CUAREZ SERIES #1
"Why can't I hold you in the street? Why can't I kiss you on the dance floor? I wish that we could be like that. Why can't we be like that, 'cause I'm yours?"
Walang magawa si Aubriana kung 'di indahin nang mag-isa at tahimik ang lungkot na bumabalot sa kaniya sa tuwing maaalala niya ang kasunduan nila ng boyfriend niyang artista na si Cosmo Estrella. Private Relationship. Iyon ang kasunduan nilang dalawa. Itatago nila ang pagmamahalan nilang dalawa sa publiko dahil lang sa paga-artista ni Cosmo. Bagamat ayaw niyang pumayag sa ganoong set up, wala siyang magagawa dahil mahal na mahal niya ang binata. Hanggang kailan niya nga ba titiisin lahat nang sakit para lang mapanatili ang maayos na relasyon nilang dalawa?