Chapter 7:Happiness “Bwiset! Tigilan mo nga ako, Leighanne!” Pilit akong tumayo mula sa kama ng clinic pero pinipilit rin akong hindi pagalawin at humiga lang ni Leighanne. Ini-harap niya ang palad niya sa akin, akmang hahampasin ako pero dinilaan ko lang siya at tinapik ang kamay niya. Wala na siyang nagawa nang tuluyan na akong maka-upo sa kama. Inayos ko ang gulo kong buhok at ginala ang paningin ko. Kumunot na lang ang noo ko nang mapagtantong may kulang. Magkasama lang kami n’on bago ako mahimatay, ah? “Nasaan si Cosmo?” tanong ko. “Bumibili ng mineral water sa canteen!” inis niyang sigaw. “Nini-nerbyos ako sayong babae ka! Bakit bigla ka na namang nahimatay!? Malala pa doon, wala ako sa tabi mo! Pwede bang kapag mahihimatay ka, kasama mo ako!? Jusko naman! Baka gusto mong mapata

