Chapter 10:Behind The Spotlight Akala ko magiging masaya na ako kapag sinagot ko siya. Kapag, naging kami. Hindi ko alam kung parusa ba ito sa akin ng tadhana o talagang nagkataon lang. Ito na nga ba ang karmang naghihintay sa akin noon dahil sa ginawa ko kay Stephen? “May gusto lang sana akong ipakausap sayo...” Bigla siyang sumeryoso pagkatapos ng aminang nangyari sa pagitan namin. Lumakas ang t***k ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung bakit o para saan ang kaba na nararamdaman. May dapat ba akong ikatakot? Dahil sa kabang nararamdaman ko ay kinuha ko ang isang milkshake na nasa harapan namin at ininom iyon. Nanatili siyang nakatingin sa akin at naghihintay na tapusin ko ang pag-inom ko. Nang makainom ako nang sapat ay ibinaba ko iyon at kagat-labi siyang tinignan. “A-Ano ‘y

