Chapter 28:Meet And Greet At first I was hesitant to go. But, I will do everything para lang sa pagtupad niya sa pangarap niya. Ibang usapan na kasi pagdating sa pangarap. Hindi pwedeng hindi mo matupad ang pangarap mo dahil lang sa pag-ibig, at iyan ang paniniwala ko. Kung para sa akin, mas importanteng matupad ko ang pangarap ko kaysa ipagpalit na lang iyon nang para sa pag-ibig. Hinding-hindi ko bibitawan ang pangarap ko para sa lalaki lang. Kaya hindi ko maintindihan si Cosmo kung bakit kayang-kaya niyang bitawan ang pangarap niyang matagal niya nang inaasam na ngayon ay unti-unti na niyang naaabot. Every blood, sweat, and tears was worth it. Pero, bakit ang dali para sa kaniyang isuko ang pangarap niya para sa akin? Does that mean na mahal na mahal niya talaga ako at ayaw niyang maw

