nakapagtataka. “Sa basketball court siya. Go, and talk to him. You can do it.” Tumango siya saka niyakap nang mahigpit si Majorie. “Thank you.” She tapped her back and let her go. Pagkatapos niya itong kawayan ay agad siyang tumungo sa basketball court. Ilang hakbang ang ginawa niya bago siya tuluyang nakapasok sa loob. And there he is. Ngumiti agad siya nang makita ang hinahanap na naglalaro ng bola. Naka-tatlong shoots ito bago tumigil at magpahinga sa bleachers. Nakasuot ito ng varsity na kulay pula. Ang sapatos naman nito ay isang skechers na itim na siyang mas nagpa-gwapo pa sa rito. At siyempre, ang asset nitong kulay dilaw na buhok. Hindi siya nito napansin sa pagpasok dahil abala ito sa pag-inom ng tubig mula sa plastic bottle. Tumikhim siya dahilan upang magulat ito at maibuga ang iniinom na tubig. Tumawa siya. “Game over!” sigaw niya dahilan upang matawa rin ito nang mahina. Pinagmasdan siya nito habang papaupo siya sa tabi nito. “Hi, naistorbo ba kita?” Agad itong umiling. Inilapag nito ang hawak na plastic bottle sa bag at itinuon ang buo nitong atensyon sa kanya. Tinitigan siya nito nang seryoso kung saan ang siyang nagpakaba sa kanya nang husto. Kaya niya kayang sabihin rito ang naging pasya niya? “Hindi naman, naglalaro lang naman ako rito. Anong ginagawa mo pala rito? May gusto ka bang sabihin?” Tumikhim siya. “Paano mo na lamang may sasabihin ako sa iyo?” He hold her hand. “I just feel it, Diserie. Go and tell me.” Sunud-sunod ang ginawa niyang paglunok ng sariling laway bago niya simulan ang magsalita. “I’m gonna leave. I need to find my parents, I am sorry, I have to leave you. I love you, but I love my parents too. I want to asked them. I want to meet them. I hope you understand,” she said straight without hesitate. She saw him smile. “I knew it,” he said. Nanlaki ang mga mata niya at nanginig ang labi nang marinig ang sinabi nito. Tinapunan niya ito ng isang tinging nagtatanong. Hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay saka hinigpitan. Dinala nito iyon sa sariling labi para gawaran ng halik. “I knew it, Diserie. Inaasahan ko na darating ang araw na ito para hanapin mo sila. Kaya handa na ako. Saka isa pa, hindi naman ako makakapayag na ikaw lang ang mag-isang hanapin ang mga magulang mo. Remember? I am here always for you.” Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin?” Tumayo ito saka hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Sasamahan kita sa paghahanap ng parents mo.” “A-ano? P-pero—” “I meant it, love. Huwag mo na akong pigilan. Hindi kita hahayaang mag-isa. Ano na lamang ang papel ko bilang boyfriend mo kung iiwanan naman pala kita at hahayaang mag-isa?” Pinipigilan niya ang sariling lumuha dahil sa sinabi nito pero tumulo pa rin ang mga luha niya at dumaloy sa kanyang pisngi. “Bakit ka umiiyak?” natatawa nitong tanong sa kanya. “Tears of joy iyan,” natatawa niya ring sagot rito. Hinila siya nito at binitbit na ang kanyang bag. “Akala ko pa naman, tears of kilig iyon.” Natawa siya. Sabay silamg lumabas ng basketball court na magkahawak-kamay. Napangiti siya dahil sa ibayong kilig at sayang nararamdaman. This is gonna be a long trip for her. . . a long trip to find her parents together with her boyfriend— Moonsar Delaven.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD