Misty Zehra Avilla MABILIS SINARADO ni Gigi ang pintuan ng kanyang apartment tsaka pinakatitigan ang dala kong mga gamit. I was running all the way here, paranoid na tila ba may nakasunod sa akin. Tinakasan ko ang driver ng mga Ramirez matapos nila akong ihatid para kunin dapat ang iilan kong mga gamit at bumalik sa kanila. But no! Ayokong magamit. Hindi ganito ang halaga ng buhay ko. “A-anong nangyayari sayo, Misty? Tsaka… babalik kana ba rito sa apartment ko? Hindi ba aalis kana papuntang ibang bansa?” sunod sunod niyang tanong matapos kong pinatay ang cellphone ko at nilagay iyun sa basurahan. Humarap ako sa kanya kaya nagulat pa ito. “Pahiram ng cellphone mo. May tatawagan lang ako.” Maraming tanong sa kanyang isipan ngunit mas pinili nitong ibigay sa akin ang hinihingi ko sa

