Chapter 12:Number One Fan “Hi, Cosmo! Sumisikat ka na, ah?” Nakapangalumbaba lang akong nakatingin sa malayo, pinagmamasdan si Cosmo na dumadaan at kinakausap ang mga estudyanteng bumabati sa kaniya dahil sa biglang pag-usbong ng career niya. Bilang girlfriend niya, proud ako siyempre pero hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil busy na siya ngayon sa tapings nila. Isa pa, nagkikita naman kami dito sa campus everyday pero para kaming hindi magkakilala. Hanggang tingin na lang kami sa isa’t isa. Nahihirapan ako, oo. Hindi ko in-imagine na mas malala pa pala itong mangyayaring ‘to. Masaya ako na sumisikat na siya dahil sa galing niya pero masama na ba kung hilingin kong sana tama na? Selfish na ba ako kung sabihin kong mas okay sa akin na doon lang siya sa stage play, hindi na sa pagigi

